tes
Online FRIEND ... for keeps
alternatibong pinoy rock ito!
Posts: 550
|
Post by tes on May 5, 2005 17:48:26 GMT 8
pasensiya na mga pare medyo malabo pinasa lang sa akin ang video salamat mhie ;D
|
|
|
Post by mhie on May 5, 2005 20:24:42 GMT 8
pasensiya na mga pare medyo malabo pinasa lang sa akin ang video salamat mhie ;D basta ikaw! salamat din sa scaps mo
|
|
|
Post by mhie on May 7, 2005 0:47:55 GMT 8
Claudine 'di pang-suporta kina JOHN LLOYD at Bea
E-TALK Beth Gelena People's Tonight
NAGUGULAT si Claudine Barretto sa mga artistang hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa tax evasion. But for her, she's very proud to say "2003, I'm a number one tax payer. We're very honest, kasi, eh. Saka, ayaw ko ring dumating sa puntong hinahabol nila ako." 'Yan ang sabi ni Claud nang saglitin namin siya sa taping ng Ikaw Ang Lahat Sa Akin sa Bgy. Maestranza, Intramuros, Manila, the other day. Sa sandaling pag-uusap marami kaming nakuhang updates about her career at sa nalalapit nilang pagpapakasal ni Raymart (Santiago). Work to death ang beauty ni Claud hanggang December. Handog niya sa fans ang comeback soap niyang Ikaw Ang Lahat Sa Akin kasama sina Diether Ocampo, Angelika dela Cruz, Shaina Magdayao, JOHN LLOYD Cruz at Bea Alonzo. Ipalalabas na sa May 27 ang movie nilang Nasaan Ka Man kasama sina Jericho Rosales at Diet. Tinatapos din niya ang movie with Aga Muhlach and JOHN LLOYD, titled Dubai. After Dubai ay may gagawin pa ring isang movie si Claud then after that saka naman siya magiging busy para sa paghahanda sa kanyang kasal. Ganyan ka-busy si Claud hanggang December. Puwera pa diyan ang pagiging ina niya kay Sabina. Nilinaw din ni Claud ang isyu sa kanilang dalawa ni Gretchen (her sister). "It hurts me sa mga naglalabasang balita tungkol sa aming dalawa. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang balita, eh. Sa akin, humahanap lang ako ng tiyempo. Personally, I want to talk with her. We're not yet spoken magmula noon. Talagang nasasaktan ako. I really pray for it na makausap ang kapatid ko. Ako mismo ang mag-iimbita sa kanya at pati na kay Dominique na aking pamangkin. Nasa planong kasama siya sa entourage ng kasal ko. I love all my pamangkins," ani Claud. Kung kanino mapupunta ang rights para sa full coverage ng kasal ng dalawa? "'Yun nga ang nakatutuwa kay Raymart. Actually, pinag-usapan namin 'yan. Naging isyu din kasi kung Channel 2 ba or GMA-7? Eh, one thing that nice in Raymart, he gives way for me. 'It's your day and you grow up there,' sabi niya (Raymart). Pero, kung taga-ibang channel ako, siguro sa GMA-7 mapupunta. Eh, Raymart naman knows kung gaano ka-importante sa akin ang ABS-CBN. Sobra nga'ng spoiled ko sa kanya, eh," masayang wika pa ni Claud. In Ikaw Ang Lahat Sa Akin, si Claud ay si Lea na isang mahirap at nakatira sa iskwater. Pagka-karenderya ang kanyang ikinabubuhay. Nagkahiwalay silang magkapatid (in the person of Bea). Natupad ang wish niyang sila'y magkita. Sa pagkikita nilang magkapatid doon na iikot ang buod ng istorya ng IALSA. 'Nga pala, kung 'di man kasama nina JOHN LLOYD at Bea si Claud sa mga billboard na nakikita sa kahabaan ng EDSA at Expressways ay 'wag na po'ng intrigahin. Hindi totoong support lang ang magandang actress sa soap. Hindi mabubuo ang istorya ng IALSA kung wala ang katauhan ni Lea (Claudine) na malapit nang mapanood every weeknights sa Channel 2.
|
|
|
Post by mhie on May 7, 2005 0:51:23 GMT 8
JULIE BONIFACIO People's Tonight
Isa-isang sinagot ni Claudine Barretto ang mga isyu sa kanya nu'ng pasyalan namin siya sa set ng inaabangang teleserye niya na Ikaw Ang Lahat Sa Akin sa Baseco Compound sa Manila. Behave naman ang fans ni Claudine since ilang araw na rin siyang nagti-taping doon. Hindi pa man ay iniintriga na si Claudine na suporta lamang nina JOHN LLOYD Cruz at Bea Alonzo sa bagong soap opera ng Channel 2 batay na rin sa trailer na pinapalabas sa ere at sa mga billboard. Ipinaliwanag ni Claudine na before she left for Dubai naka-isang taping pa lang kasi siya kaya very limited ang mga eksena niya na ipinapakita sa trailer. Pero tiniyak ni Claudine na 'di makukulangan ang kanyang mga fans once umpisahan na sa ere ang Ikaw Ang Lahat sa Akin. "My role is Lea from a very poor tapos nagka-carinderia ako. Si Jaclyn Jose ang mother ko na sobrang hardworking. May younger sister na napahiwalay sa kanya. My only dream ay magkita kami para makumpleto ang buhay ko and it turned out to be na si Bea 'yun," kwento ni Claudine. Sinagot din ni Claudine ang ilang detalye sa kasal nila ni Raymart Santiago sa January 6, 2005. Hopefully, by November or December makapagpagpahinga na siya para maganda naman siya sa kanyang kasal. And so far, wala pa rin daw talaga silang venue for the wedding. Nadiskubre rin namin na "nag-iintrega" na pala ngn kanyang sweldo si Raymart kay Claudine kahit 'di pa sila kasal. "Pang-grocery 'tsaka mga milk ni Sabina (adopted daughter nila ni Raymart) and yes, binibigay niya sa akin ang pay slip niya. Doon ko nga nakita na mas malaki ang sweldo niya kesa sa akin. Ha! Ha! Ha! "Nakakainis kasi nagsi-sitcom lang siya pero mas malaki ang sweldo niya. Nakakainis, hindi ko inexpect 'yun, huh. Tapos every month niloloko-loko ko siya, "Pa, shopping namin ni Mama.' Ni Mama niya. Kailangan naming mag-shopping ng ganito, ganyan lalo na nu'ng nasa Dubai ako. 'Babe wala na akong dollars dito.' Humingi talaga ako sa kanya. Nagpadala naman siya. Wala, naubos 'yung credit cards ko, eh ." With regards to Gretchen Barretto, nais ni Claudine na makausap personally ang kanyang kapatid at siya mismo ang ma-iimbita para sa kanyang kasal. Ayaw ni Claudine na lumabas na 'di imbitado o inimbitahan nila pero 'di darating si Gretchen sa kasal niya. "Nasaktan ako nu'ng may lumabas na 'di siya imbitado. It's supposed to be a celebration and then we're stepping on somebody. And my sister is not just somebody. I'm really praying for it na makausap ko ulit ang kapatid ko at masabi ko sa kanya na, "Gretchen, I really want you to be there. If you cannot make it at least you know that I want you to be there," diin ni Claudine.
|
|
|
Post by mhie on May 7, 2005 1:05:56 GMT 8
DONDON SERMINO PALABAN 'TO NO!
Pero bago ang kasal ni Claudine kay Raymart, ang teleserye na Ikaw Ang Lahat Sa Akin sa ABS-CBN ang uubos ng panahon ng dalaga. Para kay Claudine, bagung-bago ang teleserye na ito, dahil sa kakaibang pagdaraanan ng karakter niya.
"Bago talaga, dahil naisip ko, sa rami ng pinagdadaanan ng character ko, parang okey lang sa kanya ang lahat. I mean, pinapasa-Diyos na lang niya lahat.
"May mga questions akong ganu`n sa sarili ko habang ginagawa ko `to. Pero, marami talagang tao na ganu`n, na kahit ano ang mangyari, pinagdarasal na lang talaga lahat.
"Sabi ko nga, sinubukan kong ikumpara sa mga soap opera na nagawa ko na, wala talaga, eh. Ibang-iba.
"Like hindi ito `yung parang api-apihan talaga ako. Hindi ito `yung pinaiiyak ako palagi. Medyo perky and bubbly ang character ko rito," kuwento pa rin ni Claudine.
Masaya si Claudine na si Diether Ocampo ang kasama niya sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Sanay na sanay na siya sa piling ni Diether dahil paulit-ulit na silang nagsama sa teleserye.
"May chemistry na kasi kami. We have a very good rapport. Everybody knows naman na si Diet ang best
friend ko sa mga lalake sa showbiz. So, hindi na mawawala `yung chemistry namin.
"The only changes lang ay `yung mas magiging mature na kami on screen. Kasama na kasi namin ang mga bata, sina JOHN LLOYD Cruz at Bea Alonzo, sila ang mga bagong generation ng teleserye, `di ba?"
Baka hindi na kagatin ng mga fans nila ni Diether ang pagsasama nila dahil alam na ng lahat na ikakasal na siya kay Raymart.
"I hope and pray na sana it wont be naman na maging problema. Darating naman talaga sa stage na ganu`n, eh. Magtu-26 na ako sa July 20, kaya tama lang na maiba naman, `di ba?
"Parang ang bilis ng panahon. Grabe, 26 na pala ako.
"So, okey lang na `yung kilig factor, mapunta na kina Bea at JOHN LLOYD," nakangiting lahad pa ni Claudine.
Siyanga pala, sa isang sulok ng Intramuros nagti-tape ang grupo ni Claudine. At sa sobrang init ng panahon, nakakainggit na makita si Claudine na masaya pa rin at parang hindi napapagod at hindi pumapangit.
|
|
tes
Online FRIEND ... for keeps
alternatibong pinoy rock ito!
Posts: 550
|
Post by tes on May 7, 2005 7:02:40 GMT 8
EK CHANNEL 5-6-2005
|
|
tes
Online FRIEND ... for keeps
alternatibong pinoy rock ito!
Posts: 550
|
Post by tes on May 7, 2005 20:20:48 GMT 8
thanks elmo sa tex for ek channel ;D sa uulitin ;D
|
|
tes
Online FRIEND ... for keeps
alternatibong pinoy rock ito!
Posts: 550
|
Post by tes on May 7, 2005 23:05:12 GMT 8
kilig ;D
|
|
|
Post by mhie on May 8, 2005 0:00:40 GMT 8
SANGA - SANGANDILA Ni Veronica R. Samio Pilipino STAR Ngayon 05/08/2005
Ginagamit na ang Mrs. Santiago
Talagang feel na ni Claudine Barretto ang pagiging isang misis kahit sa next year pa nakatakda ang kanilang kasal ni Raymart Santiago. Katunayan, kapag umu-order siya ng pizza o kaya ay hamburger at nagpapa-deliver sa bahay ay Mrs. Santiago na ang ginagamit niya.
Sinabi ng magandang aktres na kauuwi lamang mula sa Dubai na kung saan ay nag-shoot siya para sa pelikula ng Star Cinema na may ganito ring pamagat na mag-asawa man siya ay hindi niya iiwan ang pag-arte. "Napag-usapan na namin ito ni Raymart kaya lang may priorities na kami," bungad niya sa ilang dumayong press people sa Barangay Maestranza sa Intramuros, Manila na kung saan ay kinukunan ang bago niyang teleseryeng Ikaw Ang Lahat Sa Akin na kung saan ay muli silang magkasama ni Diether Ocampo at ang loveteam nina JOHN LLOYD Cruz at Bea Alonzo.
"Kung ako ang masusunod gusto kong maging fulltime wife and mother pero, naisip ko na kailangan ay may sarili rin akong pera para di masira ang ego ko. Siguro pag marami na akong ipon at saka ako titigil.
"Binibigyan naman ako ni Raymart ng pang-grocery, pang-gatas ni Sabina. Natutuwa nga ako kapag inaabutan niya ako ng pera pero, siguro pag wala akong trabaho at inabutan niya ako ng pera ay maiiyak ako. Nung nasa Dubai ako pinadalhan niya ako ng pera at halos maubos ko ang laman ng credit cards niya," kwento ni Claudine
Sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin nagka-carinderia sila ang kanyang ina na ginagampanan ni Jaclyn Jose.Very hardworking siya. May isa siyang sister at nagkahiwalay sila nung maliliit pa sila. Hindi nila alam na mag-ina na parehong pangarap nila ang makasamang muli ang kanyang kapatid. Ito lamang ang bubuong muli ng kanilang buhay.
Fourth pairing na nila ito ni Diether na isang anak mayaman at may girlfriend, si Angelika dela Cruz, kapatid ni JOHN LLOYD na madalas kumain sa carinderia nila.
Ayon kay Claudine, walang pagkakapareho ang seryeng ito sa lahat ng nagawa niya, "Wala akong kontrabida rito pero, meron kay Bea. Sila rin ni JOHN LLOYD ang magpu-provide ng kilig part sa teleserye.
"Marami nga ang na-curious dahil wala ako sa mga trailer o teaser ng teleserye pero ito ay dahilan lamang sa nasa Dubai ako at nagsu-shooting. Ngayon maaasikaso ko na rin pati ito," patuloy niya.
|
|
tes
Online FRIEND ... for keeps
alternatibong pinoy rock ito!
Posts: 550
|
Post by tes on May 9, 2005 0:54:23 GMT 8
IALSA promo at ASAP 5-8-2005
|
|