|
Post by ELEAU on May 25, 2005 8:21:08 GMT 8
Natawa ko dun sa carinderia scene ... yung may "acts of laxcli..." chuva ... babaw ko! ;D
|
|
|
Post by mhie on May 26, 2005 0:05:06 GMT 8
EPISODE SYNOPSIS 05/23/05
Nabangga ng kotse ni Larry ang pedicab ni Nea! Hindi na makapagsalita si Nea sa shock ng makilala ang lalaking nagdadrive ng kotse, umalis na rin ang tatay niya ng hindi siya inaacknowledge. Ang sakit naman. Si Oliver at Jasmin naman nakulong na ng tuluyan sa loob ng library at hindi pa rin tinantanan ni Oliver ang pangiinis nito kay Jasmin.
Nang mapikon na si Jasmin, nagsorry na rin si Oliver at napagusapan nalang nila kung pano sila lalabas doon sa pagkakakulong nila. Si Aling Elena nagbabantay pa rin sa labas ng bahay ng nawalay na anak pero wala naman siyang inabot na Daisy doon. Si Nea nagpunta sa simbahan para kausapin ang Diyos tungkol sa pagkikita nilang magama, at dito nagkita na rin sila ni Aling Elena.
Lahat ng paraan hinanap na nina Jasmin at Oliver, pero wala pa rin. Sa vents, sa aircon, sa bintana pero wala talaga. Mukhang kailangan na nila matulog sa library. Sina Nea at ang kanyang nanay nangangarap para sa future, nang biglang magsalita ang kanyang nanay sa kamatayan umalma na si Nea. Hindi daw siya magiisa, hindi daw sila magkakahiwalay.
Si Oliver talagang hindi titigil sa pangaasar kay Jasmin, nagsasayaw pa sa loob ng library natakot tuloy ito at naghabulan sila. Naghuhubad pa kasi si Oliver ayan tuloy ginamitan siya ng pepper spray ni Jasmin. Nagkatakutan pa sila sa loob ng madilim na lugar pero bigla namang yumakap si Jasmin sa kanya.
Pilit namang natulog si Oliver ng katabi si Jasmin sa library. Pero hindi niya napigilan na kausapin ito habang natutulog, humingi pa ito ng isang kiss. Buti nalang naghilik si Jasmin at di niya nahalikan ito. At kinabukasan nagising sila sa harap ng madaming tao at sa head librarian! Hala trouble na naman?
|
|
|
Post by mhie on May 26, 2005 0:11:58 GMT 8
05/24/05
Paggising nila Jasmin at Oliver ay pinapadala na sila sa Dean's Office. Ngayon galit na galit si Zsa Zsa kay Josh na binayaran niya pala para makulong sa library kasama ni Jasmin. Hindi pala dapat si Oliver ang makukulong doon, si Josh pala. Si Bonnie naman nagrereklamo tungkol sa customer niya kay Nea. Ang ibinayad kasi sa kanya ay isang polaroid camera at hindi cash!
Unlawful stay on the premises and acts of lasciviousness daw ang nilabag na rule nina Jasmin at Oliver. Kailangan na raw na ipatawag ang mga magulang nila at kahit anong pakiusap ay hindi na magbabago ng isip ang dean. Si Nea tuwang tuwa kasi pinahiram ni Bonnie yung camera sa kanya, may gusto daw kasi siyang kunan ng lirato.
Nagkita na si Nea at si Jasmin, nakiinom kasi ito ng tubig sa karinderya niya habang tumatakas ito kay Oliver. Hindi maipaliwanag ang naramdaman ni Nea ng nagkausap na sila, kaya lang bigla siyang nawala at umalis na. Si Oliver naman yung dumaan sa karinderya ni Nea at nakikain. Finally tinanggap ni Nea yung alok nitong raket sa kanila. Si Jasmin bugbog sarado na naman sa nanay niya pagdating niya sa bahay. Awang awa tuloy ang kapatid niyang si Hazel sa kanya, dinadamayan nalang niya ang ate niya. Si Oliver naman nagpapaliwanag din sa kuya niya kaya lang mas maluwag ang pagtanggap nito sa kuya niya.
Hindi na halos makatayo si Jasmin sa grabeng mga bugbog na inabot niya sa mommy niya. Sa sobrang awa naman sa kapatid niya, Hazel threatens to leave the house the next time she lays a hand on her sister. Si Nea dinala ni Oliver sa kumpanya ng kuya niya para maayos na ang pagdadala nito ng pagkain para sa mga empleyado nila. She accidentally sets the fire alarm off at nasalubong niya ang kuya ni Oliver! Tumigil ang mundo hala ano ito?!
|
|
hamster
Online FRIEND ... for keeps
Posts: 16
|
Post by hamster on May 26, 2005 2:52:31 GMT 8
siguro naman alam ni oliver na fontanilla ang lastname ni jasmine at nea, di ba nya naisip bakit pareho? kahit pa pinalitan ang pangalan ni jasmine? Yan din ang iniisip ko...bakit walang tanong o pagtataka si Oliver tungkol sa parehong apelyido nila Jasmin at Nea
|
|
|
Post by mhie on May 26, 2005 10:55:29 GMT 8
Yan din ang iniisip ko...bakit walang tanong o pagtataka si Oliver tungkol sa parehong apelyido nila Jasmin at Nea siguro di pa alam ni oliver ang apelyido ni nea
|
|
Chie
Online FRIEND ... for keeps
Posts: 339
|
Post by Chie on May 26, 2005 10:57:44 GMT 8
Yan din ang iniisip ko...bakit walang tanong o pagtataka si Oliver tungkol sa parehong apelyido nila Jasmin at Nea malamang pinalitan nila ang pangalan ni jasmine...di ba daisy sya dati?...tapos si nea, since di kasal ang parents nya, technically surname ni jacklyn jose ang apelyido nya...si jasmine naman, sa dad nya kasi inaampon na sya...
|
|
|
Post by mhie on May 26, 2005 11:02:26 GMT 8
malamang pinalitan nila ang pangalan ni jasmine...di ba daisy sya dati?...tapos si nea, since di kasal ang parents nya, technically surname ni jacklyn jose ang apelyido nya...si jasmine naman, sa dad nya kasi inaampon na sya... chie ! naghahanapan tayong dalawa ;D parehong apelyido ang gamit nila.. pwede din kasing di pa alam ni oliver ang apelyido ni nea kaya di sya nagtatanong tungkol dun
|
|
Chie
Online FRIEND ... for keeps
Posts: 339
|
Post by Chie on May 26, 2005 11:04:43 GMT 8
chie ! naghahanapan tayong dalawa ;D parehong apelyido ang gamit nila.. pwede din kasing di pa alam ni oliver ang apelyido ni nea kaya di sya nagtatanong tungkol dun hahaha sa wakas nahabol din kita hahaha... pwede rin...malamang sabi sa kanya ni claudine..."itago mo na lang ako sa pangalang Nea..." hehehe JOKE! ;D
|
|
Chie
Online FRIEND ... for keeps
Posts: 339
|
Post by Chie on May 26, 2005 11:07:18 GMT 8
mhhhhiiiieeeeee nasaan ka na??? malapit na akong matulog!!!!! ;D
|
|
|
Post by mhie on May 26, 2005 11:07:19 GMT 8
hahaha sa wakas nahabol din kita hahaha... pwede rin...malamang sabi sa kanya ni claudine..."itago mo na lang ako sa pangalang Nea..." hehehe JOKE! ;D hahaha... pwede ;D ;D ;D ;D
|
|