|
Post by anajasdel on Nov 13, 2008 18:41:23 GMT 8
|
|
|
Post by anajasdel on Nov 13, 2008 18:43:01 GMT 8
|
|
|
Post by anajasdel on Nov 13, 2008 18:48:58 GMT 8
Joe Barrameda Abante Tonite Nov 10,2008
Hindi kami mahilig manood ng mga concert at bihira kaming sumama sa mga kaibigang nagyayaya sa mga ganitong palabas. Pero dahil sa magandang feedback na natanggap namin tungkol sa mall shows ni Sarah Geronimo sa California, naengganyo kaming panoorin ang malaking concert niya noong Sabado sa Araneta Coliseum. Namangha kami sa galing ni Sarah na dumadagundong ang lakas ng boses sa Big Dome. Ang mga bisita niyang artista na sina Rayver Cruz, Maja Salvador at Shaina Magdayao ay nagpakitang-gilas sa pagsasayaw. Hindi na bago ang pagpapakitang gilas ni Billy Crawford dahil ilang bese na naming narinig ang inawit niya. Pinahanga kami ni Jed Madela na napaka-powerful niyang boses. Ang revelation sa amin ay si JOHN LLOYD Cruz na special guest ni Sarah. Medyo nabo-bore na kami at inaantok nang pumasok si Lloydie. Nawala ang antok namin. Ang galing-galing talaga ng tamablan nila. Biro ninyo, napakanta ni Sarah si Lloydie sa Araneta Coliseum?! Hindi magkamayaw ang mga tao sa Araneta habang nasa entablado si Lloydie. Nagtagumpay ang tambalan nila sa pelikulang A Very Special Love na nag-akyat ng milyones sa kaban ng Viva Films at Star Cinema. Naiwan na si Bea Alonzo sa tambalang Sarah-JOHN LLOYD. Kahit hindi propesyonal na singer si JOHN LLOYD ay ayaw tumigil ng mga taong nagchi-cheer sa kanya. Bagay na bagay talaga sila ni Sarah. Kaya naman may panibagong pelikulang gagawin ang dalawa. Matagal na naming nakakasama si Lloydie pero ngayon lang namin siya napanood na kumakanta nang solo at nabuo ang awit, huh?! May pasayaw-sayaw pa ang award-winning actor! Sa mga show kasi sa Amerika noon ay dinadaan na lang niya sa pagbibiro ang mga number niya. Pero sa Araneta, live with a band pa. Nakakaloka! Pinahanga mo kami, my friend.
|
|
|
Post by anajasdel on Nov 13, 2008 18:49:47 GMT 8
SARAH, UMIWAS SA HALIK NI JOHN LLOYD Allan Diones Abante Tonite Nov 10,2008
PUNO ang Araneta Coli*seum sa The Next One concert ni Sarah Gero*nimo nu’ng Sabado nang gabi. Sa dami ng bumili ng tiket ay sa lower box section na pinaupo ang invi*ted press kahit sanay kami na palaging sa patron section ang puwesto namin. 9:00 PM nag-start ang show, na nag-piano si Sa*rah habang umaawit ng Forever’s Not Enough. Panay ang tili ng fans hanggang sa second song niyang How Could You Say You Love Me? Nasa may gilid ng patron section ang avid fans ni Sarah na kung tawagin ay Popsters. May hawak silang banners at ang ganda nilang pagmasdan sa dilim dahil sa iwinawagayway nilang kumukuti-kutitap na ilaw. Hiyawan ang crowd nang umentra si Rayver Cruz (na natsitsismis na ‘secret crush’ ni Sarah) at humataw ng sayaw. Bukod sa matangkad at guwaping ay magaling na dancer si Rayver. Ang lakas din ng ti*lian nang sumama sa sa*yawan sina Maja Salvador at Shaina Magdayao. Kapagkuwan ay naki-join na sa kanila si Sa*rah habang nagsi-sing and dance ng When I Grow Up (ng Pussycat Dolls). Seksi-seksihan ang Pop Princess sa kanyang sleeveless top at in fairness ay nakipagsabayan siya ng hatawan kina Maja, Sarah at Rayver. After ng isa pang upbeat number kasama ng G-Force dancers ay nagpasalamat ang 20-anyos na diva sa audience. Aniya, third time na niya ‘yon sa Araneta, pero hindi pa rin nagsasawa ang mga tao sa kanya. Limang taon pa lang daw siya sa showbiz, pero damang-dama niya ang pagmamahal sa kanya ng publiko. *** Pagkakanta ni Sarah ng hit song niyang Ikaw ay tinawag niya si Jed Madela na umawit ng birit-biritang version ng Ikaw Lang Ang Mamahalin. Nag-duet sina Jed at Sarah ng Lobo theme song na Ikaw Ang Aking Pangarap. Taas-taasan din ang version nila ng nasabing Martin Nievera song at tila gustong patunayan ni Jed na ‘diva-divahan’ din ang boses niya. Applauded ang next number ni Sarah na sing siya ng paborito naming emote song ni Christina Aguilera na Hurt. Dati nang maganda ang tinig ni Sarah, pero tila lalo pa itong gumaganda habang nagma-mature siya. Effortless ang pagkakabanat niya ng powerful song ni Christina. Madamdamin ang interpretation ng dalaga kahit sa totoong buhay ay hindi pa niya naranasang mabigo sa pag-ibig. Tilian ulit pag-entra ni Billy Crawford. Nag-duet sila ni Sarah ng Don’t Stop the Music (ni Rihanna). Parang nahiya ang Pop Princess sa mga pa*puri sa kanya ni Billy. “Isa ako sa milyong tagahanga mo, Sarah. You’re awesome. You’re amazing. You’re really the next one. You’re the one!” bulalas ni Billy, na may solo spot pa ng hit song niyang Bright Lights. Kintab-kintaban ang outfit ni Sarah nang awitin niya ang theme song ng 2008 MMFF entry ng Viva Films na Baler. Binati niya ang mga bida ng pelikula na sina Anne Curtis at Jericho Rosales na nasa audience. Ipinakita sa screen ang ilang eksena sa Ba*ler habang kinakanta niya ang Ngayon, Bukas at Kailanman na nilikha ni Louie Ocampo. Kasunod nito ang virtual duet nila ni Ho*wie Dorough ng Backsteet Boys. Nasa giant screen si Howie habang sing sila ni Sarah ng I’ll Be There. Kahit beinte-anyos na ay para pa ring bata si Sarah na panay ang bu*ngisngis at tawa nang tawa. Ang hilig din niyang mag-mimic ng pagsasalita ng iba, na ang tinis ng boses niya at ang sakit sa tenga. *** Ini-intro pa lang niya at hindi pa binabanggit ang pangalan ng next guest niya ay hindi na magkamayaw sa pagtili ang buong Araneta. Lalong naghiyawan nang mag-‘sundance’ siya, sabay awit ng theme song ng blockbuster mo*vie niyang A Very Special Love. Grabe ang response ng mga tao paglabas ni JOHN LLOYD Cruz na kapareha ni Sarah sa nasabing pelikula. May dalang roses si Lloydie, na pak*yut na nagsasayaw-sa*yaw habang kumakanta si Sarah. Ipinakita sa big screen ang nakaupo sa front row na sina KC Concepcion, Luis Manzano at Anne Curtis na tuwang-tuwa kina Sarah at JLC. “Thank you, sir, napadaan ka!” bati ni Sa*rah kay Lloydie, na sinagot nito ng, “Siyempre, ikaw pa? Ang lakas-lakas mo sa akin. Pa-kiss nga!” Natatawang umiwas ang wholesome na dalaga. Hirit pa ni Lloydie, “Bakit ‘pag kinakausap mo ako, ayaw mo akong tingnan? Napapangitan ka ba sa akin?” Kilig-kiligan ang fans sa duet ng dalawa ng Kailan? (ng Smokey Mountain). In fairness ay nagawang nakawan ng halik sa pisngi ni Lloydie si Sarah. Iniwan ni Sarah si JOHN LLOYD mag-isa dahil alam daw niyang gusto nitong mag-concert. “Tonight, a star is born!” dayalog ni Lloydie, sabay awit ng Ngiti (ni Ronnie Liang). In fairness ay matino ang song number niya, kaya tili kung tili ang audience. Binuhay nang husto ni JOHN LLOYD ang Araneta nu’ng gabing ‘yon. Sunod nito ang birit-biritang version ni Sa*rah ng Alone, na plakado sa idolo niyang si Celine Dion. Sey ng young diva, ‘yun na raw yata ang pinakakabadong gabi niya, pero hindi siya pinabayaan ni Lord. “Thank you, Lord!” sambit niya, bago inawit ang final song niyang I Believe I Can Fly. May ilang encore songs pa si Sarah pagkatapos nito. Mga dalawang oras din ang The Next One, na in fairness ay okey naman, pero mas gusto pa rin namin ang dalawang naunang Araneta concerts ni Sarah na The Other Side (2005) at In Motion (2007) na mas maganda ang konsepto at mas pinag-isipan.
|
|
|
Post by leyya on Dec 13, 2008 20:18:25 GMT 8
i have only watched yung part ni JOHN LLOYD sa tno sa youtube. ang galing nilang dalawa ni sarah. sana magkaroon rin sial ng concert dito sa london.
|
|
bperez
Uhm-hmm ... getting pretty serious ...
Posts: 37
|
Post by bperez on May 12, 2009 14:15:37 GMT 8
john loyd and sarah box office king and queen na pinagkaguluhan ng buong mundo ang kanilang movies....pero sna loydie wag mo kalimutan c bei ha
|
|