www.pep.ph/guide/7165/Director-Cathy-Garcia-Molina-says-%20My-Amnesia-Girl-%20is-not-copied-from-%2050-First-DatesPep
Mark Angelo Ching
November 8, 2010
Director Cathy Garcia-Molina says My Amnesia Girl is not copied from 50 First DatesInamin ng direktor na si Cathy Garcia-Molina na hindi siya agad naging sigurado na malakas ang chemistry nina JOHN LLOYD Cruz at Toni Gonzaga para makagawa ng isang pelikula. Ngunit nang makatrabaho na niya ang dalawa sa My Amnesia Girl, ang pinakabagong pelikula mula sa Star Cinema, masasabi ni Direk Cathy na may pag-asa ang bagong tandem na ito.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press ang direktor sa shooting ng My Amnesia Girl noong Huwebes, October 4, sa isang hotel sa Quezon City.
Kuwento ni Direk Kathy, "When I was first telling this to people, ang reaction, 'Ha? Meron ba Direk? Meron ba [chemistry] yung dalawa?' Sabi ko, 'I really don't know. I wouldn't know until makasama ko sila.
"And siyempre, nung una ko silang nakasama, tinatantiya ko rin, parang, just how I was sa ibang pelikula kong bago ang tandem, 'no? Sarah [Geronimo]-JOHN LLOYD, and Toni-Sam [Milby] before, and... basta gano'n.
"So amazingly, meron."
Ayon kay Direk, gumana raw ang nasabing tandem dahil sa may magkatulad na personalidad ang dalawang aktor.
"Si Toni kasi, receptive na tao, yung, kung ano ang ibigay mo, tatanggapin niya. JOHN LLOYD, on the other hand, pareho, ganun din. At kung ano ang ibinigay, na tinatanggap nung babae, parang nagko-compliment.
"Minsan kasi, 'di ba, okay naman sa akin but I cannot please everybody. So, minsan, ang mas importante sa akin, kung ano ang nakikita ng ibang tao. So when the teaser came out, sobra yung nginig ko kung meron, meron. And, happy kami na meron naman daw! So, happy naman kaming tatlo."
Isa sa mga nais iwasan ni Direk Cathy ay ang matulad ang characterization nina JOHN LLOYD at Toni sa mga pelikulang nagawa na nila. Ilang beses na rin kasing nakatrabaho ng direktor ang dalawang young stars.
Limang pelikula na ni JOHN LLOYD ang nai-direct ni Direk Kathy: Close To You (2006), One More Chance (2007), A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009), at Miss You Like Crazy (2010).
Tatlo naman para kay Toni: You Are the One (2006), You Got Me! (2007), at My Only Ü (2008).
"Dun talaga kami nagiging careful," paliwanag ng direktor. "Huwag maging pareho ang characterization, and definitely, 'wag mapareho ang kuwento, and 'wag mapareho ang treatment.
"Specially po ako na medyo nahahanay talaga sa rom-com, very conscious yung effort sa part namin na 'wag makita ang isang luma kong pelikula, o 'wag masabing, 'Ay, ganun uli? Wala na bang iba?' Sobra po ang effort namin na makapagbigay ng bago.
"And with that goal, andun I think lumalabas yung ano ang ipapakitang iba. For as long as kasi the actors are willing to explore, walang problema, so iibahin mo yung characterization, iibahin mo yung atake, yung tono ng pelikula, parang iba na rin."
Pakiramdam ni Direk Cathy, may bago na namang maiihain ang Star Cinema sa mga manonood.
"Naku, ang tagal namin ni-research 'yan. Ni-research namin talaga what could work, sobrang isip namin ng creative team, paano, paano maiiba ang boy-meets-girl na naman na kuwento. Hinanap namin, ano ba ang strength ni Toni, ano ba ang strength ni JOHN LLOYD?
"Tapos, si JOHN LLOYD naman talaga, meron kaming want, from JOHN LLOYD himself, and Star Cinema, parang, 'Ano naman kaya ang maipapakitang bago ni JOHN LLOYD?'"
Saad ng director, naisip nila na bigyan ng light role si JOHN LLOYD, katulad ng mga role na madalas ginagampanan ng Hollywood comedian na si Adam Sandler.
"Rather than giving him a more dramatic role, or a more dramatic film, we thought of, 'Bakit hindi ka kaya subukang maging light? Subukang maging Adam Sandler?' So somehow, meron kami talagang want na pagaanin naman si Lloydie, especially lalabas 'to at the time of Imortal. So at least, may variety yung tao."
Tinanong naman ng PEP kung ano ang reaksyon ng direktor sa mga nagsasabing kinopya lamang sa Hollywood movie na 50 First Dates ang My Amnesia Girl.
Ang 50 First Dates (2004) ay tungkol sa isang babae na nagkaroon ng ibang klase ng amnesia. Starring dito sina Adam Sandler at Drew Barrymore, at nai-direct ni Peter Segal.
"Malayo" raw ang kuwento ng dalawang pelikula, ayon kay Direk Kathy.
"Malayo po 'to. If there's something similar to 50 First Dates, yun lang salitang amnesia. But other than that, hindi po. Pero, talagang peg namin yung tipo ni Adam Sandler na light lang. Kahit dramatic moment na, hindi talaga nagda-drama. Gusto talaga namin na light lang talaga."
"Actually, sabi ko nga, naku, baka isipan talaga nila, copycat 'to ng 50 First Dates. Yun lang pagka-amnesia. Pero, paglabas po ng full trailer, you will know that it's not," paliwanag ng direktor.