|
Post by mhie on Sept 8, 2005 13:09:23 GMT 8
hello mare! gusto ko rin mabasa yung letter.. nagtry akong maghanap kung may nagpost nun, pero wala akong nakita here's the postcard from Dubai: To: ANDREW ALVAREZ Manila, Philippines Zip Code 1200
Dear Mots...
Bro, kamote! this is your guapong guapong kuya raffy sino pa! Alam mo mots, wag ka nang magalala sa akin dito sa Dubai. Tandaan mo, ito ang paraan natin para maabot natin ang pangarap natin. Kapag nalulungkot ako mots, at namimiss kita --- oo tutuo mots, namimiss kita --- eh tinitingnan ko na lang ang disyerto at iniisip ko, nasa pampanga lang ako...at malapit sa iyo. Hihintayin ko ang pagdating mo sa September 28.
Magingat ka bro. Kuya Raffypacey, thank you dito
|
|
|
Post by anajasdel on Sept 9, 2005 12:44:42 GMT 8
|
|
|
Post by anajasdel on Sept 9, 2005 12:46:30 GMT 8
|
|
leana818
Online FRIEND ... for keeps
Posts: 1,344
|
Post by leana818 on Sept 9, 2005 13:57:38 GMT 8
thank you anna... thank you pacey for posting the letter...lalong kaka excite thank you mhie for the text re letter... I really appreciate it,di mo talaga ako matiis mare, hehehe love u guys
|
|
ayen
I am a LURKER!
Posts: 3
|
Post by ayen on Sept 10, 2005 1:39:09 GMT 8
hello po...nakakahiya man po na tanongin itong silly queston na ito....[glow=red,2,300]sino po ba c raffy? [/glow]
|
|
leana818
Online FRIEND ... for keeps
Posts: 1,344
|
Post by leana818 on Sept 10, 2005 12:21:00 GMT 8
;)raffy is aga
|
|
|
Post by mhie on Sept 10, 2005 21:29:29 GMT 8
NEL ALEJANDRINO People's Tonight
Bilib si Aga Muhlach sa kooperasyong ibinibigay sa kanya ng bagong produktong ini-endorse niya at ni Charlene Gonzales, ang Solmux Forte, produkto ng Unilab. All-out ang suportang ibinibigay ng kumpanya sa kanyang bagong movie, Dubai, which is opening on September 28 in more than 100 theaters nationwide. Ipalalabas din ang Dubai sa Hawaii, Guam, Milan (Italy), Vienna (Australia) at San Francisco in California. Magkakaroon ito ng premiere sa Dubai at London. When the film had a presscon sa 13th floor ng ELJCC Bldg. kamakailan, numbers of the movie press were given a gift bag full of Solmux products both in liquid and capsule forms. One reporter immediately took a capsule since he was not feeling well. He felt good, he said, after an hour. Bobson, the garment line associated with Aga, also gave some give-away.
***********************
Kung sabagay, nagmistulang nagkaroon ng gift-giving in that particular presscon. Namigay din kasi ng bags ang Secosana which Claudine Barretto naman endorses. Claudine co-stars with Aga in Dubai, together with JOHN LLOYD Cruz. Directed by Rory Quintos, the movie is produced by Star Cinema.
|
|
|
Post by mhie on Sept 12, 2005 6:44:32 GMT 8
JOHN LLOYD nahihiya kay Aga
TATTLE Nel Alejandrino People's TonightMORE than just a story between two brothers and the woman they both love, may kakaibang twist ang kuwento ng Dubai, which is sure to win and touch everyone's heart, according to Ricky Lee and Shaira Mella-Salvador, who co-wrote its story and script. Kuwento ang pelikula ng pinagsama-samang kuwento (at karanasan) ng ating mga kapuwa Pinoy na nagta-trabaho sa Dubai. Dubai stars together for the first time, Aga Muhlach, Claudine Barretto and JOHN LLOYD Cruz. Direction is by Rory Quintos. Ani Malou Santos, managing director ng Star Cinema which produced Dubai: "Promise ko ang pelikulang ito sa mga Pilipinong nagta-trabaho sa Dubai. That's why ipi-premiere namin ang pelikula doon. Makikita ng ating mga kapuwa Pinoy na nagta-trabaho sa Dubai ang kanilang sarili sa pelikulang ito. Kuwento kasi nila ito. Kuwento between a man and a woman na parehong Pinoy na nagkaibigan. Kuwento between two brothers na ang pinanaig ay ang pagmamahal nila sa isa't isa,' susog pa ni Malou. * * * As a brother, said Arlene (Muhlach), elder sister ni Aga. "I just cannot say enough of him. His kindness, especially sa amin ni Albert." Natatandaan ni Arlene na when the three of them were younger, they made a pact. Na kung sino sa kanilang tatlo ang palaring magtagumpay, ipatitikim nito ang kung anumang ginhawang kanyang tinatamasa sa dalawa niyang kapatid." "With Aga, di lang kami ang pinatikim niya ng kanyang magandang kapalaran, kunghindi pati na ang aming pamilya. In my case, my husband, Warren, and daughter, Aliyah." * * * JOHN LLOYD Cruz is the youngest among the three siblings, all boys. Walang sinuman sa kanila ang nag-akalang magtatagumpay siya bilang artista. Both his brothers are currently abroad at nagtatrabaho. Kaya, napunta sa kanyang balikat ang responsibilidad, para alagaan ang kanilang parents. Which JOHN LLOYD doesn't mind. Alam kasi niyang kung kumakayod man sa ibang bansa ang kanyang mga kapatid, ito'y sa dahilang gusto niyang mabigyan ng kinabukasan ang kani-kanilang pamilya. * * * "In Aga," ani JOHN LLOYD, "I found an elder brother. Ang bait niya. Iyon nga lang, he has the tendency to spoil me. Hiyang-hiya tuloy ako. "Sa Dubai, where we were together for almost three weeks, ang dami kong natutunan sa kanya. Tulad ko, di rin palaimik si Aga. But once nagsimula na siyang magkuwento, tuloy na tuloy na. "I'd say I learned a lot from him. Di lang tungkol sa aming propesyon, kung hindi sa personal na buhay din." Of JOHN LLOYD naman, ito ang sabi ni Aga: "Magaling na bata siya. Mabait at masunurin. Nakita ko sa kanya ang bunso kong kapatid na si Albert. Madaling mahalin." Likewise, he also predicts a bright future for JOHN LLOYD in the acting profession. This is the first time that he is working with JOHN LLOYD in a movie. He is impressed with him. In Dubai, he did deliver.
|
|
|
Post by mhie on Sept 15, 2005 6:56:21 GMT 8
BIG NEWS Ian Fariñas People's Tonight Sept. 15, 2005SEPTEMBER 28 na ang playdate ng Star Cinema movie na Dubai, pero bukas, Biyernes, Sept. 16, ay tutulak pa rin patungong Dubai ang lead stars, director at ilang production crew nito para kunan ang isang mahalagang eksena roon. Puwede naman daw sanang dayain na lang ang location ng natitirang scene dito sa 'Pinas, ani Aga Muhlach, pero nanghimasok daw siya sa desisyon at sayang kung ganu'n lang ang gagawin dahil crucial ang eksena sa istorya ng pelikula. For that scene alone, na siyempre'y 'di na inelaborate ng co-star nina Claudine Barretto at JOHN LLOYD Cruz, ay gagastos ang Star Cinema ng P1 million. OA ang figure, 'di ba?! Ganu'n kamahal, pero we're sure 'di ito iindahin ng execs ng naturang film outfit kung sa lalong ikagaganda naman ng proyekto ni direk Rory Quintos ang nasabing halaga. Anyway, ayon pa rin kay Aga, 'di totoong ang problemado ngayong si Claudine ang dahilan kaya 'di pa matapos-tapos ang Dubai. "Tsismis lang 'yon," paglilinaw ng aktor. Maayos daw ang takbo ng trabaho sa set at ni minsan ay 'di nila napag-usapan ang tungkol sa mga isyung kinahaharap ngayon ng aktres. Kabilang na rito ang kasong kinasasangkutan ni Claudine versus Jo-Ann Maglipon, Yes! editor-in-chief and Hi! magazine executive editor at ang anak nitong si Patricia Marcelo. Bukod dito, ayon sa ilang sources, masyado rin daw apektado ang bride-to-be ni Raymart Santiago dahil sa nalathalang sulat ng abogado ng ate nitong si Gretchen kaugnay ng diumano'y "half-truth" nilang pagbabati.
|
|
|
Post by mhie on Sept 15, 2005 7:17:43 GMT 8
BABY TALK Ni Salve V. Asis Ang Pilipino STAR Ngayon 09/15/2005
Hindi si Claudine Barretto ang rason kung bakit hindi pa tapos ang shooting ng Dubai.
Ayon kay Aga Muhlach, ang schedule ng mga artista ang reason kaya hindi agad nila natapos.
Almost five months in the making ang movie.
Pinaganda raw kasi talaga nila at binusisi pati na ang script na 12X nilang ni-revise.
Kaya nga sa Friday, babalik sila ng Dubai para sa isang highlight ng movie. Gagastos ang Star Cinema ng P1Mpara lang sa isang eksena.
In a way, nagkaroon ng creative control si Aga dahil siya ang nakapansin na may ilang puwedeng i-improve sa script na ginawa naman ng writers. "Pag napanood n’yo ang pelikula akala n’yo lang mababaw, pero iba ‘yung mga eksena, iba ‘yung mga characters. Pakiramdam ko, nagawa namin ito ng tama," sabi ni Aga.
|
|