Post by mhie on Aug 4, 2008 22:18:50 GMT 8
ABANTE-TONITE
Allan Diones
Sarah, magaling ang timing sa comedy
JOHN LLOYD, junior Aga Muhlach [
HINDI puno ang sinehan nang manood kami ng 10:00 PM screening ng A Very Special Love sa TriNoma nu’ng Huwebes, pero buhay na buhay ang audience at ang ganda ng reaksyon nila sa first big screen team-up nina JOHN LLOYD Cruz at Sarah Geronimo.
Bagay kina JOHN LLOYD at Sarah ang mga papel nila sa pelikula kayang bentang-benta ito sa fans. Si JOHN LLOYD ang anak mayamang si Miguel ‘Miggy’ Montenegro, presidente ng Flippage na publisher ng men’s magazine na Bachelor.
Guwapo at hardworking ang 25-anyos na binata, pero sa sobrang paghahangad na ma-impress ang kanyang nakatatandang half-brother na si Art (Rowell Santiago), naging masungit siya, bugnutin, palasigaw at slave-driver sa kanyang editorial staff.
Si Sarah ay si Adelaida ‘Laida’ Magtalas, ang jologs na college graduate na sobrang idolo at crush na crush si Miggy.
Pumasok siyang editorial assistant sa Bachelor para mapalapit sa kanyang ultimate dreamboy.
Kwela ang mga eksena kung paanong ang suplado at tila walang pusong si Miggy ay nahulog ang loob at nabighani ng masayahin, kikay at ordinaryong dilag na si Laida.
Nakakaaliw si Sarah sa pelikula at natural ang pagiging komedyana niya. Ang galing ng timing niya sa comedy kaya laugh nang laugh ang mga tao sa mga eksena niya.
Pina-mature ang itsura rito ng mukhang bagets na si Sarah (na sa totoong buhay ay 20-anyos na). Iniba ang buhok niya at ginawa siyang panganay sa magkakapatid na breadwinner ng pamilya.
Si JOHN LLOYD ay ang guwapu-guwapo sa movie. Ang ayos at porma niya rito ay itsura ng
image niya sa kanyang Clear shampoo commercial.
Dashing debonaire leading man ang itsura rito ni Lloydie at keri niya palang maging isang junior Aga Muhlach ang dating sa screen.
Bukod sa malalakas na tawanan ay kilig-kiligan ang audience sa mga pa-cute na eksena nina Lloydie at Sarah.
‘Kaaliw ‘yung pizza scene na may tampong-pururot si Laida kay Miggy at ayaw niyang kainin ‘yung isang slice ng pizza na bigay nito.
Pa-girl ang hitad, kaya hiniritan siya ng kaopisina niyang si Matet de Leon ng, ‘Ang ganda mo!’
Delicious at nakakaelya ang dating ni JOHN LLOYD sa eksenang sarkastiko niyang pinababanggit sa virgin since birth na si Sarah ang salitang “SEX!!!” with matching nang-iinis na smile.
Cute din ‘yung videoke scene na sing si Lloydie sa mic ng Kailan (ng Smokey Mountain) habang pasulyap-sulyap kay Sarah.
Akala namin ay alangan ang dalawa, pero ipinakita nila sa pelikula na may chemistry sila, in all fairness!
May drama moment din ang kalog na si Sarah, na bumanat siya ng memorable movie line niyang, “Kahit minsan hindi ko naramdamang nakakapagod kang mahalin… ngayon lang!”
Ang suwerte ni Sarah na si JOHN LLOYD ang nakapareha niya sa kanyang launching movie dahil wala yatang hindi kayang gampanan ang talented young actor.
Ang galing magdala ng pelikula at ng leading lady ni Lloydie, na kung hindi siya ‘yon ay malamang hindi ganu’n kaganda at kaepektib lumabas ang mga eksena.
Ni hindi namin hinanap o na-miss ang orig na ka-loveteam ni JOHN LLOYD na si Bea Alonzo dahil may sariling magic ang Lloydie-Sarah tandem.
Consistent crowd-pleasers ang mga pelikulang dinirek ni Cathy Garcia-Molina. ‘Yung tried and tested formula na ginamit niya kay Toni Gonzaga sa mga rom-com flicks na pinagsamahan nila ay matagumpay niyang naipasa sa prinsesa ng masa na si Sarah.