|
Post by lotters on Jul 25, 2008 14:20:42 GMT 8
Office romance highlighted in "A Very Special Love" Jocelyn Dimaculangan Thursday, July 24, 2008
Anyone who has had to deal with a difficult boss will relate to the character of Laida (played by Sarah Geronimo), an editorial assistant who has to gratify all the demands of a magazine publisher named Miggy (played by JOHN LLOYD Cruz). They initially have gaps between them but later on, they come to realize the good qualities of each other while working on the magazine called Bachelor.
This is the first time that JOHN LLOYD and Sarah will be paired up on the big screen and both of them are excited to see the reactions of their fans.
"I am very proud of this movie, as usual, Direk Cathy is superb and si Sarah, ang galing galing niya. I never expected that A Very Special Love will be very special to us and hopefully, sa mga manonood din na sumusuporta sa akin, kay Direk [Cathy] at kay Sarah through the years, in our individual efforts," says JOHN LLOYD.
Sarah, on the other hand, cherishes the good memories that she had while making this. "Nag-iisa si JOHN LLOYD Cruz, hindi mo matatawaran talaga ang galing niya at napaka-professional. It's a dream come true sa akin na mabigyan ng pagkakataon na makatrabaho siya at sana, maulit pa."
When asked whether her character will fulfill her own dreams in the movie, Sarah could only say, "Siyempre lahat naman tayo we root for Laida na matupad na ma-in love sa kanya ang kanyang Prince Charming na si Miggy ‘di ba? Pero ‘yan iiwan ko na para sa sagutin ng pelikula."
Box-office director Cathy Garcia Molina and JOHN LLOYD have collaborated on several movies already such as Close To You (2006) and last year's box-office winner One More Chance. But this is the first time that Direk Cathy has worked with Sarah Geronimo.
With A Very Special Love being part of Star Cinema's 15th anniversary, Direk Cathy can't help but be proud of this film, especially since this is her fifth project with ABS-CBN's film outfit. "Siyempre po natutuwa ako na makasama yung pelikulang ‘to, ang A Very Special Love sa 15th anniversary ng Star Cinema. It's special in its own way, lahat ng nagshoot ng pelikulang ‘to with big hearts gave so much for the movie and I think mararamdaman n'yo yon. Thank you na na-recognize yung movie as worthy of being part of the 15th anniversary of Star Cinema."
A co-production of Star Cinema and Viva Films, A Very Special Love opens in theaters nationwide starting Wednesday (July 30).
|
|
|
Post by mhie on Jul 25, 2008 22:53:50 GMT 8
|
|
|
Post by mhie on Jul 30, 2008 18:41:18 GMT 8
FROM PEP www.pep.ph/news/18517/John-Lloyd-Cruz-Sarah-Geronimo-tandem-spells-magic-in-A-Very-Special-Love-premierePEP.PH Rose Garcia John-Lloyd-Cruz-Sarah-Geronimo-tandem-spells-magic-in-A-Very-Special-Love-premiere Kung pagbabasehan ang reaction ng mga taong nanood sa premiere night ng A Very Special Love kagabi, July 29, sa SM Megamall Cinema 9 and 10, malaki ang posibilidad na meron na namang another hit in the making ang Star Cinema in the tradition of One More Chance and its other blockbuster movies. A Very Special Love stars JOHN LLOYD Cruz and Sarah Geronimo. Wala yatang hindi tumawa nang husto, celebrities and non-celebrities alike, sa halos karamihan ng mga eksena sa movie. But then, towards the end, the movie did not fail to make audience teary-eyed and even shed some tears dahil sa ilang touching moments between JOHN LLOYD Cruz and his dad, played by Dante Rivero, gayundin sa scene ni Sarah with her family. Yun nga lang, may dialogue sa movie that reminds us of one scene in When Love Begins kung saan si Ronaldo Valdez naman ang gumanap na father ni Aga Muhlach. Siguradong bukod sa "sun dance" ni Sarah, another line na naman sa movie na ito ang makaka-relate ang mga manonood. Ito ay ang "Hindi ka naman nakakapagod mahalin," na dialogue ni Sarah kay JOHN LLOYD. Kapansin-pansin din ang comic timing ni Sarah and JOHN LLOYD never looked so handsome on screen dito sa A Very Special Love. Kung noon ay sinasabing hindi magki-click ang pelikula dahil walang chemistry ang dalawang bida, siguradong ngayon ay magbabago ang kanilang pananaw dahil sa kakaibang magic na dala ng tambalan nina JOHN LLOYD at Sarah. Mistulang naging concert din ang premiere night dahil literally ay kumanta rin ang mga nanood at may beat pa ng palakpak especially sa theme song ng movie na inawit ni Sarah. Maging yung scene sa binyag ng anak ni Joross Gamboa ay nagkaroon din sila ng singing session. Todo rin ang suportang ipinagkaloob ng mga Kapamilya stars sa bagong tambalan na ito nina JOHN LLOYD at Sarah. Ilan sa mga nanood ng premiere night ay ang mga co-champions ni Sarah na sina Erik Santos, Rachel Ann Go, at Christian Bautista na magkakasabay dumating. Sumunod naman sa kanila si Mark Bautista. Nagulat din ang marami sa pagdating nang sabay ng rumored sweethearts na sina Luis Manzano at Angel Locsin. Kapansin-pansin na present ang halos buong cast ng One More Chance, JOHN LLOYD's movie with Bea Alonzo; tulad nina Bea Saw, Janus del Prado, Dimples Romana, at Maja Salvador. Namataan din namin ang magkaibigan na sina Jodi Sta. Maria at Kaye Abad, na co-stars ni JOHN LLOYD sa dating teen show Tabing Ilog. Dumating din ang ABS-CBN President na si Ms. Charo Santos-Concio kasama si Ms. Cory Vidanes at tinapos talaga nila ang pelikula; gayundin ang Viva Films big boss na si Mr. Vic del Rosario. In fairness, napakaraming tao kagabi sa Megamall. As early as 5 p.m.pa lamang ay napakarami nang nag-aabang at nakapila sa labas ng sinehan. Kahit na dalawang sinehan ang pinaglabasan ng premiere, umaapaw sa tao ang parehong sinehan. Naniniwala kaming walang umuwi na hindi nakangiti after watching the movie dahil sa feel-good na dulot ng pelikulang idinirek ni Cathy Garcia-Molina. Although may ilang mga eksena sa pelikula na may kaunting similarities sa past films ni Direk Cathy, especially the confrontation of JOHN LLOYD and Sarah under the rain. Pero walang-duda, ang kabuuan ng A Very Special Love will leave everyone smiling and the feeling of how wonderful it is to feel love and be loved. Bukod sa magandang outcome at reaction ng mga nakapanood ng premiere last night, nabigyan din ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang A Very Special Love. Nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na mahingan ng reaction si JOHN LLOYD after their premiere. Bakas na bakas sa mukha nila ni Sarah ang nag-uumapaw na kaligayahan sa napakagandang response ng mga tao sa kanilang pelikula. "I couldn't be happier! "Thank you! Thank you!" naiiling at maluha-luhang pahayag ni JOHN LLOYD. Ano naman ang reaksiyon niya sa sa pagbibigay ng CEB ng grade na "A" sa A Very Special Love? "Alam n'yo, masayang-masaya ko. Bago pa ako pumasok sa sinehan, nalaman namin na Grade A, so nakasabay pa sa reaction ng mga nanood. Wow, talagang sobrang happy! Hindi ko ma-explain," aniya. Inamin ni JOHN LLOYD na pati siya ay napaiyak sa kanilang pelikula. "Na-touch ako, e. Yung scene ni Sarah with her family, that was very touching. Sobrang happy ako for Sarah, ang galing-galing niya!" pagtatapos ni JOHN LLOYD.
|
|
|
Post by mhie on Jul 30, 2008 18:45:12 GMT 8
JOURNAL July 30, 2008 JOHN LLOYD-Sarah starrer, naka-‘A’
BINIGYAN ng “A” grade ng Cinema Evaluation Board ang JOHN LLOYD Cruz-Sarah Geronimo starrer, A Very Special Love ng Star Cinema, kahapon. Timing ang paglabas ng naturang grado, dahil ngayong Miyerkules ang opening ng AVSL sa theaters nationwide. Ang “A” ay ibinibigay sa outstanding na mga pelikula at may katumbas na 100 percent tax rebate para sa produ.
|
|
|
Post by mhie on Jul 30, 2008 19:11:48 GMT 8
PILIPINO STAR NGAYON July 30, 2008
Movie nina JOHN LLOYD at Sarah Graded A ng CEB
Graded A ng Cinema Evaluation Board ang A Very Special Love nina Sarah Geronimo at JOHN LLOYD Cruz na palabas simula ngayong araw.
Majority sa members ng CEB na nag-review ng pelikula ay puring-puri ang acting ni Sarah. Say nga ng isa: “Magaling si Sarah kasi hindi pa siya nagwo-workshop,” sabi ng member na kilala sa pagiging metikuloso sa panonood ng pelikula.
Uy in fairness kasi kay Sarah, may timing siya sa pag-arte at alam na alam niya ang role bilang isang newly graduate na nagtrabaho sa isang men’s magazine na ang boss (JOHN LLOYD) ay super crush niya simula pa noong ma-interview niya noong nag-aaral pa siya sa college.
Timing naman na nang araw na maga-apply siya ay nag-walk out ang mga staff ng magazine kaya nang makita agad siya ni JOHN LLOYD ay agad siyang na-hire.
Basta maganda ang story at may substance. Hindi mo aakalaing ganun ang pelikula na dinirek ni Cathy Molina for Star Cinema and Viva Films.
At si Sarah ha, parang feel niya yung role. Na-justify niya yung pagiging in love niya kay JOHN LLOYD sa pelikula.
Hmmm, siguro kung wala lang girlfriend ang aktor malamang ma-in love nga sa kanya ang singer/actress.
Perfect material ang movie for Sarah na matagal-tagal din ang hinintay bago natuloy ang launching movie na ‘to. Marami pa siya nung na-sacrifice na offer sa abroad para lang magawa ang A Very Special Love na hindi na nga natuloy ang second presscon dahil hindi agad natapos ang pelikula.
Actually, hindi lang kiligan factor ang movie. May part na iyakan din.
At bagay sa bagong hair style ni JOHN LLOYD sa role niya. Parang sinadya yatang mag-iba ang actor sa pelikulang ito. Dati kasi pinipintas-pintasan siya sa nasabing buhok, yun pala ok naman.
|
|
|
Post by lotters on Jul 31, 2008 18:59:41 GMT 8
JOHN LLOYD, bibili ng bahay sa Amerika Ni JOE BARRAMEDA
SA simula ay tamad kaming isulat ang pelikulang A Very Special Love, na bida sina JOHN LLOYD Cruz at Sarah Geronimo. Hindi kasi kami kumbinsido sa tambalan ng dalawa.
Pero, nitong nakalipas na araw, parang naging paksa ito ng mga tsika-han. Biglang-bigla, na-excite ang mga taong kakilala namin tungkol sa movie ng dalawa.
Eh, nandiyan pa ang mga kaibigan namin na humingi ng tulong sa amin para makapanood ng premiere night, na ginawa last Tuesday sa Cinema 10 ng SM Megamall.
At dahil doon, naeng-ganyo na rin akong panoorin ang movie, kahit hate na hate ko ang pumunta sa premiere night.
At talbog, dahil makapal na tao ang nakita namin sa Megamall.
Siyempre, present ang mga boss ng ABS at Star Cinema na si Charo Santos-Concio at si Vic del Rosario ng Viva Films.
Nanghinayang lang ako dahil hindi ko nakita si Bea Alonzo, na malapit kay JOHN LLOYD.
Anyway, aliw na aliw kami sa kabuuan ng pelikula. At nalaman ko na magaling at natural palang umarte si Sarah.
Sabi ko nga, Eugene Domingo in the making si Sarah, ha!
Sa kaso ni JOHN LLOYD, sure ako na magkaka-award na naman siya dahil sa pelikulang ito.
Siyanga pala, nang makita ako ni JOHN LLOYD sa dinner party, after ng premiere night, biniro niya ako na pinahamak ko raw siya dahil sa sinulat ko na hindi na siya magri-renew ng kontrata sa Bench.
Pero, dugtong ni Lloydie, inamin naman daw niya sa mga kaharap niya na nasabi niya sa amin ‘yon noong nasa birthday party naman kami ng aming common friend na si John Ling. Isinulat nga namin ‘yon bilang kasagutan sa mga intrigang hindi niya sinipot ang Blackout event ng Bench. Na sa simula pa lang ay alam na agad ng mga taga-Bench na hindi siya dadalo sa event.
Siyanga pala, nakapag-usap na raw sina JOHN LLOYD at Ben Chan, at nasabi nga niya ang lahat ng mga hinaing niya, lalo na ‘yung mga hindi raw magagandang billboard na lumabas sa kanya.
Naging maayos daw ang pag-uusap nila ni Ben Chan. Pero, hindi raw nila napag-usapan ‘yung tungkol sa pagri-renew ng kontrata.
Pero, sa tingin ko, wala na ring interest si JOHN LLOYD na mag-renew pa ng kontrata sa Bench. Kunsabagay, hindi naman forte ni JOHN LLOYD ang mga sexy pictorial para sa Bench.
Siyanga pala, lumipad kahapon papuntang Hong Kong si JOHN LLOYD para magbakasyon. And then, pupunta rin siya ng New York kasama ang kanyang ama, para bisitahin ang kapatid na nakatira na roon.
Masyado raw kasing nahu-homesick ang mga utol niya roon, at pipigilan niya ang mga ito na bumalik sa Pilipinas. Mas gusto nga niya na nasa New York ang mga kapatid niya, dahil alam niya na may magandang kinabukasan ang mga ito roon.
Plano nga pala ni Lloydie na bumili ng bahay sa Amerika. Hindi ko lang sure kung plano na niyang tumira agad doon.
|
|
|
Post by lotters on Jul 31, 2008 19:00:04 GMT 8
July 31, 2008 05:15 PM Thursday Article read 1,027 time(s) JOHN LLOYD, ninakawan ng halik si Sarah! By: Nel Alejandrino Tattle
ANG cute-cute nina Sarah Geronimo at JOHN LLOYD Cruz sa kanilang first movie together, A Very Special Love ng Star Cinema at Viva Films. Kilig ang manonood sa kanilang mga nakatutuwang love scene sa pelikula. Yes, may kissing scene ang dalawa, bagama’t panakaw itong naganap. Binigla kasi ni JOHN LLOYD si Sarah, kaya, ’di na ito nakaiwas. Obvious na parehong enjoy sina JOHN LLOYD at Sarah habang ginagawa ang movie. Feel na feel ito ng manonood. Walang duda na when it comes to kilig movies, pinaka-epektibo talaga si Direk Cathy Garcia-Molina. Isa lang ito sa movies na naidirek na niya na, wika nga, ay kakilig-kilig. No wonder nagiging blockbuster ang bawa’t movie niya, kabilang na ang One More Chance, which won for JOHN LLOYD and Bea Alonzo the Box-Office King and Queen awards this year. This early, we heard that Viva boss Vic del Rosario has assigned one of his executive assistants, June Rufino, to prepare a script for another movie with JOHN LLOYD and Sarah again.
|
|
|
Post by mhie on Jul 31, 2008 23:34:30 GMT 8
|
|
|
Post by mhie on Aug 2, 2008 22:16:45 GMT 8
ABANTE-TONITE Joe Barrameda
JOHN LLOYD, tunay na Hari ng Takilya
KAHIT nasa Hong Kong si JOHN LLOYD Cruz ay nakarating sa kanya ang magandang balitang nagtagumpay ang pelikulang A Very Special Love na pinagtambalan nila ni Sarah Geronimo.
Si Lloydie ay nagbabakasyon sa Hong Kong kasama ang mga pinsan para sa post birthday celebration niya.
Napatunayan ni JOHN LLOYD sa A Very Special Love na magkiklik siya kahit hindi si Bea Alonzo ang katambal niya.
Sa pelikulang Dubai ay tatlo sila nina Claudine Barretto at Aga Muhlach. Dito sa A Very Special Love ay sila lang ni Sarah.
Si Bea, hindi kinagat ang pelikulang iba ang kanyang katambal. At least, nakawala si Lloydie sa tandem nila ni Bea.
Si Lloydie lang ang kinakagat na katambal ni Bea, kung gayon. Dahil sa patuloy na kasikatan ni JOHN LLOYD ay dumarami ang mga product endorsement niya.
Gaya ni Dingdong Dantes, isa itong ebidensya na nagpapatunay sa kasikatan ng isang artista.
Si JOHN LLOYD ang endorser ng Greenwich Pizza na noon ay ang namayapang si Rico Yan ang endorser.
Nu’ng last shooting day ng A Very Special Love ay nagpakain daw ang Greenwich Pizza sa staff at crew ng Star Cinema, na ikinatuwa ng premyadong aktor
Ang makuha namin ang initial opening day gross ng A Very Special Love ay P9M ang nakuha naming impormasyon. Pumalo pa pala ito hanggang P14M noong Miyerkules nang gabi.
Patunay lamang ito na may ‘K’ si JOHN LLOYD sa parangal sa kanya bilang kasalukuyang Box Office King.
Samantala, nabenta na pala ni JOHN LLOYD ang dating bahay niya. Naikuha na niya ng bagong bahay ang kanyang pamilya.
Bukod dito, may malaking lupa siyang binili na papagawan niya ng mas malaking bahay.
Ang kinabukasan na niya ang pinagtutuunan niya ng pansin. Hindi na nga naman siya bumabata.
|
|
|
Post by mhie on Aug 4, 2008 22:07:50 GMT 8
ABANTE
JOHN LLOYD, may puwang sa puso ng Pinoy “I feel very blessed,” sabi ni JOHN LLOYD Cruz. Oo nga naman, hindi na kasi mabilang ang dami ng biyaya na nakukuha niya ngayon. Aba, hanggang sa kasalukuyan ay gumagawa ng ingay sa takilya ang movie nila ni Sarah Geronimo, ang A Very Special Love ng Star Cinema at Viva Films. At bukod sa matagumpay na pelikula, nakikipag-agawan din si John Loyd sa trono bilang pinagkakatiwalaang endorser ngayon. Dagdag na endorsment kay JOHN LLOYD ang Greenwich Overloaded Pizzas. Sabi ni JOHN LLOYD, nararamdaman daw niyang normal at ordinaryong tao siya kapag kasama niya ang pamilya at mga kaibigan sa kahit na anong branch ng Greenwhich. Katunayan, sa Greenwich daw niya dinala ang staff and crew ng movie nila ni Sarah. “Parati nila ako binubusog ng pizzas mula pa noon,” sabi pa ni JOHN LLOYD. Sabi nga ni JOHN LLOYD, pareho raw sila ni Greenwhich, na parehong may puwang sa puso ng mga Pinoy. Siyang apala, nasa Ayala Cebu si JOHN LLOYD sa August 9, at nasa Gaisano Mall Davao naman siya sa August 23 para sa Greenwhich promo tour.
|
|