|
Post by mhie on Aug 30, 2012 10:52:58 GMT 8
www.balita.net.ph/2012/08/john-lloyd-inarbor-muna-ang-tungkol-sa-relasyon-kay-angelica/Balita Aug 28th, 2012 Ni Reggee Bonoan
JOHN LLOYD, inarbor muna ang tungkol sa relasyon kay Angelica“ALAM n’yo, alam ko ‘yung pinupuntahan ng mga tanong ninyo, this is not the right place, the right time to talk about it, some other time, maybe? Not now because nandito kami ni Bea (Alonzo) to celebrate our ten years in the business and we have a beautiful movie to promote,“ Sabi ni JOHN LLOYD Cruz sa presscon ng The Mistress noong Linggo sa The Cravings Katipunan. Inuunti-unti na kasing itanong ng entertainment press sa aktor kung `may magseselos ba’ sa kissing/love scene nila ni Bea sa The Mistress. Dinugtungan pa ng tanong kung `perfect Sunday’ ba ang araw ng presscon para sa aktor. Kumalat kamakailan na may namamagitan kina Lloydie at Angelica Panganiban na naging dahilan ng break-up nina Derek Ramsay at Angel; at nina Shaina Magdayao at JOHN LLOYD. “Today, well, in terms of itong napuntahan at paano kami tinanggap ng mga kaibigan natin sa press, it could be more perfect,“ sagot ni JLC. Maayos naman ang pakiusap ng aktor kaya wala nang nagawa ang press friends, pinagtuunan na lang ang dapat na maging paksa ng presscon. Tinanong ang aktor kung bakit sa kabila ng maraming beses na pagtatambal ay hindi niya niligawan si Bea, na aminado naman siyang attracted siya. Hindi man lang ba sila na-attract sa isa’t isa? “Meron naman, sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Bea? Kita n’yo naman… (sexy), pero hindi dumating sa puntong niligawan ko siya, hindi ko rin alam. Siguro mas okay na rin kasi napanatili naming maganda ang relasyon namin bilang magka-partner,” sagot ng binata. How about Bea? “Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay JOHN LLOYD Cruz? Halos lahat ng babae, napapasagot niya. Hindi umabot. Saka lagi kaming nag-aasaran niyan, grabe kami magbiruan lalo na kung laitin niya ako na mataba ako.” Samantala, inamin ng aktor na naranasan na niyang magka-girlfriend na may kahati sa pagmamahal. “Meron, sabi ko okay, settle ako sa ganu’n, siguro I was in my twenties nu’ng nangyari iyon. Hindi ko rin alam kung paano nangyari ‘yun, the feeling is too strong, hindi ko kayang kontrolin. “And pumayag na ako, nabigkas ko ‘yung salitang, ‘Okay lang, kung kailan ka may time, okay na ako ro’n (sa ganoong set-up).’ “Mahirap, kasi nawawala ‘yung… hindi naman sa immoral siya, pero parang dini-dare ka niya to be someone you’re not kasi ‘yun nga, masyadong malakas ‘yung nararamdaman mo for the person. It’s quite a struggle, definitely, kasi alam mo na mali, eh. “Pero, lagi ko nga sinasabi, you can’t argue with love, so but I found later on na infatuated lang pala ako. “So I realized na she deserves better. She did not deserved to be in that kind of situation. So in a way, naging instrumental ako na kaya siya nalalagay sa ganu’ng sitwasyon, because hindi niya nagagawa kung ano ‘yung tama,” kuwento ng aktor. “Ako, hindi ko kayang may ibang karelasyon (ang boyfriend),” sabi naman ni Bea. “Kasi possessive ako. Hindi ko kayang may ka-share. Me nangyari na sa mata ng publiko, ganu’n ang nangyari, pero hindi ganu’n.” Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Aug 30, 2012 11:02:57 GMT 8
www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/36961-bea-is-a-big-part-of-my-success-john-lloydJournal August 29, 2012 Written by : Vinia Vivar
Bea is a big part of my success-- JOHN LLOYDSa presscon ng The Mistress, natanong si JOHN LLOYD Cruz kung okay lang ba sa kanya na ang leading lady niyang si Bea Alonzo ang lumalabas na title role at ayon sa aktor, walang problema ’yun sa kanya. “Bakit naman po hindi? Hindi naman kaso ’yun. Alam n’yo, nangyari ’yan unang beses sa Betty La Fea, parang hindi naman issue ’yan sa akin. Kasi, kumbaga, ’yung pagbibigay ng ganu’n, para sa akin is kulang pa. “Kung halimbawang sinasabi na hindi ako title role, napakababaw ng isyung ’yan sa akin. Kasi, ’yung naitulong at naibigay sa akin ni Bea at nai-share niya sa akin bilang kapareha niya sa loob ng 10 taon, eh, walang kabayaran ’yun. “Hindi po issue sa akin ’yun,” paliwanag ni Lloydie. Ayon pa sa aktor, kung anuman ang tinatamasa niyang success ngayon, anuman ang narating niya ngayon, hindi raw niya ito mararating mag-isa kung wala si Bea. “For the past 10 years, itong ka-loveteam ko ’yung ka-share ko sa acting space ko, kahati ko sa mga eksena ko at pinaghuhugutan ko ng emosyon. “Kung tatanungin ako kung gaano ka-instrumental si Bea sa aking naging career as an actor, malaking part siya ng success ko, ng identity ko at ng kung sino ako ngayon as an actor,” say pa ni Lloydie. Matatandaang nagsimula ang loveteam nina JOHN LLOYD at Bea nang gawin nila ang seryeng Kay Tagal Kang Hinintay. Nag-click agad ang una nilang tambalan and since then, sabay silang sumikat at gumawa ng pangalan sa showbiz. Ang huling pelikula nilang pinagtambalan ay ang Miss You Like Crazy noong 2010 at reunion movie nila ang The Mistress na showing na sa Sept. 12 mula sa direksyon ni Joyce Jimenez.
|
|
|
Post by mhie on Aug 30, 2012 11:04:51 GMT 8
www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/36964-bea-john-lloyd-satisfy-direk-oliveJournal Written by : Jun Nardo August 30, 2012
Bea, JOHN LLOYD satisfy Direk Olive HINUBARAN na ni Direk Olive Lamasan ang loveteam nina Bea Alonzo at JOHN LLOYD Cruz sa tinaguriang pinakamatapang na pelikula ng magka-loveteam na kanyang hinubog nu’ng teenage days pa lang nila. Si Direk Olive ang bumuo ng loveteam nina Bea at JLC na nagsimula sa Kay Tagal Kitang Hinintay. Mapipintog pa ang mga katawan nila that time pero likas na ang kakayahan sa pag-arte. Kaya naman kahit mapangahas ang bago nilang movie na The Mistress, naging sunud-sunuran sina Bea at JOHN LLOYD at hindi na nag-inarte sa maiinit na eksena nila, huh! Eh, ang maganda sa loveteam ng dalawa, wala mang relasyon, damang-dama ni Direk Olive na nag-aapoy sa init ang romansahan ng dalawa sa big screen. Kaya kuntento siya dahil siya uli ang nagdirek kina Bea at JOHN LLOYD at nasaksihan niya ang transition ng magka-loveteam.
|
|
|
Post by mhie on Aug 31, 2012 15:50:26 GMT 8
www.abante.com.ph/issue/aug3112/ent_rp.htmAbante Oh, Laban Ka?! Rey Pumaloy Aug.31, 2012Kung inaakala ng lahat na hindi kailanman nakaranas ng love triangle sa tunay na buhay ang isang JOHN LLOYD Cruz, hindi `yon totoo. Inamin ni JOHN LLOYD na pumayag siyang maging third party sa isang relasyon. Nagmahal daw si JOHN LLOYD ng isang babaeng hindi 100% kanya. Meaning, may ibang minamahal ang naturang babae. Nagpakatotoo si JOHN LLOYD nu'ng sabihin niyang nalagay na siya sa love triangle nu'ng kabataan niya. Ikinuwento niya ang hirap na pinagdaanan niya noon. Hindi lang siya nagbanggit ng pangalan ng babae. "Parang pumayag ako na sige, kahit number 2 okey na ako roon." Seryoso si JOHN LLOYD nang sabihin niyang hindi naging madali sa kanya ang magmahal ng taong may mahal na ring iba. "Mahirap. Kasi nawawala 'yung.. hindi naman sa immoral siya. Pero parang dini-dare ka niya to be someone you're not. Kasi 'yun nga, parang masyadong malakas ang nararamdaman mo for that person. It's quite a struggle, definitely. Kasi alam mo na mali. "Pero lagi ko ngang sinasabi na you can't argue with love. So, 'yun. But I found out later on na I was only infatuated. I was really infatuated," sabi pa ng isa sa mga bida sa pelikulang The Mistress ng Star Cinema. Hindi namin alam kung natuto na si JOHN LLOYD sa naging karanasan niya noon, pero kung papansinin wala sa mga naging kasintahan ngayon ng aktor ang may sabit o may ibang karelasyon maliban sa kanya. Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Aug 31, 2012 16:01:35 GMT 8
www.tempo.com.ph/2012/john-takot-mawalan-ng-trabaho/Tempo Aug. 31, 2012Manila, Philippines – NAHIHIYA pa rin si Bea Alonzo kay JOHN LLOYD Cruz kahit matagal na silang magkatrabaho. Minsan naman, feeling niya’y komportableng-komportable siya itong katrabaho. “May malisya ka kasi kaya nahihiya ka sa akin,” joke ni JLC kay Bea noong presscon ng “The Mistress.” JOHN LLOYD and BeaSobrang thankful si Bea kay Lord dahil aniya, one of the greatest gifts Nito’y si JLC. She was 14 years old noong una niyang nakatrabaho ang aktor who was 19 then. Nag-klik ang love team nila at ngayon, nagse-celebrate sila ng kanilang 10th anniversary sa pamamagitan ng “The Mistress” na handog ng Star Cinema. “Hindi ko maintindihan na meron kaming chemistry. Siguro, nakakatulong ’yung sense of familiarity namin sa isa’t isa,” wika ni Bea. “At saka ’yung sincerity ng love team namin. Hindi namin pinaasa o binigyan ng ilusyon ang fans namin na kami rin off-camera. Hindi namin hinaluan ng personal relationship. Purely work lang. More often than not, nabubuwag ang tandem. We’re blessed na gumagawa pa rin kami ng pelikula at/o teleserye,” lahad naman ni JLC. Daring roles ever ang kina JLC at Bea sa “The Mistress.” Anang aktor, may mga eksenang nagagawa lang niya kapag si Bea ang kasama niya. Sabi naman ng huli, parating beautiful experience for her working with JLC. “He’s very generous. Kahit hindi niya shot, ibinibigay niya. Hindi pwedeng itapon ang pinagsamahan namin for 10 years. It’s a journey each time we work together. Always exciting. We’re very comfortable with each other.” Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Aug 31, 2012 16:07:09 GMT 8
www.tempo.com.ph/2012/jl-admits-being-other-man/Tempo Aug.30, 2012
JL admits being ‘other man’Manila, Philippines – AMID rumors that he was the reason Angelica Panganican and Derek Ramsay broke up, JOHN LLOYD Cruz made a startling revelation that he had once been the “other man.” JOHN LLOYD Cruz“Ako, at one point, parang pumayag ako na yes, kahit number two lang ako okay na ako,” came his confession at the presscon for “The Mistress,” a movie that reunites him with his favorite screen partner, Bea Alonzo. “I was so much younger. I was in my late twenties noong mangyari ’yon,” he said. “The feeling was too strong at hindi ko ma-contain.” Back then, he was left with no choice but to be at the woman’s mercy. “Wala, siya ’yung nag-take over, wala, pumayag na ako. Nabigkas ko ’yung, ‘Okay lang, kung kailan lang may time. Okay na ako doon,’“ Lloydie shared without revealing the woman’s identity. The subject was brought up in relation to his role in the film; that of a man who got involved with a woman who’s already taken. Her love interest in the film, played by Bea Alonzo, is the mistress of Ronaldo Valdez’ character. The actor related that he was in a very difficult situation then. “Mahirap siya kasi nawawala ‘yung… hindi naman sa imoral siya pero parang dine-dare ka niya to be someone you’re not kasi ‘yun nga, parang masyadong nailabas mo ‘yung nararamdaman mo for that person.“ But the actor realized, albeit belatedly, that “I was only infatuated.“ Another realization came when Lloydie felt that “she deserves (someone) better.“ “She did not deserve to be in that kind of separation. In a way naging instrumental ako na kaya bakit siya nalagay sa ganoong sitwasyon is because hindi ko ginawa kung ano ‘yung tama,“ he explained. Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Sept 2, 2012 12:52:53 GMT 8
www.push.com.ph/features/8349/will-john-lloyd-and-angelica-make-their-relationship-official-soon/Push 9/02/2012 by: Rachelle Siazon
Will JOHN LLOYD and Angelica make their 'relationship' official soon?The entertainment media expected rumored couple JOHN LLOYD Cruz and Angelica Panganiban to make their first official appearance together at the Star Magic ball held at Makati Shangri-la hotel, Saturday, September 1. But they evaded the media's queries by going their separate ways at the red carpet event. JOHN LLOYD arrived first and was quickly ushered in by the Star Magic staff. Asked about if he feels inspired with his newfound love, JOHN LLOYD merely replied that he's happy in terms of his showbiz career and personal life. A few feet away from him was Angelica Panganiban who was accompanied by her good friend Melai Cantiveros. It was Melai who commented that she's happy for Angelica's blooming love life, adding that the latter deserves it. But even though JOHN LLOYD and Angelica made an effort not to be questioned about the real score between them, Push.com.ph still caught them holding hands as they left Shangri-la's Rizal ballroom after the whole Star Magic event. Will they make their rumored relationship official soon? Keep logging on to www.push.com.ph or follow push_mina on Twitter for the latest news about this controversial couple. Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Sept 3, 2012 14:22:46 GMT 8
www.push.com.ph/features/8354/john-lloyd-cruz-ang-tagal-kong-hindi-naging-ganito-kasaya/Push 9/03/2012 12:11 PM by: Bernie Franco
JOHN LLOYD Cruz: ‘Ang tagal kong hindi naging ganito kasaya’ Sa The Buzz kahapon ay nagsalita na si JOHN LLOYD Cruz hinggil sa kontrobersyal na diumano’y relasyon nila ni Angelica Panganiban. Dito ay ipinagtanggol ng aktor ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Angelica at nagbigay ng kanyang saloobin sa mga kritiko nila ng aktres. Ang mga unang pahayag ng aktor ay bilang sagot sa mga taong wala umanong pakundangan sa pagbibigay ng opinyon nila hinggil sa kanila ni Angelica. “Nakakatawa minsan kapag nakakarinig ka sa ibang tao, as if alam nila kung ano ang pinagdadaanan mo, pinagdadaanan n’yo. All out, give na give ang pagbibigay ng komento, ng opinyon hanggang sa punto na kung ano ang perception nila, ang opinyon nila, unti-unti nabubuo, ‘yun na ang totoo sa kanila, nakakatawa lang. Nakakatawa na minsan nakakairita, minsan nakakapikon, but mostly nakakatawa,” ani JOHN LLOYD. Ipinaalala ni JOHN LLOYD na ang pagbibigay ng opinyon ay nakakaapekto sa mga nakakarinig hanggang sa hindi na ito makontrol at tuluyan nang kumalat. Dapat din daw isaisip ng mga tao na, “In the end you have to realize na hindi ito parte ng mga buhay ng mga taong ito. Ano ang alam n’yo para makapagbuo kayo, para makapagkalat kayo ng opinyon n’yo? Nakakatawa lang.” Nauunawaan daw ni JOHN LLOYD na lahat naman ay may layang magbigay ng opinyon pero kailangan din ay malaman ng mga tao kung hanggang saan ang kanilang limitasyon. “Sometimes we forget na oo nga pala, wala pala ako dun. Wala pala ako dun sa relasyon nila. Wala pala ako sa buhay nila. Hindi ko talaga alam kung ano’ng tunay na nangyari. Kasi feeling ko parang ‘yung ibang tao they have to be reminded (na) dahan-dahan lang po sa pagbibigay ng opinyon. Unang-una wala naman kayo do’n and ako isa sa mga natutunan ko, pagkatapos kong na-realize ‘yon. ‘Yung sa akin mismo naging maingat akong magbigay ng opinyon tungkol sa ibang tao. Naging maingat akong magbigay ng komento, especially judgment. Ang tao ang bilis magbigay ng judgment. Dahan-dahan lang. Ang totoo kasi wala ka namang pinanghahawakan.” Pagpapatuloy pa ni JOHN LLOYD mahilig daw kasi ang mga Pilipino na pag-usapan at halungkatin ang buhay ng ibang tao at nakapagbibigay sila ng mga komento at opinyon na madaling paniwalaan ng iba na maaaring hindi naman totoo. “Ang tingin ko sa Pinoy, kung ano pini-feed mo, i-feed mo nang i-feed, nababasa nila everyday, ‘yun ang papaniwalaan nila,” paliwanag niya. Naging kontrobersyal ang Instagram photos na naipaskil nina JOHN LLOYD at Angelica na tila pag-amin nila na may namamagitan nga sa kanila. Sa pahayag ni JOHN LLOYD tila ipinapaalam niya na masaya siya sa piling ni Angelica subalit ayaw niya itong kwestiyunin ng iba dahil sa may pelikula siyang ilalabas. “Ang pinanggagalingan ko, for something this special ayoko itong isabay sa promo ng pelikula ko, it deserves a better timing. Hindi naman tanga ang mga manonood. Opo wala po akong sinasabing iba, ang sa akin lang, ‘yung sa amin gusto kong bigyan ng pagpapahalaga. Ang tingin ko karapat-dapat para sa amin. Pangit kasing sasabay pa namin dito, sasabay pa namin sa Star Magic Ball. Tsaka respeto rin para sa celebration para sa ika-10 taon namin ni Bea (Alonzo), may kanya-kanyang timing. Nang tanungin siya nang direkta ni Boy Abunda kung masaya ba siya ang nakangiting sagot ni JOHN LLOYD, “Ang tagal kong hindi naging ganito kasaya, ang tagal-tagal.” Attachments:
|
|
|
Post by mhie on Sept 3, 2012 14:27:34 GMT 8
www.philstar.com/Article.aspx?articleId=844674&publicationSubCategoryId=96Pilipino Star Ngayon SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda
JOHN LLOYD tumigil ang mundo kay Angelica Kamakailan ay naging kontrobersiyal ang mga larawang nai-post sa Instagram na larawan ni Angelica Panganiban na nag-uugnay sa kanila ni JOHN LLOYD Cruz. Hindi direktang sinagot noon ng aktres ang isyu tungkol sa espesyal na namamagitan sa kanila ni JOHN LLOYD. Kahapon sa The Buzz ay hinarap naman ng aktor ang tungkol sa kanila ni Angelica. “Wow! Tumigil ang mundo ko. Ang pinanggagalingan ko lang, for something this special, itong sa amin ni Angel, hindi sa umiiwas ako, hindi sa ayoko siyang pag-usapan, never kong gugustuhin na maramdaman niya ’yun. Na ako’y ’di ko siya pina-prioritize. It’s just that ang pinanggagalingan ko, for something this special, ayoko ’tong isabay sa promo ng pelikula ko. It deserves a better timing. Hindi naman tanga ang mga manonood. Wala po akong sinasabing iba, ang sa akin lang ay ’yung sa amin gusto kong bigyan ng pagpapahalaga, na ang tingin ko ay karapat-dapat para roon sa amin. So, ’yun lang ang pinanggagalingan ko. “Pangit kasing isasabay pa namin dito, isasabay pa namin sa Star Magic Ball. ’Yun lang ’yung sa akin saka respeto rin. Respeto para roon sa celebration ng sampung taon namin ni Bea. May kanya-kanyang timing ang lahat. “Isa sa pinakamaganda about this relationship, sa amin ni Angel, ang maganda rito is kaya namin. Naiintindihan namin kung nasaan kami. Kung saan namin ipo-posisyon ’yung sarili namin. Para bang walang takot to do everything today because tomorrow hindi natin alam kung meron pang tomorrow. May nag-e-exist na paniniwala na you do what yo have today. I’ll do what I have to do today. We have the rest of our lives,” makahulugang pahayag ni JOHN LLOYD. Aminado rin ang aktor na masaya talaga siya ngayon sa kanyang buhay. “Ang tagal kong hindi naging ganito kasaya. Tagal, tagal,” giit ng binata. Nagbigay rin ng reaksiyon si Angelica sa mga naging pahayag ni JOHN LLOYD tungkol sa kanilang dalawa. “Feeling ko ako si Sarah Geronimo sa A Very Special Love,” maikling pahayag ng aktres. Samantala, sa Sept. 12 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang reunion movie nina JOHN LLOYD at Bea Alonzo na The Mistress. Ang nasabing pelikula ay bahagi ng selebrasyon ng ika-sampung taong anibersaryo nina JOHN LLOYD at Bea.
|
|
|
Post by mhie on Sept 6, 2012 11:34:01 GMT 8
www.push.com.ph/features/8370/john-lloyd-cruz-explains-why-he-never-pursued-a-romance-with-bea-alonzo/Push 9/06/2012 by: Rachelle Siazon
JOHN LLOYD Cruz explains why he never pursued a romance with Bea AlonzoMismong si JOHN LLOYD Cruz ang nagsabing nagkaroon siya ng romantic feelings para kay Bea Alonzo noon. Pero tila hindi lang talaga pinagtugma ng pagkakataon na lumalim pa sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon. “Hindi umabot sa ganon. I can only speak for myself. Sa loob ng sampung taon napakasinungaling ko naman kung sasabihin ko na at one point hindi ko siya nagustuhan. Hindi ko lang pinursue. It just didn’t happen,” paliwanag ng aktor. Kinulit ng press si JOHN LLOYD kung bakit hindi niya niligawan si Bea. Hindi kaya dahil nailang lang siya o kaya naman ay hindi available ang aktres noon? “Maraming factors. I really wanted to protect the tandem. Pwede natin sabihin yun. Pero alam naman natin, katulad ng palagi kong sinasabi, na love chooses you. Wala kang ibang magagawa but to surrender. So siguro, to be really honest about it, it just didn’t happen for us. Or hindi pa nangyayari.” Hindi kasi maipaliwanag kung bakit nag-click ang love team nila kahit na alam ng tao na hindi naman sila in love sa isa’t isa. Pero ayon kay JOHN LLOYD, mas nagustuhan ng audience na hindi nila kinailangang gumawa ng gimik o kung ano pa man para lang suportahan sila. “Ang daming pwedeng sabihin. Pero sa loob ng sampung taon naging honest kami sa audience namin. Right now, hindi dahil may movie kaming ipapalabas, idya-justify namin bakit hindi naging kami. There's no other way to put it kung hindi pa siya nangyayari because mahirap magsalita ng tapos.” Hindi rin naging madamot si JOHN LLOYD sa papuri niya sa acting ni Bea sa pelikula nilang The Mistress. “Physically kitang-kita ninyo naman ang pagbabago sa kanya. Bukod dun, yung proseso niya bilang aktor, ibang iba. She has matured. She's hypersensitive. Ang bilis niya maapektuhan, ang bilis niya makaapekto. Ang galing niya umatake ng eksena. After our last movie Miss You Like Crazy, ang dami namin ma-i-offer sa isa’t isa. Kaya natutuwa ako sa collaboration naming ito.” Natawa naman si JOHN LLOYD sa hiling ni Bea na two-carat diamond earrings ang iregalo niya sa birthday nito sa October 8. Natatawa pa niyang ipinaliwanag kay Bea, “Ang mga jewelry, Bea, importante ito, makinig ka. Ang mga jewelry kapag ibinibigay ng isang lalaki sa isang babae, napaka-intimate nun. Sign of intimacy yun.” Hirit pa ni Bea, kahit hindi na raw magregalo sa kanya si JOHN LLOYD for the next ten years basta ibili siya nito ng earrings. Naiiling na natatawang sagot ni JOHN LLOYD, “Sinabi mo ‘yan ha?” Attachments:
|
|