fr pep.ph -- www.pep.ph/news/22892/John-Lloyd-Cruz-renews-friendship-with-ex-girlfriend-Liz-Uy
PEP
Rose Garcia
August 20, 2009
JOHN LLOYD Cruz renews friendship with ex-girlfriend Liz Uy Isang bonggang launching cum fashion show ang ginanap sa Skydome sa SM North EDSA kagabi, August 18, para sa pinakabagong celebrity endorser ng Joel Cruz Signatures. Ito ay walang iba kundi ang Box-Office King na si JOHN LLOYD Cruz.
First perfume endorsement ni JOHN LLOYD ito, kaya naman natutuwa siya't natupad, sa wakas, ang matagal na nilang pinag-uusapan ng mismong may-ari nito na si Joel Cruz.
"I'm very happy na finally nai-launch na 'ko at member na naman ako ng isang pamilya ng isang produktong talagang excited ako na gumawa ng collaboration, with Mr. Joel Cruz at yung buong team niya. Kasi, kakaiba rin naman 'to dahil scent naman, di ba?" pahayag ni JOHN LLOYD sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.
GOING OUT WITH LIZ AGAIN. Pagkatapos ng fashion show ay nagkaroon ng pagkakataon ang entertainment press na kausapin si JOHN LLOYD. Siyempre, ang kalagayan ng kanyang buhay pag-ibig ang naging paboritong paksa.
Ang unang inusisa sa aktor ay ang napabalitang lumabas daw sila recently ng kanyang ex-girlfriend na si Liz Uy.
"Alam n'yo, kami naman ni Liz, matagal na kaming hindi nagkita magmula noong mag-Europe siya kasama sila Anne [Curtis]. Siguro thrice na kaming nagkita, tatlong beses na kaming nagkita, and hindi naman nawawala ang communication namin," pahayag ni JOHN LLOYD.
Tinanong ng PEP si JOHN LLOYD kung sa mga pagkikita ba nila ni Liz ay nandoon ang attempt na ibalik muli ang kanilang relasyon?
"Nagkikita kami as friends," sagot niya. "Hindi naman nawala yun, e. Until now, kung meron kaming... well, in every relationship naman, natatapos lahat, napuputol lahat, pero umaasa ka na sana, huwag mawala yung friendship."
May intensiyon pa ba siyang magkabalikan sila o baka naman nagkabalikan na nga sila?
"Kung meron man kaming wino-workout at this point, yun lang yung gusto naming ma-preserve—yung friendship," paglilinaw ng aktor.
Itinanggi rin ni JOHN LLOYD na nililigawan niya ulit si Liz. Pero hindi naman daw niya kayang panghawakan kung ano ang puwedeng mangyari sa future.
"Puwede kong sabihin ngayon na wala na, wala nang chance. Pero sino ako para magsalita at sino ako para malaman kung ano ang mangyayari bukas? Ang masasagot ko lang at maise-share ko lang, yung nangyayari ngayon.
"Ngayon, ang nangyayari po, kaming dalawa ay buhay na buhay ang communication. At kung puwede siya at puwede ako, we get together. Ang dami niyang kuwento, ako, ang dami ko ring kuwento. So, ganoon lang—yung ginagawa ng mga dating magkasintahan na sinusubukang maging magkaibigan ngayon," sabi ni JOHN LLOYD.
HIS EX-GIRLFRIEND'S NEW SUITOR? Nali-link ngayon si Liz sa kapatid ni LJ Moreno na si Francis Ricafort, isang model-actor. Naikukuwento ba ito ni Liz kay JOHN LLOYD at nanliligaw nga ba si Francis sa kanyang ex-girlfriend?
"Huwag n'yo akong tanungin," iwas niya. "Kasi siyempre, ang sinasabi niya lang... well, ang hirap kasi hindi naman ako siya. I cannot speak for them. Pero ang alam ko lang, they are good friends. They became good friends."
May selos factor ba?
"E, kasi, pinapangunahan natin ng ano... Hindi kasi, hindi naman natin alam kung nagliligawan. Ako, alam ko na magkaibigan sila. Mabuting magkaibigan. So, di ba, yun lang ang alam ko at magre-react lang ako sa mga bagay na alam ko."
SINGLE JOHN LLOYD. Natawa naman si JOHN LLOYD nang hingan ng reaction sa isang survey na ang lumabas raw ay mas gusto ng mga tao na single siya kaysa may karelasyon.
"Ang taong-bayan ay nagsalita na! JOHN LLOYD Cruz, maging single ka!" natatawang biro ng aktor.
"Pero alam n'yo," patuloy niya, "I'd like it better kung ang mangyayari, e, kung saan ako magiging masaya, doon ako mapunta. Kung magiging masaya ako bilang single, then doon ako mapupunta, hopefully.