|
Post by mhie on Jun 22, 2005 7:57:04 GMT 8
JUNE 21 EPI...
|
|
|
Post by mhie on Jun 22, 2005 7:58:44 GMT 8
|
|
|
Post by mhie on Jun 22, 2005 8:00:12 GMT 8
|
|
harry
Uhm-hmm ... getting pretty serious ...
Posts: 34
|
Post by harry on Jun 22, 2005 9:38:40 GMT 8
HEY guys~can u post the synopsis of this??i'm so interested with the story...i hope it'll show here in malaysia... i'm a huge fan of JLC...
|
|
|
Post by ELEAU on Jun 22, 2005 18:29:55 GMT 8
hi Harry! I'll to ask Mhie if she can post the synopsis too.
|
|
|
Post by mhie on Jun 24, 2005 8:16:15 GMT 8
JUNE 22 EPI
|
|
|
Post by mhie on Jun 24, 2005 8:18:21 GMT 8
|
|
|
Post by mhie on Jun 24, 2005 8:19:44 GMT 8
|
|
|
Post by mhie on Jun 24, 2005 8:40:59 GMT 8
ABS-CBN INTERACTIVE
Synopsis Ikaw Ang Lahat sa Akin
06/01/05
Trineat ni Oliver si Nea sa isang masarap na restaurant! Kumain siya ng madaming talaba, at masayang masaya ito. Ngayon lang daw siya nakatikim ng ganun kasarap na pagkain at nagpapasalamat siya kay Oliver. Si Ivan panay si Nea ang naiisip, hala naguilty kaya tinawagan si Karri at nag "iloveyou" dito. Si Oliver dinala na si Nea sa Young Artists Awards Nights.
Habang nakikihalubilo si Oliver sa mga tao, nakaramdam ng sakit ng tiyan si Nea kaya dali dali itong naghanap ng CR, saka namang dating ni Jasmin! Sa pagtakbo ni Nea palabas nasalubong na naman siya ni Ivan at nakuha ni Ivan ang naiwan niyang isang slip on! Hala Cinderella ba ito? PInahabol nalang ni Ivan sa guard si Nea para ibigay yung slip on niya.
Si Karri dumating na, may dala pang gift para kay Oliver. Nang makita si Jasmin tinawag pa niya ito para lumapit sa kanila. Chika chika sila habang kunwari iniignore ni Oliver si Jasmin. Nanalo si Oliver ng award sa Awards Night na iyon habang si Nea asa bahay na ulit, kasama ang nanay niya. Hindi na kasi kinaya ng tiyan niya yung talaba.
Sa dinner, magkakasama sina Karri, Ivan, Oliver at Jasmin. While everyone was dancing, niyaya ni Oliver ang dalaga kasi nakakahiya naman daw kung tatayo lang sila sa dancefloor. And for once nakapagsayaw sila ng malapit ng hindi nagaaway, kunwari daw nakikipagsayaw ito sa hangin! At nakascore na nga ito ng sayaw kay Jasmin!
Pagkauwi sa bahay nina Oliver at Ivan, kitang kitang hindi magkasundo si Oliver at ang kanyang ama. Ni hindi maging proud ang tatay nito sa award na nakuha ni Oliver! Pero okay lang daw hindi naman daw niya ineexpect na maging proud ang kanyang ama sa kanya.
-----------------------------------------------------------------------
06/02/05
It looks like his father's words got to Oliver, wala nga raw kwenta naman ang award niya sabay tapon ng medalya sa pool niya. Laking gulat niya ng biglang tumalon ang kuya niya, fully clothed sa pool para kunin ang medalya niya. Nagflashback tayo sa kabataan nila ng kuya niya, noon pa man pala eh talagang kawawa na si Oliver sa tatay niya.
One time kinuha niya yung laruang regalo sa kuya niya at napagalitan siya nito, magnanakaw daw siya! Pati katulong nila pinapagalitan siya, one day nawala nalang bigla si Oliver at si Ivan ang nakahanap sa kanya. Nagaway pa sila noon pero Ivan waited him out at nilibang pa siya nito. Nang mabalik sa present, laking pasalamat ni Oliver sa kuya niya. Masuwerte pa rin siya dahil si Ivan ang naging kuya niya!
Si Jasmin nakausap pa si Karri over the cell phone, natutuwa si Jasmin dahil mayroong mabait sa kanya. Ang tatay nila Oliver masyadong pinepressure si Ivan tungkol sa kumpanya nila, ganito ba talaga kasama ito? Inabot pa siya ng kapatid na nagtatrabaho kahit na halos umaga na, sa awa pinatimpla niya ng kape ang kuya niya.
Wah si Oliver binigay yung painting niya kay Jasmin pero nakakagulat dahil tinanggihan ito ng dalaga! Hindi naman daw sila close nito, hindi daw sila magkaibigan kaya hindi niya matatanggap ang painting. Ouch! Kagulat gulat dahil biglang binigay nalang niya ito sa library. Doon nalang daw niya iiwan yung painting niya.
Samantala nangungulit na naman ang concessionnaire sa canteen tungkol sa rasyon rasyon ni Nea, si Ivan naman inaavoid din si Nea. Naku naggive up na ba si Oliver kay Jasmin finally? Dinaanan nalang niya ito sa hallway ng parang hindi niya ito nakikita. At mas mabuti na raw na hindi na muna siya maramdaman! Hala how sad!
-----------------------------------------------------------------------
06/03/05
Nakita mismo ni Ivan kung pano gustong gusto ng mga empleyado niya ang pagkain ni Nea. Kaya lang delayed pala ang mga tseke ni Nea, nawawalan na kasi siya ng puhunan. Pero may problema daw sa accounting at aba ayaw ipaalam kay Oliver ang delay ng mga tseke niya? Aba something doesn't smell right here! Si Oliver kinukulit na naman nina Zsa Zsa at inis siya, at hala he snapped at Jasmin.
Talaga ngang inaavoid na ni Oliver si Jasmin, nagtataka na rin tuloy ang dalaga. At hinahanap na rin niya ang secret admirer niya, nagsend siya ng note na kinukumusta niya ang di kilalang tagahanga. Si Nea namumublema kung pano pagkakasyahin ang pera niya gayong hindi pa siya kumikita sa pagrarasyon niya sa opisina. Nagisip na tuloy sila ng mga ibang raket ni Bonnie para kumita lang.
Bumisita si Oliver sa karinderya ni Nea minsan pero wala itong imik. Inalam tuloy ni Nea ang dahilan, nung una ayaw nitong magsalita pero after a while umiyak na ito. Naku sa isang confrontation nagkamali si Jasmin na icompare si Oliver sa kuya niya, at sa sagot ni Oliver alam niyang nagkamali siya ng sinabi. Poor Oliver ang sakit siguro ng dinadala nito ngayon!
Tuloy tuloy ang pagraket ni Nea kahit pa sa karnibal, at sa wakas nakaipon na ito para sa birthday ng nanay niya. Pero nagaalala na rin si Nea para sa best friend niya, matagal na ding hindi kasi ito dumadaan sa karinderya. Sa school Jasmin sees Oliver's forlorn profile sitting on the stairs kaya nilapitan niya ito. Magiging okay na kaya sila? Sana naman.
-----------------------------------------------------------------------
06/06/05
"Oliver" mahinang tawag ni Jasmin sa binata, pero bago pa siya makapagapologize ay umalis na si Oliver. Namimiss na ni Jasmin ang kanyang secret admirer, hindi niya malaman kung ano na ang nangyari dito. Aba at mukhang si Zsa Zsa na ang pinagbabalingan ni Oliver ng atensyon, doon niya nailabas ang sama ng loob kay Jasmin. Kinabukasan isang malaking hangover ang naranasan niya sobrang paginom!
Doon siya kay Nea nagpunta, ibinabalik nga nito yung damit at sapatos na inili niya para dito. Wag na raw siya uminom ulit bilin ni Nea sa kaibigan. Mayroong isang manliligaw si Nea na gusto siyang ikontrata sa factory nila ng pagrarasyon ng pagkain kaso tumanggi si Nea, wala daw siyang puhunan eh.
Si Jasmin nagiwan ng note para sa secret admirer niya, kumusta na raw siya, namimiss na daw niyang tumawa. Sana daw may jokes itong ipon para sa kanya at nagtanong pa ito kung pano mo malalaman kung nasaktan daw niya ang isang tao. Sumagot naman si Oliver, they went on for a few days like that, exchanging post its and notes. Naging okay na si Oliver dahil dun.
And to Jasmin's surprise, balik na ulit ito sa dati - makulit at ang gulo gulo. Pero this time nakangiti na si Jasmin sa kakulitan niya. Si Nea pinabati ang nanay niya sa radyo sa birthday nito at binigay niya yung regalo niyang damit para sa kanya. She took her mother out to dinner in a fancy restaurant and while they were celebrating, nakita ni Nea ang ama na dumating kasama ang bago nitong asawa.
|
|
|
Post by mhie on Jun 24, 2005 8:51:10 GMT 8
06/07/05
Hindi nakita ni Aling Elena sina Larry at Yolanda pero nasira na yung mood ni Nea. Gusto na nga niya lumipat ng restaurant pero ayaw ng nanay niya. Sa di inaasahang pagkakataon, nagpangabot si Larry at Elena sa may comfort room ng restaurant. Habang asa CR ang nanay niya eh pinupulaan ni Nea si Yolanda, mas maganda daw ang nanay niya.
Itinanggi ni Larry na kilala niya si Elena, kinukumusta lang naman niya ang anak niya. Bad Larry! Gusto na nitong umuwi pero ayaw ni Yolanda. Inabot naman ni Nea na umiiyak ang nanay niya sa CR. Pinalakas ng anak ang kalooban ng ina, kaya daw niya ang lahat. Bumalik sa sila sa table nila. Pero nanginis pa si Yolanda, nanginsulto pa ito at nagakmang papalayasin sina Nea at ang nanay niya.
Sa galit ni Nea, lumapit ito sa table ng tatay niya at nageskandalo na ito. Tinapunan pa niya ito ng cake! Pati ang kanyang nanay nakipagsagutan na dito at nailabas ang katotohanang pangalawang asawa lang siya. Ang saya namang birthday nito! Sa labas nagdidiskusyon si Nea at ang nanay niya, kasi hindi na daw dapat nila pinatulan yung babae. Pero kinailangan daw talagang ipagtanggol ang sarili nila, respeto nalang sa mga sarili nila.
Wag na raw sana magselos ang nanay niya doon sa babaeng yun pero mali pala ang intindi ni Nea. Nagseselos ang nanay niya kasi si Yolanda ang nagaalaga sa anak niyang bunso. Dapat daw sana siya ang mahal nito!
-----------------------------------------------
06/08/05
Sa isang maliit na chapel, nagdadasal ang mag-inang Nea at Elena matapos ang disastrous na birthday dinner sa restaurant. Hiniling ni Nea sa Diyos na sana makasama na ng nanay niya ang kapatid niyang si Daisy. Si Hazel niloloko ang ate niya tungkol sa pagiging friends nila ni Oliver kahit na doubtful si Jasmin sa friendship nila ni Oliver.
At si Oliver? Ayun halos magkasunog sa kusina nila dahil sinusubukan niya magbake. Natataranta na ang yaya niya dahil punong puno ng usok at uulit pa si Oliver! Next attempt niya sobrang tigas naman yung cake. Si Larry naman pilit na inaamo ang naguusok din sa galit na asawa niya, konting masahe pero okay na din.
Si Oliver binigay na kay Jasmin yung brownies na ginawa niya, kaya lang sa sobrang tigas hirap siya kagatin. Dinala nalang niya si Jasmin sa coffee shop, baka daw madaan sa kape yung matigas na brownie na kinakain niya. Pasimple namang nagtanong si Oliver tungkol sa mga post-its na nagpapatawa kay Jasmin. Natuwa naman ang binata kasi close na daw si Jasmin sa friend na nagbibigay ng mga jokes na ito.
Nagaway na naman sila dahil nangulit na naman si Oliver tungkol sa secret admirer niya. Umuwi na rin sila at mukhang magkasundo naman, tinitignan sa mga nadadaanan nila kung yan ang secret admirer niya. Tawa sila ng tawa sa mga kalokohan ni Oliver. Uuuy is this the beginning of something better?
---------------------------------------------------
06/09/05
Nagcalculate ng mga pautang si Nea at naku malaking pera na pala ito, sabi nga ni Bonnie "mayaman ka na sana!" Sabi din ni Bonnie si aling Pacing na naniningil ng renta niya at si Yolanda ay halos pareho pag pinagtapat nila - parehong ahas. Naisip din ni Bonnie na baka ang kapatid niya ay minamaltrato ng madrasta nito!
Si Karri at Ivan nagdinner, napagusapan din nila ang kontrata ni Mr. Gonzales na mukhang hindi na mapupunta kay Ivan. Si Karri na ang umasikaso nito at sa huli nakumbinsi din niya si Mr. Gonzales na ibigay sa mga Ynares ang contract!
Si Hazel patuloy na tinutukso ang ate niya tungkol kay Oliver, pakipot lang daw ang ate niya. Di niya alam nakatanaw ang kanyang tunay na ina sa labas ng gate nila. At ng kunin ni Jasmin ang manikang naitapon nila sa labas ay nagkita sila ni Elena. At matinding lukso ng dugo ang naramdaman ng ina lalo na ng mayakap ang batang matagal na nawalay sa kanya!
Nang magkahiwalay sila, nagkaroon ng chance na silipin ni Jasmin ang babaeng umiyak ng mayakap siya. Maramdaman kaya ni Jasmin ang significance ni Elena sa buhay niya? Magkakilala na nga kaya sila?
----------------------------------------------
06/10/05
Napaisip si Jasmin kung sino yung babaeng binigyan niya ng manika, sabi niya kay Hazel hindi niya alam kung bakit niya ibinigay, gusto lang daw niya. Habang lumuluha naman sa sobrang saya si Aling Elena sa may kapilya malapit sa kanila. Hanggang sa paguwi nito masayang masaya na siyang nakikipagusap sa anak na si Nea. Napulot lang daw niya ang manika sa daan.
Si Ivan at Karri niregaluhan ng tickets to Honolulu ng tatay ni Ivan. Aba mukhang bumabawi ang ama, natuwa pa ito dahil naseal na ang contract with Mr. Gonzales. Pero naasar ito sa asawang naglalasing sa breakfast table nila, nagthreat pa siya na ipapadala na ang asawa sa rehab. Si Nea nilabhan ang manika ng kanyang nanay kung kaya't nalaman niya na nakita na ng ina ang bunso niyang kapatid.
That same day binigyan ni Ivan si Karri ng magandang bracelet, for being very supportive daw. Tuwang tuwa ang girlfriend sa regalo niya! Si Oliver naman niyaya maglunch si Jasmin, pumayag siya kaya nagulat si Oliver. Nais pala ni Jasmin na magkaroon ng maliit na bookstore. Habang naglalunch sila nagkakwentuhan na at ang naging topic mga jokes nung "friend" niya.
Aba at get this, si Oliver nagseselos sa secret admirer ni Jasmin, eh siya din naman yun. Di tuloy alam ni Nea kung maiinis o matatawa sa mga sentimiyento ng best friend niya eh. Isang araw nakarecieve si Jasmin ng post it mula sa secret admirer niya, magkita daw sila sa may lagoon ng alas tres! Sina Nea nagcater naman sa pabirthday ng isang empleyado ni Ivan, natikman tuloy nito ang luto nito at nasarapan!
Pero ano ito inaalis na ni Aling Pacing ang mga gamit nina Nea sa bahay nila? Wala ng matitirhan sina Nea at Aling Elena? Hala naku! Pano na ito?
|
|