journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/23248-john-lloyd-hasnt-changedJournal
Written by : Nel Alejandrino
Feb. 4, 2012
'JOHN LLOYD hasn't changed' UNBELIEVABLE but true and cute. Kaya, read on.
Yup, alam n’yo bang ang tunay na name ng alalay ni JOHN LLOYD Cruz na kung tawagin niya ay simply “Pip” ay Tirso Cruz.
And guess what Pip told us. Ang driver naman ni JOHN LLOYD ay Christopher de Leon ang tunay na name.
Ayon kay Pip, kahit kailan ’di niya naitanong sa mother niya kung bakit pinangalanan siya nitong Tirso Cruz at tinawag na Pip for short.
But it’s likely daw na paboritong actor nito si Pip (’yung actor, ha).
Sa kaso ni JOHN LLOYD, friend na raw niya ito ’di pa man ito nagsu-showbiz. Magkapitbahay daw kasi sila sa Pasig.
In fact daw, noon na-discover si JOHN LLOYD by a talent scout and he was asked kung gugustuhin nitong mag-artista, they were together sa Sta. Lucia Mall.
They have been friends for 13 years now.
Ano ang napansin niya kay JOHN LLOYD mula nang sumikat ito?
”Wala,” sagot ni Pip. “Mabait pa rin siya. Bilang kaibigan, anak at kapatid.”
Ayon kay Pip, naipagpatayo na ni JOHN LLOYD ng bahay ang mga magulang. Malapit lang ang bahay niya sa mga ito.
Dito na sa Pilipinas namimirmihan ang dalawang kapatid na lalaki ni JOHN LLOYD na matagal ding nakipagsapalaran sa Amerika.
May kanya-kanya na itong hanapbuhay. One of them ay siyang tumutulong sa kanya to build a house and sell business.
The other one looks after the rows of apartments, 14 of them, in Santolan, which JOHN LLOYD rents out.
Ganunpaman, nanatiling simple lang daw si JOHN LLOYD. Maliban sa pananamit nito, according to Pip, which he has lately been conscious of.
Kahit daw sa pagkain, nananatiling paborito nito ang mga dating kinakain. Dinurog na mustasang nilagyan ng kamatis.
Asked kung sino sa mga naging girlfriend ni JOHN LLOYD ang pinakamabait, ito ang tanong namin na ayaw nang sagutin ni Pip.
No wonder, pinagkakatiwalaan nga siya ni JOHN LLOYD.
* * *
On the day we visited the set of Unofficially Yours, first film together nina JOHN LLOYD at Angel Locsin sa Legaspi Towers on Roxas Blvd., we were asked to wait na matapos ang eksenang kinukunan sa standby area, kung saan naruroon si Pip.
Maselang eksena raw ang kinukunan, ani Pip. Kaya, closed door ang shooting. Pang-ending daw.
Later, when finally we had a talk with Direk Cathy Garcia-Molina, she told us na habang kinukunan niya ang eksena, kilig na kilig siya.
Ang galing daw talaga nina JOHN LLOYD at Angel sa movie in their characters na Mackie at Ces, two people from the opposite sides of love.
He believes in commitment and permanence while she believes otherwise.
“Papanoorin ko ang pelikulang ito,” ani Pip.
Actually daw, walang movie si JOHN LLOYD na ’di niya napanood.
_____________________________________________________________www.abante.com.ph/issue/feb0412/ent_others03.htmAbante
Rose Garcia
Angel, nakita na ang lahat-lahat kay JOHN LLOYD!
“Wala na siyang itatago sa akin! Ha! Ha! Ha!”Para kay Angel Locsin, malaki ang pagkakaiba ng ginawa nila ni JOHN LLOYD Cruz sa teleseryeng Imortal at ang movie nila ngayon na Unofficially Yours under Star Cinema.
Total opposites daw talaga ang dalawa. Pati ang mga na-discover daw niya kay JOHN LLOYD na bago ngayon.
“Sa Imortal po kasi, usually may mga fight scenes kaming ginagawa. Kung hindi kami nagkakabagan, nagkakabit ng contact lens and all.
Pero rito, nakita ko ang side ni JOHN LLOYD na hindi ko pa nakikita sa Imortal. Doon kasi, may pagka-intense, dark nga ang pagkaka-describe ni Lloydie.
“At saka iba ‘yung atake rito sa romcom. Actually, medyo nahirapan kaming mag-adjust. Although si Lloydie sanay na sa romcom, ako, tinuturuan pa ko ni Direk (Cathy Garcia) kung paano maging natural. Pero rito, ipinakita at binigay na po ni Lloydie lahat. Lahat-lahat na po.”
Tipong wala ng maitatago si JOHN LLOYD sa kanya?
“Wala na! Ha! Ha! Ha!”
Nagpasalamat si JOHN LLOYD at itinuring na “lucky” ang sarili niya dahil siya ang nakapareha nito sa mga movie na may mga intimate scenes nga. Tipong hindi raw kasi lahat ng aktres, kagaya ni Angel na tipong very much willing.
Sey naman ni Angel, “Actually, natuwa ako sa sinabi ni Lloydie. To be honest, actually, noong umpisa pa lang, malaki ang nerbiyos ko pero ayokong iparamdam kay Lloydie. Kasi kapag naramdaman niya na kinakabahan ako or ninenerbiyos ako, kakabahan din siya.
“So, kailangan niyang ma-feel na I’m okay, wala akong iniisip na iba. And in all fairness kay Lloydie, in-character ako at ‘yun ang gusto kong iparamdam sa kanya kasi, gusto ko rin siyang alagaan. I’m happy na hindi siya nailang.
“And in all fairness kay Lloydie, inalagaan niya ako. Siya pa nga ang nagtatakip sa akin minsan sa mga eksena. Very gentleman.”
Gaano naman daw ka-sexy para sa kanya ang leading man nga niya rito na si JOHN LLOYD? Pabirong nag-dare naman si JOHN LLOYD na i-rate raw siya ni Angel having 10 as the highest daw.
“Marami kasi ang nai-in-love kay Lloydie kasi, may kakaibang charm talaga siya. Pero rito sa pelikulang ito, oh my God, ang hot niya lang talaga! Ang rate ko, 10! 10 out of 100! Ha! Ha! Ha! Pero hindi, 10 talaga.”
On the other hand, naging interesting ang sagot ni Angel na “unofficial” ang status ng relationship niya ngayon. Siyempre pa, ito ay walang iba kundi sa rumored boyfriend naman niyang si Phil Younghusband.
Kaya base sa naging sagot ni Angel at sa lay-out ng poster ng movie nila na may tanong na, Do relationship need an official status?”
Sey naman niya, “Honestly, sa akin kasi, marami nga riyan na official ang status, hindi naman nagwu-work. Hindi naman masaya. So, kung ano ang okay sa inyo, kung ano ang nagwu-work. Kung ano ang nakakapagpasaya sa inyo, eh, ‘di ‘yun muna ang sundin ninyo.
“Kung meron man na konting confusion which is, magkakaroon naman talaga, mase-settle naman at mase-settle sa mas tamang oras at mas tamang panahon. Doon muna sa nagwu-work.”
Attachments: