|
Post by mhie on Feb 14, 2009 23:43:25 GMT 8
SARAH ADMITS CRUSH ON JOHN LLOYD
SARAH Geronimo is a strong contender for the box-office queen title this year. If remembered, her movie, "A Very Special Love" with JOHN LLOYD Cruz was a mammoth hit. Is she expecting to bag the crown? “Actually, if ever I will be proclaimed box-office queen, it will just be a bonus. I’m already happy that my first movie with Lloydie was warmly accepted by the viewers. What’s important is that they liked the story. For me, I will respect who will be picked for the title,” says the singer-actress. Until now, many are curious to know how she handles the sentiments of the JOHN LLOYD-Bea Alonzo fans especially now that they have a follow-up project titled You Changed My Life In A Moment. “I know that they will understand that all these boil down to one thing: work. I’m sure Bea also understands because it will also be the case if she gets to work with other actors.” During the filming of You Changed My Life In A Moment, the talented lass admits she had a “crush” on her leading man. “Who wouldn’t in the first place? I got to know JOHN LLOYD better. He’s so kind, easy to deal with, professional and of course, good-looking. I’m praying hard that the public will support our second project like what they did to AVSL,” Sarah quips.
|
|
|
Post by mhie on Feb 15, 2009 1:47:12 GMT 8
Journal.com.ph
Buhay ni JOHN LLOYD Cruz binago ni Sarah Geronimo By: Leo M. Bukas FOOTLOOSE
KAHIT ipapalabas na sa Feb. 25 angYou Changed My Life nina Sarah Geronimo at JOHN LLOYD Cruz under Star Cinema na sequel ng A Very Special Love, may few remaining shooting days pa raw na natitira si Direk Cathy Garcia-Molina. Hindi rin makapagpa-presscon ang Star Cinema para sa dalawang bida dahil hirap silang kumuha ng schedule especially kay JOHN LLOYD na nagte-taping ng I Love Betty La Fea. Hopefully, matuloy na ang presscon ng dalawa sa Feb. 17, eight days be-fore the showing. Sa nakakikilig na music video lang muna nagre-rely ngayon ang Star Cinema kung paano tatanggapin ng publiko ang balik-tambalan nina JOHN LLOYD at Sarah. At base sa feedback, mukhang madu-duplicate nito ang first hit nilang A Very Special Love. “Nando’n pa rin ta-aga ‘yong kilig at magic ng kanilang tandem. Kitang-kita ‘yon sa screen. Ang lakas talaga ng dating nina JOHN LLOYD at Sarah,” pahayag sa amin ng isang taga-Star Cinema. Aminado naman si JOHN LLOYD sa isa niyang interbyu sa The Buzz na may malaking kaugna-yan si Sarah sa pagbabago ng buhay niya nga-yon. “Si Sarah ay revelation sa buhay ko. Revelation siya sa career ko. Naging blessed in a way ‘yong 2008 ko dahil may isang Sarah na dumating sa ‘kin, sa career ko, sa buhay ko. “Masarap katrabaho si Sarah, eh. Marami siyang io-open sa sistema mo, sa isip mo, sa puso mo. May mga taong puwedeng magpatunay ru’n. And siguro, forever na akong maa-amuse sa isang tulad ni Sarah,” pahayag ni JOHN LLOYD. Sa presscon ng movie, malalaman naman natin kung ano ang magiging reaksyon ni Sarah sa pahayag na ito ni JOHN LLOYD.
|
|
|
Post by mhie on Feb 16, 2009 23:28:14 GMT 8
PILIPINO NGAYON SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Ngayon pa lamang ay inaasahan nang dudumugin ang sequel ng A Very Special Love nina JOHN LLOYD Cruz at Sarah Geronimo, ang You Changed My Life, kahit maiksi pa lang trailer nito ang napapanood at isang music video lamang.
In fact, bitin na bitin na ang mga fans, lalo na yung kay Sarah, na makita kung finally ay umayag na itong magkaroon ng kissing scene. Mag-boyfriend na kasi sila ni Lloydie sa movie at hindi naman siguro realistic kung magyayakapan lang sila at maghahawakan ng kamay sa kabuuan ng pelikula.
Pero, hindi lamang ang movie ang ibinibitin ng Star Cinema para mas lalong maging exciting ito kundi maging ang mga eksena ng dalawang major stars. Kaya kahit next week pa ang showing nito, ang excitement ay lalong nadaragdagan.
Matatandaan na ang A Very Special Love ay walang trailer but only a music video. Kaya naman nasabik ang mga manonood na naging dahilan para panoorin nila ng hindi lamang miminsan ang movie.
May isa nga akong colleague na pinanood ng makailang beses ang movie at each time, ibang boyfriend ang kasama niya.
|
|
|
Post by mhie on Feb 16, 2009 23:30:51 GMT 8
JOURNAL By: Gerry Ocampo
Sarah, JOHN LLOYD bibigyan ng award ng UST students
Kung ang pamunuan ng SM Cinemas ang tatanungin ay si Sarah Geronimo ang Box-Office Queen at hindi si Ai-Ai delas Alas. Katuwiran ng SM management, mas kumikita ang pelikulang pinagtambalan nina Sarah at JOHN LLOYD Cruz kumpara sa movie ni Ai-Ai na ipinalabas sa lahat ng SM Cinemas. Bibigyan ng SM-Cine Expo ng award as Box-Office King and Queen sina Sarah at JOHN LLOYD sa Miyerkules (Feb. 18) sa SMX Convention Center, 3 p.m. Ikinatuwa ng dalawa ang pagkilala sa kanila at tamang-tama dahil may bago silang movie, ang You Changed My Life, na ipalalabas naman sa Feb. 25. Sina Sarah at JOHN LLOYD din ang napisil ng 5th UST Student Choice Awards na bigyan ng parangal sa February 19, 6:30 p.m. sa UST Medicine Auditorium.
|
|
|
Post by mhie on Feb 17, 2009 23:07:10 GMT 8
ABANTE REY PUMALOY
Sarah, kinilig sa halik ni JOHN LLOYD!
IPINAGDIINAN ni JOHN LLOYD Cruz na walang naging problema sa pagitan nila ng nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine, dahil sa madalas na pagnakaw raw niya ng halik sa dalaga.
Ayon kay JOHN LLOYD, kung ano raw ang ginagawa niya kay Sarah sa harap ng kamera ay aprubado `yon ng direktor at ng magulang ni Sarah, o kahit ni Sarah.
“Hindi ako gumagawa ng mga bagay na ikinabibigla na lang siya (Sarah), o ng manager niya, o ng nanay niya. Siyempre, kailangan ko ring protektahan, hindi lang ang image ko, kundi ‘yung salita ko na puprotektrahan ko siya.
“Kapag sinabi kong aalagaan kita, aalagaan kita. So, lahat ng gagawin ko, ‘yung napag-usapan, ‘yun lang ang ginagawa ko. So, kung ano man `yung nagawa ko sa You Changed My Life kay Sarah, na paghalik sa arms niya, alam niya ‘yon,” paliwanag ni JOHN LLOYD.
Sa naturang kiss nga ni JOHN LLOYD sa braso ni Sarah ay kitang-kita na nagulat ang dalaga, pero rumehistro rin sa kanyang mukha na nakiliti at kinilig din siya sa ginawa ni JOHN LLOYD.
At sure ako, na marami rin ang makikiliti sa mga halik na ‘yon ni JOHN LLOYD sa braso ni Sarah.
Anyway, iginiit nga rin ni JOHN LLOYD na kahit sa unang movie nila ni Sarah ay hindi niya ito ninakawan ng halik.
“Walang ganun! Magaling lang talagang umarte si Sarah,” sabi pa ni JOHN LLOYD.
Giit pa rin ni JOHN LLOYD, kahit kailan ay hindi magagalit sa kanya ang magulang ni Sarah, dahil nirerespeto raw niya si Sarah.
|
|
|
Post by ELEAU on Feb 18, 2009 0:27:54 GMT 8
Sarah Geronimo caught holding hands with JOHN LLOYD Cruz!Tuesday, February 17, 2009 www.sassyqarla.com/2009/02/sarah-geronimo-caught-holding-hands.htmlIn days time, the fans will get the chance to watch the much anticipated sequel of A Very Special Love entitled, You Changed my Life. A lot of critics are saying that this movie will surely hit the box office list because of another good storyline and casting. Sarah Geronimo and JOHN LLOYD Cruz are so excited with the movie. In fact, the two are always together to promote their newest movie. A report coming from one of our sources, caught the two holding each others hand while promoting the film. What's new with the report? Well, none of this happened during their first movie, A Very Special Love. Even the kissing scene from the script, Sarah's camp turned down that part because they are protecting the "sweet" image of the pop princess then. But things have changed as reports of kissing scene to the max will happen in You Changed my Life. Let's see if there are really kissing scenes in the movie, we don't want our readers to expect some smacking and ending up frustrated without seeing any. As far as we know, Sarah is now ready to do more "mature" scene for the benefit of beautification of any of her movies. By the way, the much anticipated premiere night of You Changed My Life will be on February 24, 2009 at SM Megamall Cinemas 9 and 10.
|
|
|
Post by mhie on Feb 18, 2009 22:58:46 GMT 8
JOURNAL Hot 'n Spicy By: Vinia Vivar
Nagkaroon ng first grand presscon kahapon ang You Changed My Life, sequel ng A Very Special Love starring JOHN LLOYD Cruz and Sarah Geronimo, at feel na feel pa rin sa kapaligiran ang success ng AVSL, lalo pa nga’t tinapos ang event sa pamamagitan ng pagbibigay ng recognition sa dalawang lead stars bilang Box-Office King and Queen of 2008 ng SM Cinema. Bukod dito, sa darating na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, sinasabing almost sure na ang pagkakapanalo ni Sarah bilang Box-Office Queen ng 2008. Hindi kaila sa lahat na super box-office hit ang first team-up nina Lloydie at Sarah at breaking the record ang kinita nito sa takilya na almost P200M. Sa presscon, inamin ni Lloydie na ayaw niya sanang magkaroon ng sequel dahil may fear siya na baka hindi na ito maging ganu’n kasing-successful. “Ang sequel, kung hindi mo malalampasan ang naabot nu’ng una, eh, dapat mapantayan n’yo. ’Yung sa amin, hindi namin alam kung saan nanggaling ang suwerte, alam n’yo ’yun, ’yung blessing ng isang team-up na walang foundation kundi isang episode ng Maalaala Mo Kaya, isang formula na matagal nang gamit, tapos ganu’n kalaki ’yung success na dinanas ng pelikula. “So, I’m just staying hopeful and positive about it na kung hindi man malampasan, sana, maabot din namin ang naabot ng A Very Special Love or kung hindi man, you know, at the end of all these, gusto ko lang maramdaman na kung hindi man naabot ’yung gusto naming gross, at least, maganda naman ’yung pelikulang mai-u-offer namin. Du’n, wala akong talo ru’n,” say ni Lloydie. Kinukulit din sa presscon ang dalawang bida, gayundin ang director na si Cathy Garcia-Molina, kung pinayagan na ba si Sarah na makipag-kissing scene. May kissing scene raw, pero panoorin na lang para hindi ma-preempt. Showing na sa Feb. 25 ang You Changed My Life at kasama rin dito sina Rayver Cruz, Rowell Santiago, Dante Rivero, Irma Adlawan at Al Tantay.
|
|
|
Post by mhie on Feb 18, 2009 23:13:46 GMT 8
ABANTE ROSE GARCIA
SIGURADO raw na pag-uusapan ang unang kissing scene nina JOHN LLOYD Cruz at Sarah Geronimo ngayon sa You Changed My Life. Sa unang movie kasi nila ay hindi nahalikan ni JOHN LLOYD si Sarah. Pero, ayaw i-reveal nina JOHN LLOYD at Sarah ang kissing scene nila. Pero, meron daw, pero ayaw nilang sabihin kung paano nila ginawa. “I’m not saying na walang halik. Pero kung paano namin nagawa at ipinakita sa big screen, mas magandang panoorin na lang nila. Kasi, ayoko namang maging spoiler,” sabi ni JOHN LLOYD. Baka naman daya lang ang halikan nila? “Ako, dinaya ko. Pero, tinotoo yata niya (Sarah)! Ha! Ha! Ha! Ha!” Pero, ano ba ang feeling niya na pinagkatiwalaan siya nina Sarah at Mommy Divine sa halikan? “Alam niyo, kahit naman sinong magulang, puwede naman nila kong pagkatiwalaan. Kahit sinong makasama ko, they can rest assured na iingatan ko ang anak nila. Iingatan ko ang babae. Ewan ko? Tanungin niyo sila.” Marami nga ang ginulat nina JOHN LLOYD at Sarah sa kanilang chemistry. Sa palagay ba ni JOHN LLOYD ay malayong mauwi sa totohanan ang chemistry nila on-screen? “Alam niyo, mahirap magsalita. Kasi, hindi mo naman masasabi kung ano ang puwedeng mangyari sa makalawa, sa isang buwan, sa isang taon. “Ang alam ko lang, ang isang babaeng katulad ni Sarah, hindi siya mahirap magustuhan, hindi siya mahirap mahalin. “For that matter alone, hindi mo puwedeng sabihin na ‘yung mangyari sa ‘yo, hindi puwedeng mangyari sa ibang lalaki. At ‘yung nangyayari sa ibang lalaki, hindi puwedeng mangyari sa ‘yo. So, ayokong magsalita ng patapos.” May nagpadala raw ng bulaklak kay Sarah noong Valentine’s day, pero from someone raw na hindi pa nakikilala ni Sarah. On his part, hindi ba niya naisip na padalhan din ng bulaklak or any Valentine’s gift si Sarah lalo pa nga at leading lady naman niya ito ngayon? “Ayaw mo lang mag-cause ng insecurity kahit kaninong tao, kahit sa mga kaibigan mo.” Magseselos ba ang girlfriend niyang si Liz Uy kung gagawin niya ‘yon? “I actually wouldn’t know. Hindi naman siya ‘yung type na… But well, teka lang, kung sakali, babae, bibigyan mo ng ano, baka naman ‘no! Miski naman ako, kung babae ako tapos ‘yung boyfriend ko, ganu’n. “Ayoko na lang mag-cause ng hindi maganda. And I don’t think she will appreciate the idea. You have a girlfriend and then, hindi maganda.” Kinumpirma ni JOHN LLOYD na hindi raw talaga sila magkasama ni Liz noong Valentine’s day. Nasa Hong Kong daw ang girlfriend kasama ang mga kaibigan habang siya naman ay nagte-taping. “Ganoon talaga. Wala, eh. Siguro, post celebration,” say na lang ni JOHN LLOYD. Sa mismong presscon nga pala ay iginawad na kina JOHN LLOYD at Sarah ang titulong SM Box Office King & Queen at sila rin ang itinanghal ng UST Awards as Best Actor and Best Actress for their mo- vie A Very Special Love. Mas may pressure ba sa kanila ngayon? “Well, you can say that. Pero ako kasi, ‘yun ang reason kung bakit ayokong magkaroon ng sequel ang first movie namin. If hindi mahigitan, mapantayan man lang sana. “‘Yung sa amin ni Sarah, wala kang masasabing foundation, pero, ganoong success ang inabot ng pelikula. “Sana kung hindi man mahigitan, kahit na mapantayan man lang. Kung hindi pa rin maabot, at least, masasabi naming maganda ang pelikulang maibibigay namin, sa akin, okey pa rin ‘yun.” Kung may nabago man daw si Sarah kay JOHN LLOYD, ito ay ang pagi- ging masayahin na niya ngayon. “Mas naging masigla ako. Meron yatang ganoong effect si Sarah sa tao. Nahahawa ka. Contagious ang kanyang personality. Eh, ako pa naman, kapag masaya ako, parang lahat ng tao, gusto mong ilibre. At kung matitigil man ang aming partnership, siguro ‘yun ang mami-miss ko. Hahanapin mo ang pre-sence niya,” say na lang ni JOHN LLOYD.
|
|
|
Post by mhie on Feb 18, 2009 23:45:06 GMT 8
ABANTE TONITE ALLAN DIONES
Sa A Very Special Love ay ninakawan lang siya ng halik ni JOHN LLOYD. Tsika ni Sarah, sa You Changed My Life ay marami silang kissing scenes. Kaya lang ay mukhang pati ang mga paghalik-halik ni Lloydie sa braso niya ay binibilang niya as ‘kissing scenes.’ “Di ba, kiss naman po ‘yon? Ha! Ha! Ha!’ tawa niya. Nang sabihin namin na bilang magsyota na sila sa movie ay hindi makatotohanan na wala silang halikan, biglang napa-“Opo!” si Sarah, sabay hirit ng, “Basta, panoorin n’yo na lang po, makikita n’yo!” Si JOHN LLOYD na lang ang inusisa namin tungkol sa kissing scenes, pero mukhang ayaw ring i-reveal ni Lloydie kung anong klaseng halikan ang ginawa nila ni Sarah. “Tingnan natin, kasi ‘yun ‘yung magic ng pelikula eh, ‘di ba? Ayaw naming ibigay sa inyo lahat ngayon. Panoorin po natin, tingnan po natin and gusto kong marinig mula sa inyo… “Kasi, parang ‘yun agad ‘yung hinahanap, eh! Parang ‘yun lang ‘yung tanging manifestation ng pagiging effective ng pelikula. Huwag naman! “Kasi, ang dami pa namang ibang factors. Ang dami pa naming ibang maibibigay bukod doon sa halikan. “But I’m not saying din na walang halikan. Kung paano namin siya nagawa at naipakita sa big screen, ‘yun ‘yon, eh!” sambit ni JLC. So, paano nga niya ide-describe ang kissing scene nila? “Ako, dinaya ko. Pero tinotoo niya (Sarah) yata, eh!” Sundot ni Sarah, “Ha! Ha! Ha! Ikaw talaga!”
|
|
|
Post by ELEAU on Feb 19, 2009 17:48:12 GMT 8
JOHN LLOYD nilinaw ang kissing issue with Sarah, Luis Manzano By: Tonee Coraza
MUKHANG sinadya ng Star Cinema na maipalabas na ang When I Met U ng GMA Films bago sila nagpa-presscon ng kanilang post-Valentine movie na You Changed My Life para hindi mahati ang publicity.
Anyway para sa amin ay sure winner na ito sa box-office at ang fearless forecast namin ay mas hihigitan nito ang kinita ng unang tambalan nina JOHN LLOYD Cruz at Sarah Geronimo na A Very Special Love.
Bakit kamo, kasi dito na ipapakita ang first-ever screen kiss ni Sarah. May tsika nga na su-mama ang loob ni Mommy Divine kay JOHN LLOYD dahil itinuloy na nito ang paglapat sa mga labi ni Sarah.
Meaning wala na itong daya this time and this is for real.
Thats not true, ha? Okey kami ni Mommy Divine. Alam niyang i-nalagaan ko yong kissing scene namin ni Sarah. Kung ano lang ang pinag-usapan sa eksena, yon lang ang ginawa ko. I didnt take advantage and I didnt step out of boundaries, kuwento ni JOHN LLOYD nang makausap namin.
Ang ganda nga ng pagka-execute ng kis-sing scene ni Direk Ca-thy. Kaabang-abang talaga to! aniya pa.
Napunta ang usapan sa isang kissing scene na kailangan naman ni-yang gawin with Luis Manzano sa pelikulang gagawin nila nina Ate Vi sa New York.
Anong klaseng pre-paration naman ang ga-gawin niya dito?
Its not something you really have to prepare for. Kasi kahit anong internalization ang gawin ko, the fact is lalaki pa rin ang magi-ging kahalikan ko. I will just remind myself that Im on-ly potraying a role.
Napanood ko yong Brokeback Mountain. And it made me cry. Hindi ko sila nakita bilang dalawang lalaki. Nakita ko sila bilang dalawang taong nagmamahalan nang lubos sa isat isa. Nakita ko yong puso nila. Hopefully, ganito rin ang maging effect naming dalawa ni Luis sa mga manonood, pahayag pa ni Lloydie.
|
|