|
Post by mhie on Jan 31, 2012 12:16:23 GMT 8
www.philstar.com/Article.aspx?articleId=773000&publicationSubCategoryId=96Pilipino Star Ngayon SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda
JOHN LLOYD at Shaina, mas seryoso nang magkabalikan na! Malapit nang ipalabas ang pelikula nina JOHN LLOYD Cruz at Angel Locsin na Unofficially Yours mula sa Star Cinema. May pagka-sensitibo ang tema ng nasabing pelikula pero naniniwala si JOHN LLOYD na handa na raw ang mga manonood sa ganitong klase ng panoorin. May mga maseselang eksena sina Lloydie at Angel pero gaano nga ba ka-daring ang ginawa ng aktor para rito? “Hindi ko alam, hindi ako ang magsasabi. Pinaka-sexy ako, I think kapag naka-cologne lang ako,” pabirong sagot ni JOHN LLOYD. “Parang experiment ang ginawa ko sa sarili ko because I wanted to portray a character na hindi naman kailangan porke’t kailangang maghubad sa isang eksena. Kailangan ba laging maganda ang makita, o perpekto o parang hinulma? Feeling ko nga ako ang representative ng karamihan sa mga lalaki,” dagdag pa ng binata. Napahanga rin daw si JOHN LLOYD sa kaseksihan ni Angel. “Napaka-sexy, hindi na kailangan ng pelikulang ito, kahit wala ang pelikulang ito, si Angel andun na, number one sexiest sa Pilipinas,” paglalarawan pa ng aktor. Samantala, masaya ngayon si JOHN LLOYD sa kanyang buhay pag-ibig dahil nagkabalikan na raw sila ni Shaina Magdayao. “Nagkahiwalay kami, nagkabalikan and now we’re doing perfectly fine,” makahulugang sagot ni Lloydie. Naikuwento rin ng binata na mayroon silang planong magbakasyon sa ibang bansa na kasama ang pamilya ni Shaina.
|
|
|
Post by mhie on Feb 1, 2012 13:58:46 GMT 8
www.push.com.ph/features/4465/john-lloyd-cruz-on-reconciliation-with-shaina-magdayao-better-than-ever/Push 2/01/2012 8:45 AM by: Krissa Donida
JOHN LLOYD Cruz on reconciliation with Shaina Magdayao: ‘Better than ever!’Sa panayam ng Push.com.ph sa Box Office king na si JOHN LLOYD Cruz tungkol sa bago niyang pelikula na Unofficially Yours kung saan makakasama niya si Angel Locsin, inamin ng aktor na ibang level ng pressure ang nararamdaman niya sa kanyang bagong project. “Medyo kakaiba yung tema. Kakaiba para sa Star (Cinema) pero yung tema naman na yun familiar naman na yung audience sa ngayon. Saka kasi dati ‘di ba isang klase siya ng subject na hindi pinag-uusapan pero laganap ‘di ba so finally matatackle sa isang pelikula. So I’m very excited na maikwento natin ito sa paraan na kung paano gumagawa ng pelikula ang Star Cinema.” Kaya naman natanong na rin ng Push si LLOYDY kung ano ba ang paniniwala niya pagdating sa mga casual relationships at one-night stands bilang ito nga ang tema ng pelikula. “Kanya-kanya kasi yan e, kanya-kanya yan kaya depende sa tao kung anong set-up ang gusto niya. Basta ako naniniwala na ang lahat ng tao may pinanggagalingan, lahat yan may dahilan kung bakit yan ang pinipili nila at may dahilan ka din kung bakit mo gutsong piliin yung kabaligtaran. It’s a very complex issue saka it’s very subjective basta ako kanya-kanya tayo, choice niyo yan and kung anuman ang pinili niyo kailangan niyong protektahan o panindigan or alagaan. Masyadong malawak yung konsepto ng casual relationships.” And speaking of relationships, marami nga ang ugong-ugong na nagkabalikan na sina JOHN LLOYD at Shaina Magdayao. Inamin naman ito ng binata sa panayam sa kanya sa huling episode ng Entertainment Live pero limitado lang ang kanyang naging revelation. “Kami na ulit pero yun lang, hanggang dun lang.” Inamin din ng aktor na mataga-tagal na rin sila nagkabalikan. Dagdag pa ng binata, “We are trying to keep the private matters private kasi masyado din ata kaming naging maluwag din sa pagwe-welcome ng public sa buhay namin. Kaya siguro ngayon mas may effort lang at consciousness lang to keep the matter private as much as possible.” Pero you can say na mas okay kayo ngayon? “Yup, better than ever!” Walang dudang maganda ang pasok ng 2012 kay JOHN LLOYD. From his latest movie na Unofficially Yours na showing na sa February 15, marami pang naka-line-up na projects sa kanya. Ilan nga dito ay ang reunion teleserye nila ng dating pang ka-love team na si Bea Alonzo at another movie with his box office tandem na si Sarah Geronimo. “Siyempre I’m very thankful na hanggang ngayon sa ilang taon kong inilagi dito, nag-renew ako last year at sa pagpasok ng taon pinagkakatiwalaan pa rin tayo ng ABS-CBN, ng Star Cinema sa mga projects na ganito at ito talaga mga special na projects ito. Lahat yan mangyayari, lahat yan this year 2012! So ang saya, very exciting ang taon so I’m very happy and very grateful to ABS-CBN.” At sa maraming magagandang nangyayari sa kanya professionally at personally, masasabi niya ba he is at his happiest? At ang nasagot ni JL, “Oo! Hindi mahirap sabihin, hindi ka magdududa na ang ganda ng taon para sa iyo.” Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Feb 2, 2012 9:05:05 GMT 8
www.philstar.com/Article.aspx?articleId=773593&publicationSubCategoryId=96Pilipino Star Ngayon SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda
JOHN LLOYD ibang level ang pressure kay Angel Inamin ni JOHN LLOYD Cruz na ibang level ang nararamdaman niyang pressure ngayon para sa pelikula nila ni Angel Locsin na Unofficially Yours dahil sa tema nito. “Medyo kakaiba ’yung tema. Kakaiba para sa Star Cinema pero ’yung tema naman na ’yun familiar naman na sa audience ngayon. Saka kasi dati ’di ba isang klase siya ng subject na hindi pinag-uusapan pero laganap? So, finally mata-tackle na sa isang pelikula. I’m very excited na maikuwento natin ito sa paraan na kung paano gumagawa ng pelikula ang Star Cinema,” paliwanag ni JOHN LLOYD. Kahit ipalalabas pa lamang sa Feb. 15 ang nasabing pelikula ay marami na ang naghihintay na proyekto sa aktor katulad na lamang ng bagong serye nila ni Bea Alonzo at isang pelikula pa kasama si Sarah Geronimo. “I’m very thankful na hanggang ngayon, sa ilang taon kong inilagi dito, nag-renew ako last year at sa pagpasok ng taon, pinagkakatiwalaan pa rin tayo ng ABS-CBN, ng Star Cinema, sa mga projects na ganito at ito talaga mga special na projects ito. Lahat ’yan mangyayari, lahat ’yan this year 2012. “So, ang saya, very exciting ang taon. I’m very happy and very grateful to ABS-CBN,” giit pa ng aktor. Samantala, masayang-masaya ngayon si JOHN LLOYD dahil nagkabalikan na sila ni Shaina Magdayao pero ayaw na nilang isa-publiko ang kanilang relasyon para mas maging maayos ang lahat sa kanilang dalawa. Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Feb 2, 2012 9:26:29 GMT 8
www.abante.com.ph/issue/feb0212/ent_jn.htmAbante Online ni Jun Nardo
JOHN LLOYD, ‘di nagpatalo sa hubaran kay Angel! Shaina-JOHN LLOYD, okey na okey na ang relasyon!Mapangahas na nagpakita ng katawan si JOHN LLOYD Cruz sa first movie team up nila ni Angel Locsin na Unofficially Yours ng Star Cinema. Aware siyang hindi kagandahan ang kanyang katawan, pero dahil na rin sa kakaibang tema ng movie at sa pagiging matapang ni Angel, tumodo na rin siya sa paghuhubad kahit na nga hindi pangromansa ang katawan niya, huh! “Wala akong hesitation dito na… Ang thinking ko kasi nang ginagawa ko ito, obviously I don’t have the nicest body. I don’t have the best body in the industry. Pero ang akin kasi, ‘yung portrayal… “Hindi naman lahat ng lalaki, perpekto ang katawan. Kaya sinasabi ko na magandang pagkakataon para maipakita ‘yung…para mapanood ng mga lalaki na makaka-relate… Siguro, mas relatable lang ang body ko! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni JOHN LLOYD. “Basta sa klase nito (ng body ko), marami ang nakaka-relate. Napaka-secondary ng katawan. Mas importante na mailahad namin ‘yung gusto naming ikuwento as far as an official and unofficial relationship is concerned!” pagmamalaki ng actor sa bagong proyekto. Just recently, nagkabalikan na nga sina Lloydie at girlfriend niyang si Shaina Magdayao. Hindi naman niya dinetalye ang dahilan ng pagbabalikan nila. Nagbahagi rin ang aktor ng paliwanag niya sa bagong developments sa kanyang lovelife. “Wala naman kasing dapat ilihim saka wala naman dapat ipag-alinlangan. Siguro hanggang doon lang ako talaga. Hanggang doon na lang…” saad niya. Dumating na rin siya sa puntong ayaw nang maging open sa pagsasabi ng detalye ng relaasyon niya. “I guess hindi naman nakatulong, eh. Masyado siyang… Kumbaga, naging susceptible siya sa iba’t ibang klase ng intriga or paninira or hindi… Kumbaga, hindi nakakatulong masyado. “As much as possible, we wanna keep it private. For personal, personal…” katwiran ni JOHN LLOYD. So ano ang natutunan niya sa pakikipagbalikan kay Shaina? “Isa na ‘yon sa sinasabi ko. Kung anuman ‘yung aming natutunan individually or as a couple, siguro, it would be much better kung sa amin na lang, ‘di ba? Kasi aminin man natin o hindi, sa business na ito, maraming mapagbigay ng opinion. “Eh ang mga tao, especially ngayon, napakadaling… Ang mga tao, kung ano ang i-feed mo, kahit walang basehan ang sinasabi ng ibang tao, puwede nilang paniwalaan! Puwede nilang pag-isipan. Ganoon eh. “Hindi mo puwedeng sisisihin ang ibang tao. Sabi ko nga noon, hindi ko pa sinasabi ito. Kapag ang motivation ng isang tao is survival… Trabaho ko ito, eh. Kung wala akong trabaho, kung wala akong maipapasa, wala akong kikitain. Mahirap makipag-argue doon!” pahayag pa ni JOHN LLOYD. Bago sila nagkabalikan ni Shaina, naayos na ba ang dapat ayusing problema? “Definitely! Kasi kumbaga, hindi naman makakarating sa point na ito kung hindi nai-settle ‘yung dapat i-settle!” tugon niya. Mahirap ba ‘yung prosesong pinagdaanan nila bago magkabalikan? “You know as much as I want to entertain all the questions and tell you all about the details, hindi ba, parang it will defeat the purpose? So ako talaga, ito ‘yung maisi-share ko at maibabahagi ko!” iwas ni JOHN LLOYD na nabusalan na ang bibig sa pagsasalita sa pagbabalikan nila ni Shaina. Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Feb 2, 2012 9:32:33 GMT 8
www.tempo.com.ph/2012/john-lloyd-liz-still-friends/#.Tynm9Hr7uuITempo Feb.2, 2012
JOHN LLOYD, Liz still friendsManila, Philippines – JOHN LLOYD Cruz revealed that all is well between him and his former girlfriend, celebrity stylist Liz Uy. In an interview with “The Buzz” on Sunday, Cruz said he and Uy still get to talk whenever they see each other during photo shoots. “At times nagkakausap kami, especially kapag nagkikita kami sa isang shoot,” he said. Cruz said they are even set to meet for a pictorial soon. “Actually, magkikita kami very soon. I think next week to do a shoot for “Yes!” magazine,” he said. Uy was Cruz’s long-time girlfriend. She was one time linked to President Benigno Aquino III, while Cruz is currently in a relationship with Magdayao. (ABS-CBN News)
|
|
|
Post by mhie on Feb 2, 2012 9:38:42 GMT 8
www.mb.com.ph/articles/350002/john-lloyd-shaina-officially-back-togetherManila Bulletin By JECELYN V. MACAHINDOG February 2, 2012
JOHN LLOYD, Shaina 'Officially' Back Together, Philippines — Amid promotions for his Valentine movie “Unofficially Yours,” JOHN LLOYD Cruz confirmed that indeed, he is “officially” back with Shaina Magdayao. The two kapamilya stars decided to part ways November of last year to “fix personal issues” not only as a couple but also as individuals. “Nagkahiwalay kami, nagkabalikan and now we’re doing perfectly fine,” JOHN LLOYD briefly declared in his live interview on “The Buzz,” Jan. 29. Prior, the actor revealed on Saturday’s “E-Live” that he and Shaina have gotten back together. “Okay kami [ni Shaina]. Kami na ulit. Matagal-tagal na rin,” he said. Describing their rekindled relationship, JOHN LLOYD said that it’s “better than ever,” adding that he and Shaina plan a vacation soon. “Kung papayagan kami. We’re planning this big trip kasama ‘yung family niya naman,” he added. During their first anniversary as a couple last June, JOHN LLOYD and Shaina went on a month-long European trip. JL’s Leading Ladies: Angel, Sarah In the same “The Buzz” interview, JOHN LLOYD talked about his upcoming film with his former “Imortal” leading lady Angel Locsin. In “Unofficially Yours,” the drama actor, who is used to moving audiences with his crying scenes, goes sexy for the first time. JOHN LLOYD did a number of daring scenes in the movie. “Parang experiment ang ginawa ko na rin sa sarili ko, because I wanted to portray a character na hindi naman kailangan porke’t kailangang maghubad sa isang eksena, kailangan ba lagi maganda ang makita, o perpekto [ang katawan] o parang hinulma [para maging sexy]. Feeling ko nga ako ang representative ng karamihan sa mga lalaki [na hindi kailangan maganda ang katawan],” he explained. JOHN LLOYD also described Angel’s sexiness “effortless.” “Napaka-sexy, ‘di na kailangan ng pelikulang ito, kahit wala ang pelikulang ito, si Angel andun na, number one sexiest sa Pilipinas,” he said. Speaking of another leading lady, host Boy Abunda asked JOHN LLOYD about his former “A Very Special Love” and “You Changed My Life” partner Sarah Geronimo. On “ASAP Rocks” earlier, Sarah was fondly calling JOHN LLOYD “Bebe ko,” her term of endearment for JOHN LLOYD’s character in their films. According to JOHN LLOYD, he and Sarah might do a third movie this year. Sarah is now romantically being linked to her “Catch Me… I’m In Love” and “Won’t Last A Day Without You” leading man Gerald Anderson. Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Feb 2, 2012 20:45:47 GMT 8
journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/23040-angel-all-praises-for-john-lloydJournal Written by : Beth Gelena Feb. 2, 2012
Angel all praises for JOHN LLOYDNAGING malapit sa isa’t isa sina Angel Locsin at JOHN LLOYD Cruz mula nang magkasama sila sa teleseryeng Imortal. Ngayong nasundan ito sa pelikulang Unofficially Yours na pang-Valentine offering ng Star Cinema, lalong naging at ease magkatrabaho ang dalawa. Katunayan, puring-puri ni Angel ang galing umarte ni Lloydie. Sa dinadami-dami raw ng kanyang naging leading man, ibang-iba daw si JOHN LLOYD. “One step ahead talaga siya sa lahat ng kapareha ko na. Iba, iba si Lloydie,” say ni Angel. Tungkol ang Unofficially Yours sa “intimacy and sexual compatibility” sabi ni box-office director Cathy Garcia-Molina na showing na sa Feb 15. Liberated woman ang role dito ni Angel na naka-one-night stand si JOHN LLOYD na kung tutuusin, totoong nangyayari sa tunay na buhay. Simpleng istorya, pero ipinagmamalaki ni Angel dahil kahit daw siya mismo, nakaka-relate sa pelikula nila ni Lloydie. Sa huling araw nga raw ng shooting sa Unofficially Yours, sumabak sila sa torrid love scenes, Inamin ng magandang aktres na ibinigay na raw nila ni JOHN LLOYD ang lahat-lahat sa pelikulang ito at namomroblema si Angel kasi hindi na raw siya nahihiya kay JOHN LLOYD. Thankful din daw ang aktres na si JOHN LLOYD ang leading man dahil gentleman daw ito.
|
|
|
Post by mhie on Feb 3, 2012 8:39:28 GMT 8
www.philstar.com/Article.aspx?articleId=773790&publicationSubCategoryId=96Pilipino Star Ngayon SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Casual sex OK kay Angel Hindi man lamang nag-alala si Direk Cathy Garcia-Molina na baka maka-shock siya ng maraming manonood na Pinoy sa tema ng pinaka-bago niyang pelikula na nagtatampok sa mga mature nang artista na tulad nina JOHN LLOYD Cruz at Angel Locsin. Bukod kasi sa malawak ang kaisipan niya, ayon sa pananaliksik na ginawa niya para mas maging kapani-paniwala ang pagkukwento niya ng kanyang pelikulang Unofficially Yours, marami nang gumagawa ng casual sex at nagwa-one-night stand. “Kuwento ito ng isang lalaki na malaki ang paniniwala sa pag-ibig. Umibig siya sa isang babae na taliwas sa kanya ang paniniwala. Mas gusto nito ang mga relasyong kaswal, walang commitment, hindi boyfriend-girlfriend kundi for fun lang,” sabi ng direktora. Bukod sa napakatapang na tema ng Unofficially Yours, first time ito nina JOHN LLOYD at Angel, at maging ng Star Cinema, na sumabak sa isang tema na masasabing taboo pero nagaganap ngunit hindi lang komportable ang marami na pag-usapan. Maraming maiinit na eksena rito ang dalawa na mismong ang director na isang babae ay hindi mapaniwalaan na papayagang gawin ng kanyang bidang babae. “Sa simula lang naman ako kinabahan. Nang magtagal na ay naisip ko bakit pa ako mag-iinarte eh pumayag na akong gawin ang eksena at minsan ko lang ito gagawin,” paliwanag ni Angel na itinuturing na masuwerte si JOHN LLOYD dahil pumayag siyang gawin ang eksena. Umamin din naman ang aktor na kinabahan din pero hindi na lang nagpahalata. Kahit first time ito nina JOHN LLOYD at Angel sa big screen, sa TV ay nakagamayan na nila ang isa’t isa. Iba nga lamang ang environment at nuances ng pelikula sa ginawa nilang Imortal, mas light ito kahit pa rito, ayon kay Angel, ay ipinakita na ni JOHN LLOYD ang lahat-lahat. Walang itinago. “Gusto naming ipakita sa mga tao kung ano ba ang casual relationship, ang advantage o disadvantage nito. Maraming makaka-relate rito. Ako mismo bilang babae, naiintindihan ko ’yung character ko, kung bakit siya ganun. ’Yung dahilan kung bakit niya piniling maging single at kung bakit ayaw niya ng serious relationship, ng commitment,” sabi ni Angel na umaming sa kasalukuyan ay nasa isang “unofficial relationship” siya. Samantalang nagbalikan na sina JOHN LLOYD at Shaina Magdayao, matapos silang maghiwalay. Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Feb 3, 2012 9:09:23 GMT 8
www.pep.ph/news/32835/%20Part-1%20-John-Lloyd-Cruz-admits-he's-now-in-a-relationship;-reveals-doing-sexy-scenes-with-Angel-Locsin-was-a-breezePEP Rose Garcia February 2, 2012
JOHN LLOYD Cruz admits he's now "in a relationship"; reveals doing sexy scenes with Angel Locsin was a breezeSa press conference ng Valentine offering ng Star Cinema na Unofficially Yours kahapon, February 1, sa 9501 restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN, unang tanong sa cast ng pelikula ay kung ano ang status ng lovelife nila ngayon. Sino sa kanila ang in a relationship, single, separated, dating, at kung anumang depinisyon ng kanilang buhay-pag-ibig? Kung si Angel Locsin ay nasa isang "unofficial relationship," ang kanyang leading man namang si JOHN LLOYD Cruz ay inaming "in a relationship" siya ngayon. Ibig kasing sabihin ng pahayag ni JOHN LLOYD ay nagkabalikan na sila ni Shaina Magdayao, matapos ang nabalitang hiwalayan nila bago magtapos ang nakaraang taon. Pero nang sundutin ng tanong ang naging pahayag ng aktor, umiwas na itong sumagot. Aniya, "Siguro yun muna ang maise-share ko for now. "With the intention na parang sa ganoon ko lang siya gustong dalhin. Sa ganoong klase ng pag-aalaga. "And I'm talking about the relationship. "Siguro hanggang doon lang muna. "Nagkahiwalay, and then inayos. Then, back together. Yun lang." Masasabi bang nagsisimula silang muli ni Shaina? "Hindi naman all over again kasi hindi naman natapos completely or nabasura yung unang part. "So, kung starting all over again, I don't think so. "And, okay naman kami. Papunta sa mas maganda. "Walang starting all over again." Hindi naman direktang sinagot ni JOHN LLOYD kung kailan sila nagkabalikan ni Shaina. "Hindi lang ngayon. It's been official for quite sometime already," saad niya. FIRST MOVIE WITH ANGEL. Samantala, unang nagtambal sina JOHN LLOYD at Angel sa teleseryeng Imortal ng ABS-CBN. Ano ang kaibahan ng pagsasama nila sa isang teleserye sa paggawa ng pelikula? Ayon kay JOHN LLOYD, "Malaki, malaki ang nabago. Siguro naman kung napanood ninyo ang Imortal, talagang kakaiba yung tema. "So, ibang-iba ang environment sa amin when we were doing Imortal. "'Tapos, siguro, yung naging link lang do'n, noong ginagawa namin ang Imortal, somehow it crossed our mind na, 'Ano kaya, Gel, kung gumawa tayo ng rom-com? Ng romantic comedy na malayung-malayo dito?' "So, yun ang nasa isip namin dati. "'Tapos, heto ngayon, biglang tapos na kami at ipapalabas na ang pelikula. "So, ibang-iba in terms of environment, nuances, pinanggagalingan ng character. "Ang layo, sobrang layo." SEXIEST ANGEL? Marami raw sexy at intimate scenes sa Unofficially Yours sina JOHN LLOYD at Angel. Kumusta sila ng kanyang leading lady sa mga eksenang ganito? Ayon sa aktor, "Alam ninyo, kidding aside, talagang nakatulong na si Angel ay very supportive and very open. "At masuwerte na para sa isang leading man na kagaya ko, mero'n kang kapareha like Angel. "Na very much willing and very much eager to come up with the best scene. "Wala kang mararamdaman na, 'Hey, ingatan mo 'yan. Ingatan mo.' "Walang ganoon. So, malaking bagay yun para sa akin, kasi mas nagiging fluid yung motion. "Mas nagiging fluid ang interaction. I guess I'm blessed. "And I got really lucky dahil hindi naman lahat kagaya niya. "And since it's a rare opportunity at sa akin napunta, so thank you, Angel." Kung si JOHN LLOYD ang tatanungin, gaano kaseksi si Angel Locsin? "Naku, napaka-sexy po! At marami po ang mag-a-agree sa akin dito. "Lalaki, babae, lahat po mag-a-agree, hindi lang ang FHM. "Talagang deserving to be the number one sexiest woman in the country," sabi ni JOHN LLOYD tungkol kay Angel, na dalawang beses itinanghal na Sexiest Woman ng FHM. Nang tinawagan ng PEP ang FHM editor-in-chief na si Allan Madrilejos upang humingi ng detalye, sinabi nito: "Yes, Angel is the second actress to achieve the feat, after nung back-to-back ni Katrina Hallili noong 2006-2007. Si Angel, 2005 at 2010." Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Feb 3, 2012 13:07:12 GMT 8
www.pep.ph/guide/movies/9736/angel-locsin-and-john-lloyd-cruz39s-love-scenes-in-unofficially-yours-are-very-intimate#39;s-love-scenes-in-%20Unofficially-Yours-%20are-very-intimatePEP by Allan Sancon February 2, 2012
Angel Locsin and JOHN LLOYD Cruz's love scenes in Unofficially Yours are "very intimate"Ang handog ng Star Cinema para sa buwan ng mga puso ay ang kakaibang romantic comedy movie na pinamagatang Unofficially Yours na pagbibidahan nina Angel Locsin at JOHN LLOYD Cruz. Kakaibang JOHN LLOYD at Angel ang mapapanood sa pelikulang ito dahil sinasabing dito makikita ang kanilang pinaka daring na karakter. Sa press conference ng movie ay nakausap ng PEP.ph ang blockbuster director ng pelikulang Unofficially Yours at ito ang pahayag ni Direk Cathy Garcia-Molina tungkol sa pelikula na ipapalabas ngayong February 15. SHORT SYNOPSIS:"Basically, this is movie about a guy who believes in the traditional type of relationship who falls in love with someone who doesn't believe, na ang gusto ay casual relationship lang. So, paano ma encourage ng guy na ito yung girl to believe to a normal kind of relationship, that I think na, naniniwala ako na, all of us still believe sa normal relationship na yun." Hindi naman po ba after they watch the film ay parang na promote ang sex before marriage or okay lang ang one-night stand relationship?"Hindi siya promotion, it is something na ipinakita as part of the reality na halos lahat nag gaganun na. Pero walang stand ang pelikula na ito, kung ano ang tama or ito ang mali, kasi naman at the end of the day, di ba, nasa inyo pa rin ang desisyon, e. At the end of the day kayo pa rin ang pipili kung anong klaseng relationship ang papasukin nyo, kung anong buhay ang gagawin n'yo. Sa movie na ito, ikukwento lang namin sa inyo na ito ang kwento namin, ito ang pinaniniwalaan ko, pero nasa inyo pa rin kung ano ang paniniwalaan n'yo." Sinabi ninyong maraming love and sex scenes sina JOHN LLOYD at Angel? Gaano karami po? Gaano ka intimate po yung love and sex scenes nila?"It's more than three love and sex scenes. Very intimate na very intimate! Kasi ako, pag gumagawa naman ako ng pelikula, ang pinipilit kong i-achieve yung may pagka relatable. Ayokong ayoko na may magsasabi sa isang eksena ko..." Nangyari ba yan sa totoong buhay, parang hindi naman yata nangyari yan sa totoong buhay? Yan ang sobrang inaayawan ko, in anything, lagi akong naka base sa realidad, lagi akong naka base sa sasabihin ng mga manunuod na..." Ah oo, nangyari nga sa totoong buhay yan. Base on the relatable scenes na sinasabi ko, ibig sabihin, nangyayari siya, ibig sabihin, kalakaran siya. Marami silang intimate scenes dito. Maraming suggested, kasi, casual relationship nga siya, e. Kasi, sa ngayon bago ka naman talaga ma in love ano ba pupuntahan bago yun, hindi sa kwentuhan lang naman di ba, minsan intimate relationship agad di ba? Yan ang realidad at yang ang gusto naming ipakita sa pelikulang ito." Kakaibang Angel at JOHN LLOYD talaga ang makikita sa movie na ito?"Kakaiba talaga, kasi for one, they've never done this of any of their films before, second, hindi lang rin naman nag sex sila kaya naiba. Iba, kasi, iba ang paniniwala nila sa buhay rito, iba yung karakter nila. Yung intimate scenes na yun kasi, it's part of the story. Andun lang ako mas real na nangyayari sa tunay na buhay." Buti po na encourage n'yo po si JOHN LLOYD to show his skin sa movie na ito? How did you guide him doing that thing?"Si Lloydie naman kasi after My Amnesia Girl na pinaghubad ko siya, sabi niya, 'Direk sagad na ito ha.' Sabi niya sa movie na ito, 'Direk mas sinagad mo ako rito ha.' May eksena talaga kami rito na talagang wala akong tinira sa kanya. Hindi ko naman totally nude siya, pero yun ang iniwan kong imahinasyon sa inyo. In guiding them, hirap na hirap kami, kasi in reality, pag nag se-sex ka naman di ba, wala naman ka namang damit di ba? Because this is a film, and gusto mong mapanuod ng mga tao yung realidad na yun. Sana lang wala kaming na offend sa movie na ito. Sina JOHN LLOYD at Angel naman ay nagtiwala sa 'kin dito na magagawa namin ito na wala kaming ma offend after doing the film." How did you encourage Angel and Lloydie to do the intimate scenes na hindi sila nailang sa isa't isa?"I had to make them believe in the story, matatalino yung mga artista ko, alam nila na kailangan ko yung mga eksena na yun at hindi ko gustong gawin yung scenes, para lang magpakita ng flesh. Wala ngang masyadong pinakita flesh, e. Hindi flesh ang importante sa film na ito, it's the act of doing intimate scenes. Hindi intention ng movie na magpakita ng flesh, the intention of the movie is when you go into a sexual kind of relationship you go through this." Nakita n'yo po bang kabado sina Angel at JOHN LLOYD nung ginagawa nila yung intimate scenes na yun?"Si Angel, masyadong kinabahan, ang lamig lamig ng kamay n'ya nung first shooting day namin, kasi first day, love scene agad yung tinira ko." Paano niya po na overcome yung kaba doing the scenes? Paano n'yo po tinulungan si Angel na i-overcome yung kaba na yun?"Kailangan na nararamdaman niya kasi na protektado siya, na hindi ko siya binabastos, na walang nambabastos sa kanya. Na kailangan ko lang siyang maghubad at mag plaster kasi kailangan ko sa eksena, na hindi ko gustong sabihin na "uy o si Angel o nakahubad,' hindi ganun! Never the intention of the film yun. So, sa totoong buhay naman di ka naman pwedeng naka bra habang nakikipag sex di ba? So kailangan ko na naka plaster siya para protected." How do you compare this sa Hollywood movie na Friends With Benefits, halos may pagkaka pareho po ba sila ng istorya?"Nung pinanuod ko yung movie na yun definitely hindi tayo ganung mga Pilipino, mas mapuso tayo, mas malambing, mas makilig. Dun palang I think, nandun na yung difference, but of course, we have JOHN LLOYD and Angel, iba namang umatake ng eksena yung dalawang yan. Saka iba, e, ang tanging similar lang naman, e, they will be in unofficial type of relationship but the story of how they met and how they fall in love and how they end is totally different." Ang Unofficially Yours ay ipapalabas na simula February 15, 2012 sa mga sinehan. Attachments:
|
|