Post by ELEAU on Jul 21, 2008 0:42:47 GMT 8
Fans in Cebu mob Sarah Geronimo and JOHN LLOYD Cruz love team
Julie Bonifacio
Saturday, July 19, 2008
05:22 PM
Nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang napakainit na pagsalubong at pagtanggap ng mga Cebuano sa mga bida ng A Very Special Love ng Star Cinema Productions na sina JOHN LLOYD Cruz at Sarah Geronimo kahapon, Biyernes, July 18. Pagdating pa lang sa airport nung umaga ay dinumog na agad ng fans ang dalawa.
Tumuloy sina JOHN LLOYD at Sarah kasama ang kanyang Mommy Divine sa Parklane Hotel na nasa Archbishop Reyes Avenue corner Escario Sts. sa Cebu City. Nagpahinga lang ng ilang oras ang dalawa bago humarap sa members of the press sa Cebu sa presscon na inihanda ng JSP Productions headed by Josie Pereyra.
Wala pang tulog sina JOHN LLOYD at Sarah that day dahil four o'clock in the morning nung Biyernes natapos ang shooting nila. Umuwi lang sandali sa kani-kanilang bahay ang mga bida ng A Very Special Love saka dumiretso sa airport.
SARAH THE SUN DANCER. Three o' clock na bumaba sina JOHN LLOYD at Sarah from their respective rooms sa second floor ng Parklane Hotel kung saan ginanap ang presscon. Marami ang natuwa sa mga eksena ni Sarah sa pelikula, especially ang kanyang "sun dance" scene.
Nakuwento rin sa amin ng ina ni Sarah na si Mommy Divine na dahil sa eksenang sumasayaw-sayaw ang anak niya sa movie nila ni JOHN LLOYD para huwag umulan, tinutukso tuloy ang bunsong anak niya sa eskuwelahan at tinatawag na "Sun Dance." Pero marami rin ang kinikilig sa mga eksena ni Sarah kapag kaharap niya si JOHN LLOYD.
"Kasi everytime na magkaeksena kami, natutunaw ako," sabay tawa ni Sarah. "Kasi si JOHN LLOYD once na nasa set, in character na siya. Kaya ganun din ang ginagawa ko."
SARAH'S BIRTHDAY. Hindi rin lingid sa mga taga-Cebu na magse-celebrate ng kanyang 20th birthday si Sarah on July 25. Kaya may nagtanong sa kanya kung ano ang gusto niyang matanggap na regalo mula kay JOHN LLOYD.
"Hindi naman ako materialistic na tao. Sabi ko sa kanya regaluhan niya ako ng Chanel bag. Ha-ha-ha!
"Alam ninyo po, tuwing birthday ko, umuulan. May mga time nga po nung bata ako kapag dumarating ang birthday ko, ang lungkut-lungkot ko. Kasi po nasa bintana lang ako, pinapanood ko lang yung ulan. Wala kasi pang-party. Pero masaya po ako na makasama lang ang family ko at healthy po lahat."
Kung may one wish ba siya na hihilingin ngayong kaarawan niya, ito kaya ay ang ma-meet na ang magiging boyfriend niya?
"Hindi ko po yun wini-wish. Kung darating talaga, darating po yun. Kung hindi, hindi.
"One [wish] lang? Siguro ito na lang, success of our movie. Dahil talagang pinagpaguran namin ‘to. Umuuwi lang kami para maligo. Sana ma-appreciate ng tao ang ginagawa namin ni JOHN LLOYD."
Masasabi ba niya na perfect guy para sa kanya si JOHN LLOYD?
"Naku, napapatayo na naman ako sa tanong. Ah, vocal naman ako sa pagsabi na some of the qualities na hinahanap ko, e, nasa kanya. Pero di ko po yun masasabi, as in tinutuldukan ko na hanggang doon lang yun."
GOT CARRIED AWAY? Ipinalabas din sa presscon ang music video ng A Very Special Love kung saan kinanta ni Sarah ang theme song ng pelikula.
Kung may pipiliin siyang linya sa kanta at ide-dedicate niya for JOHN LLOYD, anong part ito?
Nag-isip muna nang husto si Sarah bago sumagot, sabay awit, "You're not like the rest. I know you're the best."
Dahil diyan, marami ang nagdududa na nadala talaga si Sarah sa mga eksena nila ni JOHN LLOYD kaya natural na natural lumabas ang mga pagpapa-cute niya sa aktor sa A Very Special Love.
"Hmm... yun nga po ang napansin ko talaga sa mga love team, madadala ka talaga. Pero kailangan pa rin may control. You should be professional. Si JOHN LLOYD po kasi mabait, caring, and thoughtful. Hindi ko nga po akalain na ganun siya. Kaya ngayon po I can say na mas at ease na ako sa kanya."
Nung mag-guest si JOHN LLOYD sa The Buzz last Sunday sinabi niya na sa mga artistang babae ngayon, nag-iisa lang si Sarah.
"Very flattering po, nakakatuwa na marinig. Coming from him, it's a compliment talaga."
SARAH IN BLACKOUT. Sa mismong birthday ni Sarah ay may dubbing sa umaga at kasali rin siya sa Bench Blackout. May nagtanong kay Sarah kung magbi-bikini ba siya sa show.
"Ay, hindi po! Wala po akong balak mag-bikini."
Tinanong din siya kung ano ang kanyang dream role.
"Sa tingin ko gusto kong maging superhero, lalo na batang-isip pa ako," natatawang sabi ni Sarah.
"Pero hindi po si Darna. Hindi ko ini-imagine na masusuot ko yun [outfit niya].
"Wonder Woman? Kahit yun," tawa ulit ni Sarah.
"Kahit one-piece pa yun hindi ko pa kaya."
SARAH AND JOHN LLOYD AT SM CEBU. Pagkatapos ng press conference ay dinala na agad sina JOHN LLOYD at Sarah sa SM Cebu City para sa kanilang mall tour. Doon ay naghihintay ang napakaraming fans nina JOHN LLOYD at Sarah. Pagpasok pa lang sa backstage ay napakalakas na sigawan ang sumalubong sa kanila mula pagpasok sa backstage sa ground floor ng SM Cebu City, pati na ang mga nagsisiksikang crowd sa second and third level ng mall.
Unang tinawag sa stage si JOHN LLOYD, kasunod ang nakakabinging tilian ng crowd at halos hindi na marinig ang kinakanta niya na may pamagat na "Ngiti." Sumunod na nagsolo si Sarah at kinanta ang sarili niyang awitin na "Ikaw."
Pagkatapos ay nag-duet na sina JOHN LLOYD at Sarah ng theme song ng movie nila. Dito naging wild na ang di mahulugang karayom na crowd sa palibot ng entertainment area ng SM Cebu City sa ground floor. Hanggang sa di na napigilan ng mga security ang pag-akyat sa stage ng fans saka dinumog sina JOHN LLOYD at Sarah.