|
Post by mhie on Nov 24, 2011 9:33:57 GMT 8
www.abs-cbnnews.com/entertainment/11/23/11/john-lloyd-still-gentleman-amid-intriguesabs-cbnNEWS.com By Reyma Buan-Deveza 11/23/2011
JOHN LLOYD still a gentleman amid intriguesMANILA, Philippines (UPDATED) - Actor JOHN LLOYD Cruz proved that he is a true gentleman as he stayed away from controversies surrounding him. Until now, Cruz is being haunted by issues involving his alleged break-up with actress Shaina Magdayao as well as claims by his former girlfriend Ruffa Gutierrez about his so-called unhealthy lifestyle. Gutierrez recently detailed her past relationship with Cruz in a tell-all interview. Gutierrez said she and Cruz had problems before because of many reasons, including Cruz's habit of drinking too much alcohol. The actor, however, refused to fight back saying that he would rather stay positive than to speak bad about anything or anyone. "Ako, ayaw ko nang i-dissect kung ano man ang pinanggagalingan ng tanong o ng intention para pag-usapan pa. You know, sa totoo lang, I just want to focus on what is good, what is kind and what is positive para constantly you can say that you are always better than ever," he said during a Greenwich event on Wednesday afternoon. Cruz added he wants to show how well he was raised by his family. "Siguro ganoon ako pinalaki. Hindi naman ibig sabihin kapag binato ka ng bato or kapag ginawan ka ng masama or inagrabyado ka, kailangan gumanti ka. At all times naman, you tried to be what is good, hindi ba? 'Yung hindi makakaapak at makakasira sa iba," he explained. "Mahirap man at times na isagawa, it's better said than done, pero you always try to make the good come out of you in any given situation," he added. Asked if he is now living a healthy lifestyle, Cruz replied, "Never naman akong hindi naging healthy living." The actor said that he enjoys mountain biking during his free time. Mum on Ruffa Meanwhile, Cruz declined to say something to Gutierrez. “Wala po akong gustong sabihin kahit kanino... Sinabi ko na lahat ng kailangan ko sabihin kanina,” he said. Magdayao is now back in Manila from her US trip. Asked if he already talked to Magdayao, Cruz said, "I will let you know." Currently, Cruz is preparing for a movie with Angel Locsin, as well as a television series with Bea Alonzo.
|
|
|
Post by mhie on Nov 25, 2011 14:58:39 GMT 8
www.push.com.ph/features/4173/john-lloyd-cruz-chooses-not-to-comment-on-ruffa-gutierrez-statements/ Push by: Mika Esperanza 11/25/2011
JOHN LLOYD Cruz chooses not to comment on Ruffa Gutierrez’ statementsPinatunayan ni JOHN LLOYD Cruz ang pagiging gentleman ng piliin niyang manahimik sa mga inrtigang ibinabato sa kanya. Sa panayam nitong Miyerkules, umiwas na si JOHN LLOYD na pag-usapan ang isyung may kinalaman sa di umano ay break-up niya kay Shaina Magdayao at ang paratang naman ni Ruffa Gutierrez tungkol sa kanyang unhealthy lifestyle. Matatandaang sa isang TV interview ay inilahad ni Gutierrez ang dating relasyon niya kay Lloydie at ang mga rason ng kanilang mga problema at kabilang na dito ang labis di umanong pag-inom ng alcohol ng aktor. Imbes na sagutin ang isyu, mas pinili na lang ni JOHN LLOYD na tignan ang mga positibong bagay na nangyayari sa kanya ngayon at huwag ng magsalita pa ng laban sa kung anuman o sa kung sinuman. "Ako, ayaw ko nang i-dissect kung ano man ang pinanggagalingan ng tanong o ng intention para pag-usapan pa. You know, sa totoo lang, I just want to focus on what is good, what is kind and what is positive para constantly you can say that you are always better than ever." Ani JOHN LLOYD, isang pagpapatunay din ang kanyang pananahimik na maganda ang ginawang pagpapalaki sa kanya ng kanyang pamilya. "Siguro ganoon ako pinalaki. Hindi naman ibig sabihin kapag binato ka ng bato or kapag ginawan ka ng masama or inagrabyado ka, kailangan gumanti ka. At all times naman, you tried to be what is good, hindi ba? 'Yung hindi makakaapak at makakasira sa iba." pagpapaliwanag ng aktor. "Mahirap man at times na isagawa, it's better said than done, pero you always try to make the good come out of you in any given situation," dagdag pa nito. Pinili din ni JOHN LLOYD na huwag ng magbigay ng anumang mensahe kay Ruffa. “Wala po akong gustong sabihin kahit kanino.Sinabi ko na lahat ng kailangan ko sabihin kanina,” ani Lloydie. Kung totoo bang nagkausap na sila ni Shaina na nanggaling sa Estados Unidos matapos di umano nilang maghiwalay, naging pakli lang ang tugon ni JOHN LLOYD: "I will let you know." Nang matanong naman kung healthy ba ang kanyang lifestyle sa ngayon, mabilis ang naging sagot ng aktor: "Never naman akong hindi naging healthy living." Aniya, sa kanyang libreng oras ay ini-enjoy niya ang pagma-mountain climbing. Sa kasalukuyan ay abala si JOHN LLOYD sa pagtatapos ng kanyang pelikula kasama si Angel Locsin. Nakatakda din siyang gumawa ng isang serye kasama naman si Bea Alonzo. Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Dec 5, 2011 13:13:06 GMT 8
www.push.com.ph/features/4225/john-lloyd-cruz-and-shaina-magdayao-together-again/ Push 12/04/2011 by: Bernie Franco
JOHN LLOYD Cruz and Shaina Magdayao: together again?Pagkatapos ng kontrobersiya kina JOHN LLOYD Cruz at Shaina Magdayao, mukhang unti-unti nang nakakabangon muli ang aktor. “I am indeed better than ever,” pagkumpirma niya. Malaking bagay raw na napapaligiran siya ng mga taong gusto niya. “To be with my friends and ‘yung mga people who value as who you are, what you are, and what you can give. Ako, ayoko nang i-dissect kung ano ang pinanggagalingan ng tanong, ng intensyon para pag-usapan pa. I just want to focus on what’s good and what’s kind and what’s positive.” Natanong din si JOHN LLOYD kung gumigimik pa ba siya. Matatandaang may mga bali-balitang lumabas na sinasabing nakita raw ang aktor sa mga bar at sobrang nalasing. “Hindi naman talaga ako gumigimik as in clubbing and going to the bars, hindi naman,” paglilinaw ni LLOYDY. “Siguro dahil nababakante ako from work nagkakaroon ako ng time na mas matulog nang maaga. Never naman akong naging hindi healthy living.” Naging matipid naman sa sagot si LLOYDY nang kamustahin sila ng kanyang girlfriend na si Shaina at kung nagkaayos na ba sila. “Bakit? I’ll let you know, ha. Wala po akong gustong sabihin kahit kanino nasabi ko na ang gusto kong sabihin,” sagot ni LLOYDY. Subalit nakunan naman ang dalawa na magkasama sa concert ni Jed Madela just recently na tila nagkukumpirma na bumubuti na uli ang kanilang samahan. Naging makahulugan din ang pahayag ni German Moreno na kilalang malapit sa dalawa. “Hindi ko tinatapos ang kabanata. Baka bukas, makalawa magkabalikan dahil balita ko nagpaliwang si JOHN LLOYD kasama si Shaina. Kung meron mang pag-asa kung talagang magkakaron ng pagbabago, bakit hindi? Siyempre si Shaina nabiktima ng mga intriga, ganyang balita [at] paratang. Sa akin si JOHN LLOYD ay mabait na bata naman, eh kaya lang sana matuto rin siya. Kung meron nakikitaan ng iba na ‘di dapat makita ang iba, huwag niyang gawin.” Ayon sa isang source ng Push.com.ph, magkasamang dumalo sina LLOYDY at Shaina sa kasal ng isang road manager ng Star Magic noong December 4. Magkahawak ng kamay ang dalawa sa reception ng nasabing kasal at masayang nagpapa-picture sa mga bisita ng bagong kasal. Sa obserbasyon ng source ay parang wala daw naganap na problema ang dalawa sa kanilang mga kilos at closeness sa isa’t-isa. Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Dec 12, 2011 11:17:09 GMT 8
www.push.com.ph/features/4248/john-lloyd-cruz-on-shaina-magdayao-oo-naman-nagkakausap-naman-kami/PUSH 12/10/2011 by: Krissa Donida
JOHN LLOYD Cruz on Shaina Magdayao: ‘Oo naman. Nagkakausap naman kami’Sa shooting nga ng pelikula nina JOHN LLOYD Cruz at Angel Locsin, nakausap ng press si JOHN LLOYD at dito nga ay nagkakwentuhan ng konti tungkol sa bago nilang pelikula at sa reunion nila ng kanyang leading lady na si Angel Locsin, “I am very excited for this movie dahil this is something new for Angel and tema-wise, yung ganitong ka-daring at ganitong tema ng rom-com ‘di ko pa naggagawa so sa ganung aspeto doon ako naeexcite din.” Dahil sa tagal din ng hindi pagsasama ng dalawa matapos ang hit serye nilang Imortal, natanong kung may nagabago ba siya pakikituring nila at pagtingin nila sa isa’t-isa, “Lagi namang relax lang at very comfortable naman kami sa isa’t isa. Wala akong masasabi na problema or something negative about our working relationship.” Puro puri din ang aktor sa co-star, “Si Angel yung tipo ng tao or katrabaho na sobrang ‘di pretentious kaya napakadali niyang katrabaho. Napaka-professional, kitang kita mo na tuwing pinapanood mo siya na masasabi mo lagi na gustong-gusto niya yung ginagawa niya at talagang binubuhos niya ang lahat kaya I am very happy na ganung klase ang katrabaho mo, mas dumadali, mas sumasarap kaya I'm blessed na si Angel ganun sa pelikulang iyon.” Marami na rin ang nag-aabang sa pagbabalik telebisyon ni JOHN LLOYD kaya natanong din kung kailan ba siya ulit mapapanood ng mga tagahanga niya sa telebsiyon ngunit ang sabi ni JOHN LLOYD, “Meron pero alam niyo naman ang panahon ngayon hangga’t ‘di pinapalabas hindi ko masabi kung yun na yung final at yun pa naman yung napitch sa akin at di pa final yung casting. Story-wise I don’t think di ko pwedeng sabihin ngayon saka di ko pa talaga alam. Ngayon dito [sa pelikula] ako nakafocus ngayon pati management ko ngayon, pati Star Cinema I think dito lang kami nakafocus muna.” At nang makamusta na nga sila sa lagay nila ni Shaina Magdayao ngayon kung nakakapag-usap ba sila, “Oo naman, nagkakausap naman kami.” Pero ang dagdag niya, “Sasabihin ko na ‘to at ige-generalize ko na din para mas madali din para sa ating lahat, ayoko munang magbigay ng kung anumang comment or ayoko munang mag-share ng kahit na anong nangyayari at pinagdadaanan namin ngayon. I think mas mabuti na para sa lahat especially para sa amin na kung maari lang na hilingin… sa mga tao na nakaantabay yun lang ang hinihiling ko.” Isang ngiti lang ang isinagot niya nang natanong kung patuloy pa rin ba ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Shaina pero nang matanong kung masaya ba siya sa ngayon, ang tanging sagot ng binata, “Of course!” Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Dec 14, 2011 21:29:16 GMT 8
www.push.com.ph/features/4266/john-lloyd-cruz-has-no-trouble-playing-a-sexy-role-in-unofficially-yours/Push 12/14/2011 by: Rachelle Siazon
JOHN LLOYD Cruz has no trouble playing a sexy role in ‘Unofficially Yours’As JOHN LLOYD Cruz gears up for his new movie Unofficially Yours, he excitedly shared that it’s a sexy romantic comedy about how a casual relationship could turn into something serious between two people who are not ready for commitment. “Maraming matututunan dito sa pelikula. Siguro yung isang tao na nagmamahal o nasisira ng pagmamahal ay makaka-relate dito. Sa ganong sitwasyon medyo daring din siya,” said the sought-after leading man during a promo shoot last Monday, December 12. He plays a guy who can’t seem to find a steady relationship despite his best efforts. “Ako si Macky Galvez, isang lalaking hindi maintindihan kung ano bang problema sa kanya, kung ano bang mali. Yung character ko, feeling ko naman tama ako magmahal kapag nagmamahal. Pero bakit ganon puro failed relationships pa rin. So in the beginning of the story, yun ang question ko, ano ba ang gusto ko? Having said that, baka naman kailangan ko mag-try ng ibang buhay.” Although it takes time for him to get used to a new role, JOHN LLOYD maintained that working with a director he knows so well make things a lot easier for him. “Siyempre ilang pelikula na ang pinagsamahan namin ni direk Cathy Garcia-Molina. Siguro ang isa sa mga naging papel ko [ay] i-guide yung mga bago naming makakapareha ni direk. Hindi siya masamang bagay ha. Kanya-kanya lang talaga ng character ng tao sa paggawa ng pelikula.” The sought-after leading man added that he’s ready to show more skin this time around. “Basta majority ng lalaki, itatayo natin ang bandera natin. Hahaha! Medyo iba ito. I’m really excited most especially for Angel (Locsin). Kasi itong pelikula na ginagawa namin, it’s a genre na talagang kakaiba para sa kanya. Ako naman yung paghuhubad wala na sa akin ‘yan,” he exclaimed in between laughs. Asked if his love scene with Angel in Unofficially Yours is more daring compared to his love scene with Bea Alonzo in Miss You Like Crazy, JOHN LLOYD continued to keep the interview light and fun. “Isipin mo yun, ulit-ulitin mo. Nasa taas kami ng hagdanan nun ‘di ba? Simulan mo sa baba, tapos baba kayo ulit, ganon. Hunk [ako dito]. Gusto ko i-maintain lang yung body ko e. Mahirap lang talaga. Yun lang ang ma-i-o-offer namin ngayon. Sana abangan niyo.” Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Dec 14, 2011 21:35:34 GMT 8
www.push.com.ph/features/4263/angel-locsin-talks-about-her-daring-love-scenes-with-john-lloyd-cruz-in-unofficially-yours/Push12/13/2011 by: Rachelle Siazon
Angel Locsin talks about her daring love scenes with JOHN LLOYD Cruz in ‘Unofficially Yours’Angel Locsin and JOHN LLOYD Cruz finally resumed shooting their upcoming movie, Unofficially Yours, last December 5. They had to stop work on the movie a few months back due to some revisions in the script. But during the recent press con of Toda Max, Angel happily announced that they’re back on track and she’s excited with what’s in store for her in this Star Cinema offering. Although Angel couldn’t give details about the project yet, she claimed that it’s her first time to do a romantic comedy that’s a little daring at the same time. “Hindi ko talaga alam kung kailan siya maipapalabas. Pero iba siya. Lahat naman ng projects natin sinasabing iba siya. Pero iba po talaga itong ginagawa namin, ibang story. Usually, hindi siya pinaguusapan, pero alam natin na nangyayari siya sa paligid natin. Very interesting yung topic.” Asked how it is working with JOHN LLOYD again, Angel shared that they’re closer than ever because of the love scenes that they’re shooting together. “Close na close na nga kami ni JL. Super close na kami. Pero yung love scenes hindi naman siya yung tipong nakakainis panoorin. Sakto lang naman po. First time namin pareho gawin yung mga medyo maselang eksena dito sa pelikula.” When the local press joked that she and JOHN LLOYD may possibly develop feelings for each other because of their intimate scenes, Angel replied, “Hindi naman. Pero yung makasama mo si JLC, magkasama kayo, may kissing scenes kayo, binabayaran ka, magrereklamo ka pa ba?” The good thing about their tandem is there’s no awkwardness between them since they’re also friends off cam. In fact, Angel has already introduced JOHN LLOYD to her beau Phil Younghusband. “Si JOHN LLOYD nakatrabaho ko na sa Imortal kaya kumportable na kami. Yun nga lang iba yung character namin dito kaya kailangan pa namin kunin yung rhythm ng isa’t isa. Pero dahil dirediretso na yung shooting, madali na.”
|
|
|
Post by mhie on Dec 17, 2011 15:51:14 GMT 8
www.push.com.ph/features/4272/john-lloyd-cruz-admits-that-hes-trying-to-work-things-out-with-shaina-magdayao/Push 12/16/2011 by: Rachelle Siazon
JOHN LLOYD Cruz admits that he’s trying to work things out with Shaina MagdayaoSa ginanap na presscon/contract signing para sa kanyang ikalawang taon bilang endorser ng Magic Flakes, Huwebes, Disyembre 15, binigyang linaw ni JOHN LLOYD Cruz ang tunay na estado ng relasyon nila ni Shaina Magdayao. Ito ay matapos silang makitang magkasama sa isang concert at wedding event kamakailan. “No, we’re not [back together]. Not officially.” Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang aktor na maaaring magkabalikan silang muli ni Shaina. “From my end [it still exists].” Iniiwasan lang niyang magdetalye tungkol sa nangyayari sa kanyang personal na buhay dahil baka pagsimulan pa ito ng panibagong intriga. “About that matter, siguro it's best if I keep my mouth shut muna. Since masyado siguro akong naging open sa media [at] sa public ng personal life ko. Parang naging out of control na yung mga ilang nangyari. Siguro the best way to protect it for now is to keep it to myself. And let it be as private as possible.” Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma ni Vina Morales na nagkabalikan na ang kapatid nitong si Shaina at si JOHN LLOYD. Nang tanungin ang aktor tungkol dito, paiwas itong sumagot at sinabing maganda ang samahan nila ng ex-girlfriend hanggang ngayon. “Maayos naman kami even shortly after what's happened. And kung ano man yung mga naging problema, I had to attend to it, everything, especially kapag related sa family. Yun lang ang in-address ko. For now, that’s really all I can tell. Maayos kami. Wala naman kaming problema. We’re okay.” Ayon pa kay JOHN LLOYD, hindi naman daw niya itinatangging nag-de-date ulit sila ni Shaina. At unti-unti niyang dinidiskubre kung paano alagaan ng tama ang isang relasyon. “We spend time together, watching concerts... Hindi naman para ibulgar yung mga bagay na gusto naming gawin together or individually. Siguro we’re still trying to discover how to really take care of something like this. Yun ang pinakamasasagot ko. I’m still trying to discover the best way how to take care of this.” Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang relasyon, para kay JOHN LLOYD ay worth it daw na ipaglaban niya si Shaina at maging sila muli. “Yeah. Kung paano mo siya naiisip, hindi naman mahirap e. Siguro gusto lang niyo marinig from us. Pero lahat din naman kami [na artista] kagaya niyo, normal na tao, may normal na buhay, may normal na relasyon. Kung paano niyo siya naiisip, hindi malayo yung our most sincere desires.” Naikwento rin ni JOHN LLOYD na excited siya dahil nakatakda siyang magbakasyon sa isang malayong lugar kasama ang kanyang pamilya during Christmas break. At posible raw na imbitahin niya si Shaina na sumama sa kanila. “Dito lang ako on Christmas Day. But there's a big trip for me and my family and inviting her is a possibility. Open naman [kami]. I’m okay with her family. She’s okay with my family.” Check out Push.com.ph’s video section for full details about JOHN LLOYD Cruz’s reconciliation with Shaina Magdayao. Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Jan 30, 2012 12:56:23 GMT 8
www.push.com.ph/features/4451/john-lloyd-cruz-on-shaina-magdayao-were-doing-perfectly-fine/Push 1/29/2012 11:42 PM by: Bernie Franco
JOHN LLOYD Cruz on Shaina Magdayao: 'We're doing perfectly fine' Maganda raw ang pasok ng taon para sa actor na si JOHN LLOYD Cruz at umaasa siya na mas magiging maganda pa at mas magiging challenging pa ito sa paglipas ng mga araw. Excited din siya sa kanilang movie ni Angel Locsin, ang Unofficially Yours na aniya ay matagal na pinag-isipan ng Star Cinema. Gayunpaman, hindi raw ito agad ginawa dahil sa pagiging sensitibo ng tema pero ngayon ay naniniwala na sila na handa na ang audience sa ganitong paksa. Tinatalakay ng pelikula ang topic na “friends with benefits.” Sa ilang daring scenes niya with Angel ay tinanong ni Boy Abunda si LLOYDY kung gaano ba siya kasexy, na siya namang ikina-tawa nito. “Hindi ko alam. Hindi ako ang magsasabi. Pinaka-sexy ako I think ‘pag naka-cologne lang ako,” pagbibiro pa niya. “Parang experiment ang ginawa ko na rin sa sarili ko, because I wanted to portray a character na hindi naman kailangan porke’t kailangang maghubad sa isang eksena, kailangan ba lagi maganda ang makita, o perpekto (ang katawan) o parang hinulma (para maging sexy). Feeling ko nga ako ang representative ng karamihan sa mga lalaki (na hindi kailangan maganda ang katawan).” Effortless naman daw ang pagiging sexy ni Angel. Paglalarawan niya sa leading lady, “Napaka-sexy, ‘di na kailangan ng pelikulang ito, kahit wala ang pelikulang ito, si Angel andun na, number one sexiest sa Pilipinas.” Tinanong rin ni Boy si JOHN LLOYD kung kamusta na ba sila ng dating leading lady na si Sarah Geronimo. Nagkita raw sila earlier that day sa ASAP at sinabi raw ni Sarah sa kanya na nami-miss niya ang kanyang “bebe”, ang tawag ni Sarah kay LLOYDY sa kanilang past movies. Inaasahan namang magkakaroon uli sila ng pelikula ng aktres within the year. Tinukso naman daw ni JOHN LLOYD si Sarah at sinabing mayroon na raw itong “Gege” na ang tinutukoy ay si Gerald Anderson. Idinagdag din daw sa kanya ni Sarah na wala raw katotohanan ang tsismis sa kanila ni Gerald. Hindi rin pinalampas ni Boy na tanungin ang aktor ang tungkol sa kanila ni Shaina Magdayao na napapabalitang nagkabalikan na sila. “Nagkahiwalay kami, nagkabalikan and now we’re doing perfectly fine,” maiksing tugon ni JOHN LLOYD. Sinabi rin niya na nagbabalak silang magbakasyon abroad kasama ang family ni Shaina. ---------------------------------------------------------------------------- www.balita.net.ph/2012/01/john-lloyd-totally-nude-sa-bed-scene-with-angel-locsin/Balita Ni Reggee Bonoan Jan. 29, 2012
JOHN LLOYD, totally nude sa bed scene with Angel LocsinMAY meeting kami sa Grams Diner nu’ng Biyernes ng gabi nang madaanan kami ni Direk Cathy Molina na tsinetsek ang gazebo sa ELJ garden para sa shooting ng Unofficially Yours nina JOHN LLOYD Cruz at Angel Locsin na ipalalabas na sa Pebrero 15. Nakiupo muna si Direk Cathy sa amin nina Katotong Julie Bonifacio at Pilar Mateo habang hinihintay matapos ang set-up at bahagyang nagkuwento tungkol sa pelikula na punumpuno raw ng bed at kissing scenes. Akala namin ay nagbibiro lang siya, dahil paano niya napapayag sina Angel at Lloydie? “Eh, kailangan sa istorya, eh. Saka hindi naman basta bed scenes lang, alam naman nina Lloydie at Angel na kailangan, eh, okay naman sa kanila,” paliwanag ni direk Cathy. Ang nakakalokang kuwento ay totally nude raw si JOHN LLOYD sa bed scene dahil hindi raw pumayag ang aktor na maglagay ng plaster. Tanong namin kay Direk Cathy: Ano ito, bold movie? “Hindi, sexy lang,” natawang sagot niya. “Kukunan kasi siyempre ng bed scenes, eh, ayaw namang mag-plaster ni Lloydie at masakit daw, so totally wala na lang. “Actually, wala rin naman nakita kasi bago naman mag-take, nakatakip siya, ‘tapos ‘pag take na, saka lang tatanggalin ni JOHN LLOYD ‘yung kumot,” kuwento pa sa amin. At siyempre, itinanong namin kaagad kung ano naman ang suot ni Angel. “Ay, alaga si Angel dito, naka-bra at panty, may takip, siyempre. Bilib nga ako kasi walang kiyeme si Angel, talagang sumusunod,” kuwento sa amin. Paano niya napapayag si Angel na magpakita ng flesh kay Lloydie? “Siguro nakita ni Angel na alaga siya at saka si JOHN LLOYD, kapag hindi pa take, hindi siya tumitingin, nakatalikod maski na nag-uusap sila, so hindi nagte-take advantage si JOHN LLOYD. “’Tapos ‘pag take na, doon pa lang titingin si JOHN LLOYD, siyempre, wala naman siyang choice na, at maalaga siya (Lloydie) siya talaga sa leading lady niya,” kuwento ni Direk Cathy. Romantic-comedy ang Unofficially Yours at parehong reporter ang role nina JOHN LLOYD at Angel sa Manila Bulletin (mag-shooting uli sila dito kahapon) na nagkagustuhan, pero hindi type ng aktres ang commitment bagay na ikinataka naman ng aktor dahil hindi sanay sa ganu’n set-up. Mas prayoridad daw kasi ng aktres ang pamilya niya kaysa sa pakikipag-boyfriend, kaya naging “unofficially yours”. Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Jan 30, 2012 13:17:17 GMT 8
www.mb.com.ph/articles/349749/john-lloyd-shaina-back-each-others-armsManila Bulletin By MAUREEN MARIE BELMONTE January 30, 2012
JOHN LLOYD, Shaina back in each other's armsMANILA, Philippines – Amid negative news that hounded their relationship earlier, it seems JOHN LLOYD Cruz and actress Shaina Magdayao have finally found a way to deal with their dilemma and are now officially back together. “Nagkahiwalay kami, nagkabalikan and now we’re perfectly fine,” said Cruz in a live interview with “The Buzz” aired on Sunday. Recall that both Magdayao and Cruz revealed their decision to take a breather from their relationship during a tell-all interview with “The Buzz” November last year, a decision that came on the heels of controversial headlines supposedly of a love triangle involving Cruz’s ex-girlfriend, Ruffa Gutierrez. October last year, Gutierrez posted a string of cryptic tweets about "receiving psychotic messages at ungodly hours" and declaring that there is "no cure for the INSECURE," which people speculated were pertaining to Magdayao. Eventually, in the “Buzz” interview, Magdayao confessed that she did text Gutierrez to “leave them alone;” however, she belied that the “Paparazzi” host was the root cause of their troubled relationship. Both Magdayao and Cruz refused to reveal the real reason their relationship turned rocky. “They can speculate kung ano ang gusto nilang sabihin, kung ano ang istorya nila na, ‘Ay kaya sila nagkakaproblema, kaya sila hiwalay ngayon dahil kay ganito.’ Wala sa kalingkingan ng kahit na sinong babae ang totoong dahilan ng pinagdadaanan namin ngayon, o kung ano ‘yung totoong dahilan. Sa sarili namin, masyadong malalim, masyadong personal," Cruz explained in the previous “Buzz” interview. Nevertheless, past is past and the “Unofficially Yours” star even excitedly unveiled that they are currently planning their next vacation as a couple. “Kung papayagan kami. We’re planning this big trip kasama ‘yung family niya naman,” he related with a smile. Note that before their relationship was put to the test, Magdayao and Cruz went on a month-long European escapade June last year to celebrate their first anniversary together. In a separate interview with “E-Live” aired on Saturday, Cruz described their current relationship as “better than ever” and that “matagal tagal na rin” since it’s been rekindled. He also noted in the same report that that they remained in touch amid their split. Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Jan 30, 2012 13:29:19 GMT 8
www.balita.net.ph/2012/01/angel-at-john-lloyd-kung-saan-saan-nag-love-scenes/Balita Jan 30th, 2012 Ni Reggee Bonoan
Angel at JOHN LLOYD kung saan-saan nag-love scenesNAPUNO ng tao ang ELJ garden nu’ng Biyernes ng gabi dahil doon ang shooting ng Unofficially Yours nina JOHN LLOYD Cruz at Angel Locsin under Star Cinema sa direksiyon ni Cathy Garcia. Kinunan ang eksenang nagkakape sina Angel at Lloydie sa anim na anggulo, kaya medyo matagal at nagpista naman ang mga mata ng mga nanonood sa dalawang bida. Alas dose ng gabi, nag-pack-up na si Angel dahil maaga pa ang call time niya kinabukasan, sabi mismo ni Direk Cathy kaya’t si JOHN LLOYD na lang ang naiwan. Pero bago umuwi ang aktres ay tsumika muna siya sa amin ni Katotong Pilar Mateo kaya agad namin siyang inusisa kung paano siya napapayag sa bed at kissing scenes nila ni Lloydie? “Ay hindi lang bed scenes, kung saan-saan, ha-ha-ha,“ tumatawang sabi ng aktres. “Ewan ko ba, Ate Reggs, sabi ko nga, ano na ba ako ngayon? Hindi na ako nahihiya? Parang… dati, may towel-towel ka pa, `tapos makikiusap pa akong magbawas ng tao (sa set), ngayon parang wala na. “Na-relax na ako, kasi ipinakita naman ni Lloydie na wala naman siyang ano (malisya), `tapos si Direk Cathy, parang ipinaramdam niya’yung comfort na hindi ka maiilang. “Irerespeto ka talaga niya, na… `Anak, dito, o hayan bawas tao’, ganyan. Hindi ka mako-conscious. At tina-try ko talagang hindi rin ma-conscious kasi hindi ako sanay, sobrang hindi ako sanay. First time ko ring ginawa talaga (bed scenes),“ kuwento ni Angel. Anong mayroon si JOHN LLOYD Cruz at napapayag siya sa bed scenes at totally nude pa ang aktor? “’Yung story kasi, medyo funny kasi `yung atake. Hindi naman siya (todo) sexy talaga, so ganu’n. Saka hindi lang dahil kay Lloydie, iba kasi,“ katwiran ng actress. May hawig ba ang pelikula nila sa Friends with Benefits nina Justin Timberlake at Mila Kunis na wala namang commitment pero panay naman ang ano? “Nakukumpara, but siguro `yung situation lang, iba kasi `yung story and I think, ito `yung pelikula na we’re brave to tackle the story na alam naman nating nag-i-exist, pero hindi pinag-uusapan kasi alam naman natin ang mga Pinoy na masyadong conservative… ang… kultura. “At karamihan din sa atin na hindi naiintindihan `yung ganitong sitwasyon, at dahil d’yan, kailangan pa naming mag-interview sa mga comfortable sa ganitong set-up. “Pareho kaming reporter ni JOHN LLOYD at nagtatrabaho kami sa Manila Bulletin at nagpapasalamat din kami sa Inquirer kasi nakapag-imerse rin kami sa Inquirer. “And ‘yung Manila Bulletin, parang bahay na namin kasi sila pa ‘yung humihingi ng pasensiya kasi maraming tao. Eh, sabi namin, teka lang, kami nga ‘yung nanggugulo sa schedule, kami ‘yung nakikigamit ng kuwarto,” kuwento ni Angel. Ginagampanan ni Angel ang papel bilang Tess sa Unofficially Yours, bilang makabagong babae, hindi kailangan ng lalaki sa buhay, masyadong independent at breadwinner ng pamilya. “Hindi ko kailangan ng hassles sa buhay, marami akong obligasyon, ganu’n ang role ko,” dagdag pa ng aktres. Pero naiba raw nang makilala niya si Maki (Lloydie) na naiba rin dahil hindi sanay sa intimate moments na walang relasyon. “Nanliligaw ng babae, eh, nagtataka siya kasi tinatanong ko kung bakit niya ako nililigawan, ano ‘yan? So, nagugulat siya kasi hindi niya ako mabasa, so ganu’n eventually ang takbo ng istorya, pero kami ‘yung nagkakasama. “Parang ang tanong mo kung better ba ‘yung nasa relasyon ka o wala? Wala kang problema pero hindi ka naman masaya o ‘yung nasa relationship ka, may hinahabol kang tao pero hindi ibinibigay ‘yung kailangan mo, ganu’n,” kuwento ni Angel tungkol sa storyline ng Unofficially Yours. Hindi ba magseselos si Phil Younghusband sa tadtad na bed at kissing scenes nila ni JLC? “’Wag naman, okay lang. I don’t think so, hindi kasi siya ganu’n, eh. Pero alam niya na may love scenes kami. As much as possible kasi hindi kami nag-uusap tungkol sa trabaho, pero alam niya. “Saka hindi pa naman kami ganu’n pa, so wala pa. Saka iba rin naman siya mag-isip kaya na-appreciate ko. ‘Pag secure kasi ‘yung tao, walang issues, kaya masaya ako sa ganu’n. “Hindi rin naman din ako selosa, pero ‘pag may dahilan, eh, babay na talaga,” natawang sabi ni Angel. Sa Pebrero 15 ang playdate ng Unofficially Yours. Attachments:
|
|