tes
Online FRIEND ... for keeps
alternatibong pinoy rock ito!
Posts: 550
|
Post by tes on May 9, 2005 0:57:15 GMT 8
|
|
|
Post by mhie on May 9, 2005 1:43:00 GMT 8
ABANTE TONITE
JOHN LLOYD at Bea, suporta kay Claudine?Sa kanyang mga teleserye ay pinakabida lagi si Claudine Barretto. Sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Ikaw Ang Lahat Sa Akin, hindi kaya magmukhang support kay Claudine ang loveteam nina JOHN LLOYD Cruz at Bea Alonzo? "Sa establishment ng characters… bawat character… siguro, mahihirapan ang tao na mag-identify agad," pahayag ni JOHN LLOYD nang makausap namin noong Sabado nang hapon sa location nila sa La Grande Villa, QC. "Si Claudine, Claudine na ‘yan…<br> "Hindi ako masyadong conscious kung sino ang bida eversince. Never akong tumingin sa ganu’n. "Ito kasing teleseryeng ito, iba ang atake. Pinag-isipan talaga ito, effortless ang pagpapaiyak, effortless ang pagpapakilig. "Hindi ito ‘yung teleserye na stereotyped ang mga kontrabida." Challenging para kay JOHN LLOYD ang karakter niya sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin. "Wala namang simpleng role sa teleserye. Kung simpleng role, ano ka na? Wala ka nang saysay sa pagiging artista mo," matamang sambit ni JOHN LLOYD.
|
|
|
Post by lotters on May 9, 2005 13:10:17 GMT 8
sa wakas nakita ko na din ang teaser ng IALSA....hehehe ang cute ni LLOYDY...mukhang iyakan na naman ang soap na iyo
|
|
|
Post by natrayple03 on May 10, 2005 4:37:08 GMT 8
super excited na talaga c ako can't wait the kilig moment
|
|
|
Post by mhie on May 10, 2005 7:39:00 GMT 8
Diether at Claudine soulmates na imposibleng maging lovers
PROFILE Butch Roldan Taliba
MAY isang ma-romantikong pagtatapat ang ginawa ni Diether Ocampo kamakailan nang dalawin namin siya sa taping ng kanyang latest teleserye sa ABS-CBN titled Ikaw ang Lahat Sa Akin na pinagbibidahan nila nina Claudine Barretto, Angelika dela Cruz, at JOHN LLOYD Cruz Ayon kay Die-ther, magka-halong inggit at tuwa raw ang na-ramdaman niya nang ma-karating sa kanyang mag-aa-sawa na si Claudine Barretto. Inggit kay Raymart Santiago dahil ito ang mapalad na makakatuwang sa buhay ni Claudine. At tuwa dahil sa wakas ay nakatagpo na raw ng lalaking mamahalin forever si Claudine sa katauhan ni Raymart. "Masuwerte sa isa't isa sina Claudine at Raymart. Kaibigan ko rin naman si Raymart at alam kong responsible, mapagmahal at mabait siyang tao," bungad ni Diether sa tsikahan namin. "Pero, masasabi kong higit na napakasu-werte ni Raymart dahil minahal at pakakasalan siya ni Claudine." May pitong taon na raw silang magkaibigan ni Claudine, ayon kay Diether. At sa unang pagkikita pa lamang daw nila noong mga baguhan pa lang sila sa showbiz ay nagkahulugan na kaagad sila ng loob. "We became f riends at once ni Claudine. Nagkahulihan kaagad kami ng loob. Nagkahingahan ng mga problema, until we found ourselves in the situation na parang hindi kumpleto ang araw kung hindi namin nakikita at nakakausap ang isa't isa," patuloy ni Diether. "And that time we knew that we already love each other. Pero 'yung love na parang hindi puwedeng i-consumate as lo-vers." Ayon pa kay Diet, alam daw nila nila ni Claudine noon na "soulmates" sila. At ang realization mismong ito ang dahilan kung bakit ni hindi nila tinangkang "angkinin" ang isa't isa bilang magkasintahan. "Sabi noon sa akin ni Claudine, soulmate niya ako. Inamin ko rin sa kanya na 'yun din ang feelings ko for her. Pero, 'yung sobrang dami ng pinagdaanan namin, na-develop ang sobrang respect din namin sa isa't isa and because of that parang hindi namin matatanggap na we would end up as ordinary lovers. Ang ordinary lovers kasi ay away-bati, bati-away 'di ba? In the process ng ganyang relasyon, nawawala na ang respect, at 'yun ang a-yaw naming mangyari sa amin ni Claudine," kuwento pa ni Diether. So, hindi raw sila pumunta sa level ng pagiging "ordinary lovers." Ang sa kanila raw ni Claudine ay isang relasyon that will go beyond sa kanilang life time. Pero sa present lifetime daw nila, mas mabu-ting maging best of best friends na lang muna sila na ang makakasama sa buhay ay iba. Si Claudine ay kay Raymart at si Diether ay kay Kristine Hermosa. Speaking of Ikaw ang Lahat Sa Akin, si Angelika dela Cruz ang love interest dito ni Diether. Pareho silang mayaman at ma-ambisyon sa buhay. Kaya lang papasok sa eksena ang mahirap lang na dalagang gagampanan ni Claudine at doon magkakaroon ng drama at maraming twists na magaganap as the story develops. Ayon sa kuwento ni Diether, si JOHN LLOYD Cruz ang magiging "breaker" sa magiging magulong buhay sa teleserye nina Claudine, Diet at Angelika.
|
|
|
Post by mhie on May 10, 2005 7:45:50 GMT 8
ABANTE Dondon Sermino
Pauleen Luna, hadlang sa kasal sa simabahan nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa?
GAYA nang sinabi ni Claudine Barretto, hindi sila ni Diether Ocampo ang magpu-provide ng kilig factor sa bago nilang teleserye na Ikaw Ang Lahat Sa Akin ng ABS-CBN. Sina JOHN LLOYD Cruz at Bea Alonzo nga raw ang hahawak sa aspetong ito.
Na dapat lang naman, dahil hindi na nga dalagita at binatilyo sina Diether at Claudine. Bukod pa sa katotohanan na sa susunod na taon ay ikakasal na si Claudine kay Raymart Santiago.
Pero, hindi raw dahilan ‘yon para hindi sila subaybayan ng mga fans nila.
"Nakita namin `yung growth ng mga fans, eh. Alam nila na may individual career kami ni Claudine. Pag nagsama kami ni Claudine, parang alam agad nila na maganda `yung combination namin," say ni Diether.
Si Diether ang tinuturing ni Claudine na pinakamalapit na lalake sa buhay niya.
"Ang dami na naming pinagdaanan ni Claudine. Alam na niya ang lahat ng kalokohan ko, alam ko rin lahat ng kalokohan niya. Halos sabay kaming lumaki rito sa showbiz.
"Kahit hindi kami lagi nag-uusap, close talaga kami, hindi talaga nawawala `yon. Like, may mabalitaan lang ako sa kanya, tatawagan ko lang siya, tatanungin ko kung okey siya, ganu`n lang. `Yun ang maganda sa amin ni Claudine.
"Napalapit ako sa pamilya ni Claudine. Mga 7 years na yata kaming magkakilala at magkaibigan.
"Nu’ng nagi-start pa lang ako, very visible pa si Mommy Inday (mommy ni Claudine), lagi siyang kasama. Sometimes, dumadalaw ako sa bahay nila. ‘Yung mga pamangkin ni Claudine na malalaki na ngayon, ang liliit pa lang nila noon."
Hindi raw pumasok sa isip ni Diether na ligawan si Claudine noon.
"Parang nararamdaman namin na soulmates kaming dalawa. May mutual respect kami for each other, na hindi naming ma-imagine na magkakatuluyan kaming dalawa.
"Mas kumportable kami na nakikita naming nagu-grow ang friendship namin."
Ano ang maibibigay na payo ni Diether kay Claudine ngayong malapit na itong ikasal? Eh, mukhang mas nauna namang makaranas ng kasal si Diether kay Claudine, ‘di ba?
"Mga pahapyaw mo, ha! Ha! Ha! Ha! Ha!" humahalakhak na reaksiyon ni Diether.
"Wala akong maibibigay na advise sa kanya. Iniisip niyo lang `yon na parang mas nauna ako. Siguro, nauna ako sa kanya in terms of responsibility, dahil I grew up without a father, `di ba? Big responsibility ang naiwan sa akin, at nakita niyo naman kung paano ko tinaguyod ang pamilya ko," say ni Diether.
Wala pa bang plano si Diether na pakasalan na si Kristine (sa simbahan?)? Eh, nagpapakasal na ang mga malalapit na babae sa buhay niya, ‘di ba?
"Pabayaan mo na sila. Masaya ako para sa kanila."
Bakit natsitsismis na hiwalay na sina Diether at Kristine Hermosa? Si Pauleen Luna nga raw ang dahilan?
Sabi sa tsismis, nakita ni Kristine ang laplapan nina Diether at Pauleen sa cellphone niya?
"Wala `yon! Promo lang `yon sa Bora! Eh, wala namang dapat mahuli, `no! Wala `yon!" nakangiting tugon lang ni Diether.
Kailan nga niya pakakasalan sa simbahan si Kristine?
"May hinahanda akong negosyo, na kapag `yon, na-establish na at naging maganda ang takbo, then I can say, kumbaga may confidence na ako na kahit mawala ako sa showbiz, basta meron ako noon, kayang-kaya ko na, anytime magpapakasal na ako" say ni Diether.
Nagsimula na raw ang negosyong ‘yon ni Diether. Ayaw lang niyang ikuwento kung ano ito.
"Pero, nakakatulong ito para sa mga kababayan natin. Basta, it will put us in the world map. Lagi na lang tayong napag-iiwanan, ang dami-raming magagaling sa atin, eh," seryosong sambit pa ni Diether.
Teka lang, bakit pinayagan ni Diether si Kristine na makisamang muli sa ex-boyfriend nitong si Jericho Rosales sa Ang Panday?
"Siya na ba? Sa part na `yon, hindi ako nakikialam, eh."
-------------------------------------------------------------
Siyanga pala, magkapatid ang papel nina Diether at JOHN LLOYD Cruz sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Sa kuwento ni Diether, bagamat magkapatid sila ni JOHN LLOYD, magkaibang-magkaiba ang kanilang personalidad.
Si Diether ang naatasan na mag-asikaso sa negosyo nila, na tipong de-numero ang mga kilos, samantalang si JOHN LLOYD naman ay pa-easy-easy lang ang buhay.
Si Diether ay may imahe na dapat pangalagaan, samantalang si JOHN LLOYD naman ang tipo ng lalake na kumakain sa mga turo-turo at nakikipagkaibigan sa mga mahihirap na tao sa magulong mundo.
"Kung titingnan mo, mas matalino ang character ko sa character ni JOHN LLOYD. Pero, parang mas matalino siya, dahil mas marami siyang nai-explore.
"Unlike me, parang limited lang ang ginagawa ko, trabaho at bahay lang," sabi pa ni Diether.
Pero, si JOHN LLOYD ang naging dahilan para makilala ni Diether ang character naman ni Claudine Barretto. Sabi pa ni Diehter, mababago ang pagmamahalan nila ni Angelika dela Cruz nang dahil sa pagpasok ni Claudine sa buhay niya.
Mistula nga raw Imelda Marcos at Ferdinand Marcos ang drama nina Diether at Angelika sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Si Angelika ang parang nagpapatakbo sa buhay ni Diether.
"Oo, parang ganu`n. `Yung character ko kasi, parang ang pinanghahawakan ko ay ang success."
Nilinaw ni Diehter na hindi kontrabida si Angelika sa teleserye nila. Kung may kontrabida man daw, lalabas lang ‘yon sa sitwasyon, at hindi talaga kontrabida sa simula.
"Walang masamang karakter sa amin," say pa niya.
Sa bilang ni Diehter, pang-apat na pagsasama na nila ni Claudine ang Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Nagsimula sila sa Mula Sa Puso, nasundan ng Saan Ka Man Naroroon at Marina. Bukod pa roon ang Buttercup nila, na sa bandang huli ay nagkahiwalay rin sila at hindi naman maituturing na teleserye.
Kuwento pa ni Diether, sa sobrang dami na ng pinagsamahan nila ni Claudine, puwede na silang magtrabaho habang nakapikit. Hindi na nila kailangang pakiramdaman pa ang isa’t isa, para maging maayos ang shooting o taping nila.
"Kahit nakapikit talaga. Parang may instant chemistry kami. Na every project na nagsasama kami, kusa na lang lumalabas `yung chemistry naming," sabi na lang ni Diether.
|
|
tes
Online FRIEND ... for keeps
alternatibong pinoy rock ito!
Posts: 550
|
Post by tes on May 10, 2005 19:42:48 GMT 8
IALSA promo at SHOWBIZ NO. 1 ang magagandang dilag ng IALSA ;D
|
|
|
Post by mhie on May 11, 2005 1:48:27 GMT 8
ABS-CBN INTERACTIVE Ikaw ang Lahat sa Akin: sa May 16 na!
ABS-CBN proudly presents its newest teleserye, Ikaw ang Lahat Sa Akin, set to premiere on a prime evening slot on Monday, May 16. Ikaw ang Lahat Sa Akin stars teleserye princess Claudine Barretto, cast for the very first time alongside one of today’s most popular screen teams, JOHN LLOYD Cruz and Bea Alonzo. Also heading this exceptional cast are Angelika de la Cruz, Shaina Magdayao, and Diether Ocampo. An emotional story about love and life that can happen to any one of us, Ikaw ang Lahat Sa Akin is considered by many as a return to form for the teleserye format that ABS-CBN pioneered and perfected. Directed by Eric Reyes (Sana’y Wala Nang Wakas) and Jerome Pobocan (Hiram), and costarring acclaimed actors Hilda Koronel, Tirso Cruz III, Jaclyn Jose, Noni Buencamino, and Carmi Martin, with Kathleen Hermosa, Vanna Garcia, Marla Boyd and Glaiza de Castro, Ikaw Ang Lahat Sa Akin centers on the story of three young women whose journeys intersect in the most unexpected of ways. Nea Cruz Fontanilla (Claudine Barretto) and Jasmin Cruz Fontanilla (Bea Alonzo) are sisters, although they haven’t seen each other since Nea was five – when Nea’s father Larry (Noni Buencamino) abandoned her and her mother Elena (Jacklyn Jose) to live with the rich Yolanda (Carmi Martin). Years after their traumatic separation, it’s only a matter of time before Nea and Jasmin’s paths cross again. Raised in above-average circumstances by Larry and Yolanda along with her stepsister Hazel (Shaina Magdayao), Jasmin is the resident strange, shy girl in school – the target of the pranks of Oliver Ynares (JOHN LLOYD Cruz), the mischievous younger son of the prominent Ynares clan. An “old money” family, Ynares patriarch Roden (Tirso Cruz III) and matriarch Susana (Hilda Koronel) have given up on the unruly Oliver, they do have their hopes set on the bright, intelligent Ivan (Diether Ocampo) to fulfill their dreams of having a politician in the family. But unknown to Ivan's family - and his beautiful, rich, and devoted girlfriend Karri Medrano (Angelika dela Cruz) - Ivan has a dark secret that he kept hidden from those he loves, but now threatens to destroy the life he has carefully built. But while Jasmin and Oliver’s imperfect lives are about to take an interesting turn, an unexpected change will come from Nea, who is now dead-set on destroying the life of her estranged father, Larry. But what brought about this change in Nea? And how will it affect the Ynares family? Also featured in the cast are young actors Raphael Martinez, Kiko Matos, and DM Sevilla as Shaina’s suitors.
|
|
|
Post by mhie on May 11, 2005 1:52:28 GMT 8
ITO ANG L8ST NGAYON! Ni Eric John Salut Pilipino STAR Ngayon 05/11/2005
Nangiti si Diether Ocampo nang bansagan siya ng press ng Soap Opera King. Kung mero’n palang aktor ngayon na hindi nawalan ng soap opera, si Diether ‘yun. Nagsimula sa Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Recuerdo de Amor, Sana’y Wala Nang Wakas, Marina, ‘Til Death Do Us Part at ngayon ay bidang lalaki siya sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin.
"Sinwerte lang siguro," pa-humble na tugon nito.
Walong taon na si Diether sa industriya and he was able to do 7 soap opera. Not bad, ‘di ba?
Sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin (na mapapanood simula sa Lunes, May 16), ibang Diether ang mapapanood. Magkapatid sila ni JOHN LLOYD Cruz. "Serious ako dahil ako ang inaasahan ng family ko na magtuloy ng business namin. Ibang-iba sa role ni JOHN LLOYD," sabi ni Diether.
Bukod sa telebisyon, may pelikula rin si Diether. Kasama siya sa Nasaan Ka Man opposite Claudine Barretto and Jericho Rosales. Isa raw ito sa pinaka-challenging roles ni Diether sa pelikula. Sa June ang showing ng movie.
Sa nasabing movie, tiyak daw na mapapansin ng husto ang acting ni Diether. Hindi siya nagpahuli sa kahusayan nina Claudine at Jericho.
|
|
|
Post by mhie on May 11, 2005 2:56:31 GMT 8
Billy Balbastro Abante
Tama na ang pantasya sa TV!
I CANNOT dictate on the taste of others but I wish to applaud ABS-CBN for bringing back some "reality" to soap operas and teleserye in our television fare. Enough of fantasies that make us lose our grip on reality.
Just as I welcome singers who really sing songs rather than show off their shouting and belting abilities.
Anyway, all these flying women and underworld kingdoms of magic and special effects will pass and it’s back to normal for our TV fare, soap and songs included.
Life isn’t that bad to make us dislike real life dramas and make our fancy fly with fantasies and out-of-this-world characters. What would our perspective of life and reality if we have these "fantaserye or after-lunch dinner and after-dinner fare daily?
Time will come that even adults would be swallowing stones to make them feel like some superheroes, my God!
Anyway, I have reason to rejoice over the newest teleserye on local television, Ikaw Ang Lahat Sa Akin coming up on Monday, May 16.
Fresh from filming for Star Cinema Dubai in Dubai, Claudine Barretto, discarded her fins and sirena-tail last time she donned in Marina to play Nea Cruz Fontanilla in Ikaw Ang Lahat Sa Akin with Bea Alonzo playing younger sister Jasmin Cruz Fontanilla.
The cast is star-studded: Diether Ocampo and JOHN LLOYD Cruz for their romantic attachments, with Angelika dela Cruz as the other woman.
Other big names in the cast: Jaclyn Jose, Carmi Martin, Hilda Koronel, Tirso Cruz III, Shaina Magdayao and Noni Buencamino.
IALSA has two directors -- Erick Reyes (Sana’y Wala Nang Wakas) and Jerome Pobocan (Hiram).
|
|