from pep.ph... www.pep.ph/news/18327/John-Lloyd-Cruz-proud-of-A-Very-Special-Love-whatever-the-feedback
Julie Bonifacio
Wednesday, July 16, 2008
01:55 PM
JOHN LLOYD Cruz proud of
"A Very Special Love" whatever the feedback Excited na ang Box-Office King na si JOHN LLOYD Cruz na makita ang magiging reaksyon ng mga manonood ng first big screen team-up nila ni Sarah Geronimo sa premiere night ng pelikula nilang A Very Special Love ng Star Cinema, directed by Cathy Garcia-Molina.
"Gusto kong malaman kung magugustuhan ba nila ang aming munting offer. So, I'm really excited kasi ito yung sabi ko nga, di ba, yung parang hindi naman paglihis pero, di ba, after so many movies with Bea [Alonzo], so, may bagong project si Bea, ‘eto ako gagawa ng isang project na wala siya. I wanna see kung paano ang pakiramdam kapag nandiyan na talaga, kapag pinapalabas na," pahayag ni JOHN LLOYD nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, July 13, after ng The Buzz.
Umaasa si JOHN LLOYD na maganda ang marinig niyang feedback from the audience. But what if hindi maging maganda ang feedback na marinig niya?
"Well, to begin with, kailangan muna namin ng magandang maio-offer. So, gusto ko munang malaman kung maganda yung pelikula. Kung maganda yung pelikula wala na sa akin kung, you know...bonus na sa akin kung magustuhan ng mas marami. Kung hindi magustuhan ng mas marami pero alam ko na maganda ang ginawa namin, walang problema sa akin."
Para kay JOHN LLOYD kasi nandun ang kanyang personal satisfaction and personal fulfillment nung ginawa niya yung movie. Kitang-kita rin sa trailer ng movie na bagay kay Sarah ang pagpapakilig at pagpapa-cute niya kay JOHN LLOYD.
"Enjoy lang," ngiti ni JOHN LLOYD. "Nae-enjoy lang namin kung ano yung ginagawa namin. Kaya siguro yun yung nagre-refelct sa screen. Sobra namin siyang nae-enjoy na parang siguro yun ang rumerehistro."
A LIGHT FEELING. Maninibago ba ang audience sa kanya sa A Very Special Love pagkatapos ng sunud-sunod na mabibigat na roles niya sa pelikula at telebisyon?
"Actually, it's quite refreshing to see me in a film like this. Kasi coming from One More Chance na ang bigat-bigat nga, na alam mong kahit nagkatuluyan sila sa ending, pero ang dami nilang pinagdadaanan. Ang bigat ng pelikula pero tumatak sa isipan ng mga tao na parang gusto namin...you know, first movie namin ni Sarah, gusto namin paglabas nila ng sinehan magaan ang pakiramdam. Light naman ang feeling."
Hindi naman lingid sa lahat na Sarah has yet to prove her box-office appeal lalo na't first time niyang gagawa ng pelikula in a mature role. Posible raw na mahila siya ni JOHN LLOYD pataas or the other way around.
"Well, kahit ano namang pelikula, kahit na sabihin mong nasa estado ka na ni Sharon Cuneta o ni Boyet de Leon o ni Ate Vi [Vilma Santos], kailangang-kailangan mo ng tulong mula sa co-stars mo. Hindi puwedeng ikaw lang. Hindi mo kakayaning ikaw lang.
"First, you have to have a good story, a good story to tell. Kailangan mo ng mahusay na story teller which is your director. So, sa tingin namin, I'm quite confident na maganda. Hindi ko alam kung tatangkilin ng marami. Kung mangyari man, thank you, Lord. Kung hindi...sa akin nga ang importante lang maganda ang pelikula namin."
WHAT IF...Kung hindi man kumita ang pelikula nila ni Sarah, at least si JOHN LLOYD may babalikan daw na Bea Alonzo para makabawi. Hindi tulad ni Sarah na baka tuluyan nang mahirapang maka-take off as a box-office star.
"Ah, hindi ko alam. Hindi ko alam kung yun ang makakapagpabawi. I mean, wala namang replacement ang kahit na anong project. Kung itong project na ‘to with Sarah hindi maging maganda ang kalabasan, I mean, walang puwedeng pelikula na puwede kong magawa para makabawi."
But of course, positibo ang lahat na tatangkilikin ng mga manonood ang first team-up nila ni Sarah sa big screen.
"Never ko kasing inisip yun sa ginawa kong pelikula. Ang sa akin kasi ang importante talaga kung maganda ang produkto. Kasi kung hindi ka sigurado na maganda ang pelikula mo, anong kumpiyansa mo or ano ang puwede mong panghawakan para isipin na kikita ang pelilkula mo?"
Maging madalas na rin kaya ang tambalan nila ni Sarah, tulad ni Bea?
"Well, maganda kasi yung napi-pair ka sa iba. Yun kasi ang maganda, I mean, hindi naman para...no offense meant sa lahat ng mga sumusuporta sa amin ni Bea, ako kasi I would want the same for Bea. Kasi hindi puwedeng kami lang. Hindi puwedeng kami lang habang buhay.
"Kumbaga, may mga supporters kami na yun ang fantasy nila na maging kami at kami lang habang buhay. It doesn't work that way. Iikli lang ang buhay namin. Iikli ang life span ng career namin individually."
THE NEW BOYET AND VI. Sila raw ni Bea ang bagong Christopher de Leon at Vilma Santos sa big screen?
"Well, I don't think mahihiwalay na ako kay Bea. Hindi na yun mawawala. Kumbaga, gagawa at gagawa pa rin kami ng pelikula in the future. Imposibleng hindi.
"Kaya lang syempre in the process, kumbaga, para ma-preserve namin yung longevity ng aming respective careers, kailangan namin ito. Dapat may break.
"Can you imagine kami at kami lang? Given two, three years baka naman sawang-sawa na sila sa amin."
PLAYING ARMANDO. Samantala, kumpirmado na raw na si JOHN LLOYD Cruz ang gaganap na Armando. Hinihintay lang daw na maipalabas na ang movie nila ni Sarah para sa final announcement ng natitirang main cast ng Betty La Fea.
"Ay, hindi. Up to now talaga, hindi pa sigurado kung ako si Armando o kung sino si Armando."
Hindi pa niya tinatanggap ang offer?
"Hindi ko naman call yun, e. Hindi ko call ‘yon. Kumbaga, sila na ang bahala doon," pagtatapos ni JOHN LLOYD.