Eto ang nararamdaman ko kagabi about IMBY ... come to think of it ... ilang araw nang ganito ang IMBY ...
Inconsistent ang pacing ng show ... well, most of the time pala eh mabagal ... at ang acting ... yaikkssss! karamihan sa mga supporting characters ... "acting na acting" (if you catch my drift) ... si Axel at si Lupe ... parang constipated pa rin pareho ... si Gian ... masabi lang na may eksena ... kailangan bang isingit yung "tagay muna" eklat?
Pati si Miss Jean ... mukhang nadidiskaril ... kahit pa ang galing niyang mag-emote ... at mag-umiyak while in captivity ... nakakasuya kung ang paulit-ulit lang na lumalabas sa bibig niya ay "Hayop kaaaaaaa! Wag ang bata! Wag si Cielo!" during her confrontation with Frida.... Actually, ilang beses ko na itong napapansin kay Miss Jean .... ilang eksena na ba niya ang ganito ang style niya ... umaatungal habang paulit-ulit na sinasabi sa isang kataga (Mostly, "hayop ka!" ;D) ... sign ba ito na mahina ang materyales (script/story) ng IMBY? Malamang! Kasi hindi naman ganyan si Miss Jean when she was portraying Lady Morganna or Madame Claudia ...
At yung mga dialogue nina Orlanda at Cielo while in captivity ... c'mon ... gimme a break ...
... ulk! ... I mean ... ulk! talaga! ...
I hardly noticed Lawrence ... teka, andun nga ba siya? ;D ... well, if he was, di ko talaga napansin ...
Many of the scenes ... were like ... done haphazardly ... halatang-halata ... halimbawa, nung susunod na sina Lawrence, Ernesto, et al para puntahan si Gian ... may isang naka-barong na lalaking sumakay sa likuran ng Pajero nila ... pero ano ang nangyari sa continuity? ... while in transit at nag-uusap ang mag-ama ... magic? the guy was gone! ...
... akala ko tuloy NGINIIG! na ang pinapanuod ko! ... kunsabagay! ;D
... eto pa ... kung ikukumpara ang eksena ni Frida with Ola ... then yung scene niya with Cielo ... ang mga burn marks niya ... nag-iiba ng shade! ...
Haaaaaaaaay! Parang sarswela ....
... please don't get me wrong ... sure ... I am a fan ... of JOHN LLOYD ... but I am not STUPID na tatanggapin ko na lang kung ano ang inihahain sa akin ... ayoko nang mag-pretend ... hindi ko kayang kumbinsihin ang sarili kong maganda ang seryeng ito ... kahit pa for LLOYDY's sake. I'm sorry.
IT MIGHT BE YOU??? ... IT MIGHT AS WELL END ...